CHAPTER 9

9.5K 215 0
                                    


Clyde's POV

May bumato sa cellphone ko!
At nang akmang pupulutin kona ay natigilan ako

Pinagsisisihan kong bumaba pako sa bulok niyang motor

Tama siya..maraming gustong kumanti saken sa di ko malamang dahilan....
Wala naman akong ginagawa...

'Naiinsecure kaya sila sa kagwapuhan at kayamanan ko?'

'Kaya nila ako binubugbog?!'

Heto nanaman sila sa harap ko at nakapalibot sila saken..double na ang nilang nila kumpara sa HULING beses ko sila nakita

Hindi ko alam pero kailangan ko siya ngayon...kailangang kailangan!!!

Ayoko pa mamatay!

'Lord kung mamamatay nako gusto Kong malaman niyong ayoko pa ho! :(

Malapit na malapit na sila saken AT MAY PUMUKPOK SAKEN SA LIKOD...

'Ouch'

Halos mangiyak ako sa lakas nun

at nang lumapit sila sakin ay isa isa nila akong pinagsisisipa sa mukha na halos magdugo na ito

may isa pang lumapit saken at pinagbubugbog ako kaya naramdaman ko ang pagtulo ng sarili kong dugo sa noo

UMAGANG UMAGA

nakaramdam ako ng galit......akala koba bayad siya? asan siya? kingina!

"hindi lang yan ang ganti namin sainyo!" sabi nang isang lalaking nakashades na bumaba sa isang kotse pero tumalikod den sakin

"a-ano bang ginawa ko sainyo!!!!!" sabi ko at nagtinginan naman sila at humalakhak

"hoy?!" sabi ko at nanlaki ang mata nila

"pumapalag kana?!" sabi nila pero nagulat ako nang isa isang tumumba ang mga nasa likod

KITANG KITA KORIN ANG GULAT SA MGA MATA NG MGA LALAKE at ang lalaking nakashades naman kanina ay pumasok na sa loob ng kotse...

'natakot ba sila sa presensya niya?'

nagtataka ako dahil parang ngaun ay sobrang TAMLAY NIYA na tila kayang kaya ko siya bugbugin ngayun dahil mukha siyang walang kalaban laban

"ikaw nanaman?" naglakas loob ang lalakeng pumukpok saken na magsalita

"ako nga...masanay na kayo, pag sinaktan niyo ito ay siguradong nasa paligid lang ako" sabi niya ng seryoso at saka ako tiningnan ako mula ulo hanggang paa at sa mata niya ay may awa at parang sinasabihan niya akong TANGA sa tingin niyang iyon

kung kanina pa sana siya dumating edi sana ay ayos ako..inaalagaan ko ang mukha ko dahil sa sample namin bukas pero bullsh*t naman talaga

nagsimula nang magalit ang mga lalake at laking gulat ko ng pumwesto si jax sa harap ko na para bang siya ang pinakang shield ko...nagulat ako ng biglang may akmang babaril saken pero bigla niya ako itinulak at isinangga ang kanang braso niya..napatumba pako ng pagkalakaslakas at sumubsob sa lupa sa lakas ng pagkakatulak niya pero ang resulta ay siya mismo ang natamaan 

hindi siya kumbo...ni isang salita ay wala akong narinig mula sakanya at nang humarap siya saken ay sinamaan ko siya ng tingin

'kingina to...angas angasan..'

muling pumutok ang baril at tumama uli ito sa kanang braso niya...doon na siya napasigaw sa sakit...nagsimula nang sumugod ang mga armadong lalake sakanya 

"napakarami monang atraso samin jax" sabi nung lalake at napangisi si jax

"pero wala akong dapat pagbayaran" sabi ni jax at humarap saken..

tinaasan ko siya ng kilay...naiinis paren ako pero nang makita ko anag dugong umaagos sa braso niya ay natigilan ako..binigyan niya ako ng tingin na para bang ayaw niya akong paalasin sa pwestong kinatatayuan ko dahil may magaganap na hindi talaga maganda

nagsimula na silang sumugod kay jax pero sinamaan ng tingin ni jax ang lahat dahilan para tumigil ang lahat..at nabalik din sa ulirat at sumugod muli..bagamat may tama sa kanang braso ay hindi ininda iyon ni jax..hindi kapanipaniwalang kaya niyang gamitin ang dalawang kamao niya....hindi niya ipinapakitang mahina siya..

sinusuntok niya ang bawat magtangkang lumapit sakin man o sakanya kaya palapit palang ang mga lalake ay tumba na agad sa bilis kumilos ni jax

pero mas nagulat ako ng mamutla siya...at dumadami na ang dugong umaagos mula sa braso niya..pero lumalaban paren siya

nagulat ako nang may humila saken pero wala pang ilang segundo ay napatumba niya agad...at pinaulanan ng suntok....

halos lahat ay bagsak at isa nalang ang nakatayo...bakas sa mukha ng lalaki ang takot..siya yung lalaking pumukpok sakin sa likod at sumusunto saken kanina

iika-ikang lumapit si jax sa lalaki at astang susunod ako pero sinamaan niya ako ng tingin

tingin na animo ako ren ay kaya niyang patayin ngayun

"nakita moyun?" sabi ni jax at isinenyas pako,tumango naman ang lalaki na parang asong umamo "matatanggap moba kung gagawin koren sayo yan?" seryosong tanong ni jax  kaya pati ako kinabahan

"n-napagutusan lang ako jax...may pamilya ako"takot na sabi nung lalaki at lumuhod pa

"sino nag-uutos sainyo?" sabi ni jax 

"si boss po..siya po ang nagpapabugbog kay clyde at alam kong kilala nio nayun" sabi nung lalaki kaya nagulat ako

'kilala?'





My Girlfriend is one of the Mafia SEASON 1[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon