chapter 58

5.4K 87 5
                                    

jax's pov

"j-jaax..mahal na mahal parin kita j-jax..." sabi niya sakin na siyang ikinagulat ko...

'bat mo pato ginagawa nico?'

hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko pa sakanya...nakakainis na nakakaawa

"j-jax...pwede b-ba tayo magusap?  pero h-hindi d-dito?" tanong niya at napalunok ako...

'ngayon lang to'

"sige...pero sa isang kodisyon" pambitin ko at para namang nanliwanag ang mga mata niya

"AKIN NA ANG BARIL MO" tila nagulat pa siya sa sinabi ko pero agad niya rin itong nilabas..

"bakit may ganito ka...galing ka sa school pero may dala kang baril?pumaptay ka parin ba?" kunwari kalmado ako pero hindi....pag nalaman ko talagang pumapatay pa siya..

"h-hindi na.....g-gusto konang m-mamatay..." sabi niya kaya nanlaki ang mata ko

"baliw kaba?" tanong ko at natawa naman siya pero tunog sarkastiko

"bakit may pakialam kaba? wala naman diba?! wala kana naman sakin kaya mas mabuti pang mamatay nalang ako!" sabi niya pa pero bago paman niya maisipang agawin ang baril sakin at gamitin iyon para masaktan ang sarili niya ay agad konang tinanggal ang balang nandito...

'isang bala nga lang'

napabuntong hininga akong tumingin sakanya...

"ihahatid nalang kita sa bahay mo" sabiko pero pungay na ang mata niya akmang aalis ako pero hinigit niya ang brasi ko

"san ka pupunta?" tanong niya

"magpapaalam ako kayna clyde at mein" sabi ko...mukhang nagisip pa siya bago niya ako bitawan

agad nakong naglakad papasok sa loob...

habang naglalakad ay nadaanan ko si zach na nasa may chocolate fountain

"e-excuse me zach..." tinapik ko pa siya sa balikat niya kaya tumingin siya agad

"oh jax? kumain kanaba?" tanong niya kaya naman tumango nalang ako para hindi na humaba ang usapan

"itatanong ko sana kung nasaan si mein?" tanong ko at luminga linga siya

"ahh..nasa dancefloor..kasama si ken" sabi niya 

"ahh salamat ah?" sabi ko kaya nginitian niya nalang ako

agad naman akong tumungo sa dancefloor

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

mein's pov

andito ako sumasayaw kasama si ken..pero hindi ako mapakali

"babe? okay kalang?" tanong ni ken 

napabuntong hininga muna ako "asan na ba si jax?" tanong ko

"kanina kase nagpaalam siyang may pupuntahan lang,," sabi ni ken pero hindi parin ako satisfied

"asan si clyde?" tanong ko at luminga linga...."magkasama ba sila?"tanong ko pero umiling si ken

"hindi ko alam...pwedeng oo pwedeng hindi...kung magkasama man sila bat di manlang sila nagsabi?" tanong ni ken

'kilala ko si jax..lalapit at lalapit siya sakin lalo na pag aalis siya'

luminga linga ako pero.....

iba ang nakita ko....

Tinitigan ko pa sila..kung totoo ba ang nakikita ko


si clyde at yna...nagsasayaw sila...malapit lang sila samin...bat ba ngayon kolang napansin?

nakaside view sila at kitang kita kong nakangiti si yna sakanya...nakangiti rin siya


hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaawa para kay jax...

tama! hindi na niya kailangan pang lapitan si clyde!


kasalukuyan silang nagtititigan at nakangiti sa isa't isa...imposible namang hindi magustuhan ni clyde si yna....sa loob nang isang buwan?! nakalimutan agad niya si jax? aba! totoo bang love yun?!

hindi kona kaya to!

lalapitan ko sila! sasabihin ko kay clyde ang dahilan nang paglayo ni jax! sasabihin kong mahal parin siya ni jax para matauhan siya! kingina niya!!

"babe may g------"


"mein" may tumawag sakin 

'oh no..'

hindi kona kailangan alamin kung sino ang tumawag dahil kilalang kilala ko na...

"o-oh bakit jax?" pilit kopang tinakpan sila clyde..ayokong masaktan siya nagtatakang tumingin sakin si ken pero ngumiti lang ako sakanya

"magpapaalam sana ako...aalis na ako, mauuna na ako dahil nandiyan siya" sabi ni jax kaya nagtataka akong tumingin sakanya

"s-sino?" taka kong tanong at lumapit siya sakin nang bahagya

"si nico" inis na bulong niya kaya nanlaki ang mata ko

"anong ginagawa niya dito?!" bulong ko pero nagbikit balikat siya

"asan si clyde?" kunwari pa siyang luminga linga pero pilit kong iginagalaw ang katawan ko..nasa may likod kolang si clyde at isang lingon niya lang sa likod ko makikita niya na agad

"anlikot monaman" nguso niyang sabi at luminga sa likod niya sa kanan kaliwa..

"h-hindi ko a-alam... b-baka kasama ni zach" sabi ko pero umiling siya

"nadaanan ko si zach hindi naman niya kasama..nagaalala tuloy ako" sabi niya 

"ako nalang mag sasabing umalis kana...sige umalis kana..." pilit ko kaya napabuntong hining asiya 

"osige sabihin monlang um----"


"jax ayun sila oh" napapikit ako nang biglang sinabi iyon i ken

agad namang lumingon si jax sa sinabing direksyon ni ken pero...

agad naman may tumulo na luha sa mata ni jaxen

sunod sunod

hindi ko na napigilang tumingin sa dereksyon na tinitingnan ni jax at ken

nakita ko si clyde at yna...

nakita kong magkayap sila ni yna.....

lumayo na si yna sakanya at hinawakan ang mukha nito....


humarap na si clyde samin at gulat na tiningnan kami

tiningnan ko si jax na bahagyang nakangiti habang LUMULUHA..


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------







My Girlfriend is one of the Mafia SEASON 1[Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon