-|8|-

196 9 5
                                    

[JANICA]

Pinagbababatukan ako nila Dria nung kinwento ko ang problema ko.

"Natatanga ka na ba talaga?"galit na sermon ni Kylene sa akin.

"Pati pinsan mo dinamay mo!"nasisigawan na ako ni Dria sa inis.Minsan lang'to sumigaw lalo na kung galit na galit talaga siya.

Napayuko ako sa hiya sa kanilang dalawa.Sorry  naman wala na akong ibang magawa e nakakatanga na kase talaga.

"Sorry"huling salita na sinabe ko bago bumuhos ang sandamakmak na luha galig sa mga mata ko.

"Paano yan kapag nalaman ng pinsan mo?Baka magalit yun"rinig ko sa boses ni Kylene ang pagalala.

Tama naman siya,siguradong magagalit nga si Drake dahil ginamit ko siya.Nakakailang talaga kapag nalaman niya.Jusmeyoooo marimar!

"Sabihin mo na kaya sa kanya ngayo--"suhestiyon ni Dria na agad kong tinanggihan.

"Ayoko,nahihiya ako."umiiling na sabi ko.

Isang malakas na batok na naman ang inabot ko kay Dria."Kapag ako nabobo humanda ka sa akin!"suway ko sa kanya.

Napahawak sa baba si Kylene.Tumingala pa ito sa kisame na tila bang malalim ang iniisip.

"Sabihin mo na kay Drake ngayon!"inis na sigaw ni Dria.Patayo na sana siya ng bigla ko siyang hilahin.

"Dria,wag na"pagmamakaawa ko.

"Tumigil ka!"tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Sa tingin mo ba Janica kaya mong isekreto kay Drake yun ng habang buhay?"tanong sa akin ni Kylene.

"Ky...hindi ko na alam kung anong gagawin ko"natatakot na sambit ko.

"Haist!Janica kung hindi lang kita kaibigan baka kinurot pa kita sa singit."kahit alam kong galit sa akin si Kylene e nagawa niya pa din akong yakapin.

"Nakokonsensya ako"

"May nararamdaman ka pa ba kay Rafael?"seryosong tanong nito.Iniharap niya ang mukha ko sa kanya."Magsabi ka ng totoo"dugtong pa niya.

"An—"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang pinsan ko at si Dria.

"Insa!Totoo ba yun?"nakasimangot na tanong sa akin ni Drake.Tumango naman ako bilang sagot.

Hindi ko mabukas yung bibig ko dahil sa hiya.Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin.

"Janic,una na kami bahala ka na sa buhay mo diyan problema mo yan."paalam Dria at Kylene bago sila lumabas ng kwarto.

Kung gaano kabagal ang paghakbang ni Drake e siya namang kinabilis ng tibok ng puso ko.Nanginginig yung tuhod ko sa kaba.

"Drake,sorry."hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa hiya.

"Insan!"sigaw niya.

Yumuko na lamang ako at hindi siya tinignan.

"Oh?Sorry talaga insan,hindi ko naman ginustong gawin yun e I'm sorr—"hindi na naman ako pinatapos sa sasabihin pinutol na naman. -,-

"Ok lang insan.Gusto ko lang sanang itanong kung kaselos-selos ba ang gwapo kong mukha?"ika pa niya at nagpogi sign.

Naibato ko sa kanya yung mga unan ko sa inis.Takte!Pinakaba pa ako yun lang pala yung itatanong niya atsaka proud na proud pa!

SHE STOLE THE PLAYBOY'S HEART 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now