-|3|-

279 8 0
                                    

[JANICA]

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam kami sa isa't-isa.Si Drake ay iniwan namin sa cafeteria papansin siya....

"Anong floor ka nga pala?"tanong ko kay Glare.Papasara na ang elevator ng biglang pinigilan ni Rafael i mean Sir Rafael at pumasok ito.Naku!Eto na naman.

"Hi Sir"bati ni Glare.Tumango lamang si Sir Rafael.Ang ganda ano kayang sinabe niya sa tango.

"3rd lang ako"nanginig ako sa sinabe ni Glare.So...Maiiwan na naman kami ni Sir Rafael dito.

"Ikaw ba?"tanong nito.

"Fo-fou-fourth pa"nabubulol na sagot ko.

Ng bumaba na si Glare sa floor kung saan ang opisina nito ay agad na nagtayuan ang mga balahibo ko.Oy!Hindi ako tinatawang ng kalikasan kinakabahan lang talaga ako.Kinain na naman kami ng katahimikan.Pasimple akong tumingin sa mukha ni Sir Rafael nakasalamin ito at ang formal na formal ng damit nito pati na rin ng ayos.Ang gwapo niya!

"Uhm...May Boyfriend ka na pala"sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.Halos mapatalon ako dahil mukhang naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya shocks!

Teka!Teka!Boyfriend daw?Meron ba syempre wala!Sino ba ang tinutukoy niya.

"Yung kasama mong lalake kanina sa cafeteria boyfriend mo?"seryosong tanong nito ng hindi pa rin tumitingin sa akin.Sino ba kausap niya yung pintuan ba ng elevator o ako?

Hindi pa rin ako sumasagot ng biglang tumingin ito sa akin inayos niya ang kanyang salamin.

"Hhmmm...Oo boyfriend ko siya!"natatarantang sagot ko.Susmaryosep!Kunin niyo na po ako.

Mabuti nalang at biglang bumukas ang pinto sa ika-apat na palapag.Agad akong lumabas at agad na dumiretso sa opisina ko.Naupo sa ako sa swivel chair ko at napasabunot sa aking buhok.

Bakit ko ba sinabe yun!?

Bakit ko pa sinagot yung tanong niya?!

Bakit?Nandamay pa ako ng iba?!

Ano na naman ba ang pinasok kong gulo?!

Maraming tanong ang bumabalot sa aking isipan.

Hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin kay Drake.

[RAFAEL]

Halos iuntog ko na ang ulo ko sa elevator kanina ng sinagot ng "Oo" ni Janica ang tanong ko.Naisip ko na sana hindi ko nalang siya tinanong.

Kanina halos mabiyak na ang puso ko ng totoo pala ang sinasabe nila Hans na hindi malabong boyfriend nga iyon ni Janica.Ang tagal ko siyang hinantay e...Pero bakit ako naghintay habang siya may bago na pala.

"Sir!Coffee?"tanong ng sekretarya ko.

"Ayoko!"hinampas ko ng malakas ang lamesa ko.Hindi ko na pinansin ang paglabas nito.

Pinagmukha niya akong tanga ang alam ko ay cool-off lang pero bakit pinagpalit niya ako ng hindi man lang sinasabe sa akin.Apat na taon na akong nagpapakatanga na baka sa pagbalik niya ay magkabalikan rin kami pero ganito na pala ang mangyayari.May bago na siya.

[DRIA]

Habang nag-aayos ako ng cafeteria ko.May isang lalake ang tumambad sa harap ko.

SHE STOLE THE PLAYBOY'S HEART 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now