-|9|-

145 5 9
                                    

[JANICA]

Tahimik akong nakaupo sa aking lamesa na katapat lamang ng kay Rafael.At dahil nga feelingera ang bida niyo feeling ko nakatingin siya sa akin.

Sinubukan kong ifocus yung sarili ko sa aking trabaho pero hindi ko maiwang mailang sa tingin niya.Batuhin ko ng papel tong hayup na'to e -,-

Inaangat ko ang tingin ko sa kanya,hindi pala siya nakatingin.

Umiling-iling nalang ako at ibinalik yung atensyon ko sa trabaho ko.

Kailan ba kase matatapos yung kisame ng office ko?!

"Janica...."tawag sa akin ni Rafael.Tumingin naman ako sa kanya.

"Bakit po Sir?"

"Pwede mo ba akong bilhan ng kape sa coffee machine?"tanong niya ng hindi ako tinitignan.

Hindi mo ako secretary uLol mahiya ka naman please -,-

"Pero Sir—"

"Hindi ikaw ang kausap ko"walang emosyong pagputol niya sa sasabibin ko.

Napayuko ako sa sobrang kahihiyan na naman na ginawa ko.

"Ok po Sir"naglakad naman si France papalabas ng office.

Ay gagu andito pala yan hindi ko talaga namalayan 🤦🏻‍♀️

"Nakakbanas talaga ditooo"bulong ko.Tinuon ko nalang ulit yung trabaho ko.

"Hmm..Janica?"

Napaangat naman ako ng tingin kay Rafael na ngayon pala ay nakatayo na sa harap ko.

"Sir?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot lumabas,lumabas siya ng opisina at iniwan akong naguguluhan.

Kinamot ko nalang yung ulo ko at nagtrabaho na.

Bahala siya!

Bakit nga ba ako tinatawag nun? Nagpapapansin ba siya?

Nakabusangot akong tumayo mula sa aking kinauupuan at lumabas ng opisina. Hanggang ngayon hindi pa din talaga mawala sa isipan ko yung pagtawag niya sa akin.

Kung gusto niyang magpapansin pwede naman basta sasabiban niya din ako. Hindi yung para akong tanga na naghihintay ng sasabihin niya pero wala naman pala.

Nakasalubong ko ang si France, yung secretary ni Rafael.

"Oh saan ka pupunta wala pa namang break time di ba?" tanong niya sa akin habang hawak ang kape na pinakuha ng amo niya— ay namin pala.

"Magpapahangin lang sa rooftop" sagot ko, tumango tango naman siya sabay ngiti. May nararamdaman talaga akong hindi maganda dito sa babaitang ito e.

"Ah okay, wag ka ng bumalik." tinignan ko naman siya. "Sosolohin mo? sige go lang HAHAHAHA" tumawa ako at dinaanan na lamang siya.

Akala mo kung sinong maganda e make up lang naman ang nagdala. eww.

Nang makarating na ako sa rooftop, huminga ako ng malalim habang dinadama ko ang amoy ng sariwang hangin.

Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone ko para makita kung may nagtext ba sa akin. Feeling may jowa lang ako hehe.

"Bakit nandito ka?" napalingon ako dahil sa boses na aking narinig.

"Kase Sir mainit po sa office niyo kaya lumabas muna ako." sagot ko sa kanya. Lumakad siya papalapit sa akin, inilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang uniform.

Bakit ba naaalala ko yung itsura niya noong mga panahong una ko siyang nakita. Wala naman kaseng nagbago sa mukha niya, ang gwapo niya pa din.

"Pwede mo namang pababaan yung temperature ng office di ba?" tanong niya at sumandal sa pader na nasa tabi ko lang.

"Okay lang naman ako dito Sir malamig na tapos sariwa pa ang hangin." tumingin ako sa malayo at ibang direksyon. Ayokong tumingin sa pagmumukha niya.

"Janica..."

"Sir, bakit po?" tanong ko, dumistansya ako mula sa pwesto niya. Wala lang ayoko kaseng lumapit sa kanya.

"Kamusta?" maikling tanong niya pero iba ang naramdaman ko.

"Okay lang sir." sagot ko sa kanya.

"Doon mo ba nakilala ang boyfriend mo?"

Oh lupa! pwede mo na akong kainin sa oras na ito, maawa ka sa akin. Ano namang isasagot ko sa kanya e hindi ko naman kase talaga jowa  yun. Paninindigan ko ba o sasabihin ko na ang totoo? Bahala na nga.

"Ano kase–" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang pumasok tong si france na hingal na hingal.

"Ay Sir nandito lang pala kayo! Nasa baba po ang daddy niyo hinahanap ka."

"Susunod na ako....." sagot naman ni Rafael. Tumingin siya sa akin at nginitian ko. "I'll talk to you later." dugtong niya, tumango nalang akobilang tugon.

Alam niyo kahit demonyita tong si France makakatulong din naman pala. Nilingon niya ako at nginisian.

Luh?! Nabaliw ba yan?

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sobrang kaba. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello insan" - drake

"Bat napatawag ka?"

"Hindi kita masusundo mamaya" - drake

"Bakit naman?"

"May date kase ako HA HA HA HA"

"WAG KANG MAGSAYA ANG PANGIT MO PA DIN"

"INGAT KA PAUWI PINSAN! WAG KANG EENGOT ENGOT SA DAAN MAHAL KA NAMIN, BYE."

Binabaan ako ng telepono ni gugong. Sanalahat may kadate. Balik na nga ako sa opisina ko— ni Rafael pala.



A/N :

HELLO! MAY NAGBABASA PA? KUNG MERON COMMENT NAMAN KAYO PAMPASIGLA LANG KASE KAYO YUNG VITAMIN KO YIE HAHAHAHAHAHA. SORRY FOR SHORT UPDATE- BABAWI NA TALAGA AKO SA INYO DAHIL 1 YEAR NA PALA TONG PT.2 AT HINDI KO PA NATATAPOS. GUSTO NIYO BA NG HAPPILY EVER AFTER OR TRAGIC NA ENDING? COMMENT NIYO NA.

HELLO KAY oneandonlystar NA NAGBABASA PA DIN AYIEEEE HAHAHAHAHA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHE STOLE THE PLAYBOY'S HEART 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now