CLYDE'S POV
'kilala? sino? ang boss nila?'
natahimik si jax pero nakita kong gumalaw ang bagang niya atwalang anu anu sinapa sa mukha ang lalaking nagmamakaawa sakanya kanina..hindi siya nakuntento doon! pinukpok niya sa likod gaya nang ginawa saken kanina at piagsasasapak sa mukha...sinikmuraan at pinitik sa noo sa isang iglap ay duguan halos lahat ng mga tauhan nung lalakeng naka shades kanina
kung dati ay walang dugo niya binugbog ang mga lalaking iyan..ngayun ay brutal at madugo talaga..at paniguradong hindi lang ito ang kaya niya....pinagmasdan ko ang mga lalaking nakahandusay
marami pang iba at hindi ko gugustuhin pang malaman
lumapit siya saken at inabot ang cellphone ko..pero nung makita kong masama ang tingin niya saken ay bumalik lahat ng inis ko kaya binalibag ko pa ang kamay niya at kanang kamay pala niya iyon
'damn..'
napapikit si jax pero muling iminulat ang mata at nagtama ang paningin namin..halata namang pinagmamasdan niya ang mukha ko kaya naman iniwas ko ang paningin ko...dumugo ang may sintido ko at bukod don ay siguro naman wala nang malala pa
"kung dumating ka sana agad edi sana okay ako diba?" sabi ko at umiling siya
"hindi ako umalis.." sabi niya at nagulat ako at nainis
"so? hinayaan mokong mapukpok ng ganun!? tarantado kaba ha? kaya ka nga binabayaran para protektahan ako tas hindi monaman ginagawa nang maayos ang trabaho mo" sabi ko at napangisi siya
"kundi ko ginagawa ng maayos ang trabaho ko edi sana ikaw ang duguan ngayun diba?" sabi naman niya at natigilan ako..napakadaming dugo ang umaagos sa braso niya ngayun dahil dalawang beses lang naman siyang nabaril sa kanang braso
"wala kang silbi! alam mobang may banda kami ha?! pag nasira itong mukha ko ay malilintikan ka saken talaga" tapang tapangan kong sabi at napangisi nanaman siya
'may sapak bato?'
"kung wala akong silbi eh ano nang tawag sayo? walang alam? kasalanan mo yang nangyari sa mukha mo dahil sa kaartehang taglay mo" sumbat pa niya kaya nainis talaga ako lalo
"dahil pinababa moko..!" sigaw ko at napatawa pa siya ng sarkastiko
"sabi mo ay bababa ka?! sinunod lang kita...magkaiba ang pinababa sa bumaba tsk" sabi niya kaya natahimik ako
"may tama ka.." sabiko at pinilit kong gawing nagalala ang boses ko kahit hindi naman
"kita ko" maikli niyang sbai kaya napapikit ako sa inis ....kung kaya kolang ay nasapak konato pero mukhang hindi ko kaya dahil baka bumalik lang sakin yung suntok
nakita kong pinagmamasdan ni jax ang mga natalo niyang mga kalalakihan at napansin kong may tatoo si jax na espada at dun pumasok sa isip ko ang ideya
'HINDI KAYA?!'
"kriminal kaba? kalahi moba sila?" deretsa kong tanong at walang emosyon niya akong tiningnan
"wala kana dun" nakapamulsa niyang sabi
"sabi na eh..anong kailangan mo saken?" sabi ko pa at umiling siya
"wala akong kailangan sayo," sabi niya kaya nagulat ako
"a-ano?!" sigaw ko at napangisi siya
"DAHIL WALA NAMAN AKONG MAKUKUHA" pangaasasar niya
unti unti nang nagigising ang mga duguang lalaki at nagsisitayuan na na parang mamamatay na sila..ang iba ang lakad takbong umalis at ang iba naman ay parang hindi makagalaw sa sakit ng katawan
sa dami nila ay natalo pa sila? mga bobstig
bago pa man sila tuluyang makaalis ay pinigilan na sila ni jax kaya para silang estatwang hindi makakilos
"ibalita niyong ako ang may gawa"ngising sabi ni jax "may 5 segundo kayo para umalis" pananakot ni jax kaya bakas ang takot saknila.....pinilit nilang tumakbo papalayo saamin
hindi ko alam pero namutla si jax sa di ko malamang dahilan pero sumakay na siya sa motor niya...dun kolang nakita kung san nakalagay ang motor niya
'so di talaga siya umalis?'
"sakay na"sabi niya kaya sumakay naren ako..mahirap na baka maulit yung kaninang nangyare
nagsimula na niyang paandarin ang motor niya at nagdrive ng dahan dahan....
pero laking gulat ko ng bigla siyang huminto at hinawakan ng mahigpit ang manubela ng motor
kinabahan nako
"a-anong arte iyan?" utal kong tanong pero di siya sumagot..namumutla siya na parang wala ng dugo at dun kolang napansin ang braso niyang duguan na talaga t labis na ang pagdudugo
nakaleather jacket siya kaya hindi halata pero nang tanggalin niya ito at ininaas ang manggas ng tshirt ay duon kolang nakita ang dalawang tama ng baril at sobra na ang pagdudugo
maya maya ay unti unti nang pumipikit si jax
at tuluyan na siyang nahimatay kaya naman sobra nakong kinabahan at nataranta
sinong tatawagan ko?!! kinginaa
buset naman ka jax!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
a/n: wow? umabot kayo hanggang dito? once i reached chapter 13 i'll post my characters
dont forget to vote..comment and follow my account salamat
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is one of the Mafia SEASON 1[Under Major Editing]
ActionJaxen Delavine, isang pangalang kinakakatakutan ng maraming emperyo dahil sa angkin nitong talino at galing sa pakikipaglaban ang tatanggap ng trabahong protektahan ang kaisa-isang anak ng pamilyang smith na wakang iba kunid si Clyde hexon smith Ang...