-|4|-

238 10 3
                                    

[JANICA]

Buong araw akong busy sa pagta-trabaho at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa office ko.Lunod ako sa tambak na lukot na mga papel.Bawat design ko ay talagang pinagiisipan ko itong mabuti bago ilagay sa envelope ng mga designs ko na ipapasa ko kay Sir Rafael.Sinuguro ko muna na walang ipipintas sa aking ginawa.

Tinignan ko ang wrist watch ko napa-balikwas ako sa upuan ko ng napagtanto ko na 9:30 pm na pala.Ang oras ng trabaho ko ay 8:00 am hanggang 5:30 pm lamang pero hindi ko na nalaman na nag-overtime na pala ako.Napaisip din ako sa kalagayan ni Drake ngayon paano na kaya siya e...Baka sarado na ang cafeteria saan naman kaya siya pumunta.

Niligpit ko ang mga gamit ko bago lumabas ng opisina.Pinatay ko ang ilaw nito at isinara ang pinto.Nagulat ako ng pag lingon ko ay tumambad sa aking harap si Sir Rafael na nakatayo.

"Bakit nandito ka pa?Gabi na"masungit na tanong nito."Tsaka hinihintay ka na pala ng boyfriend mo nandoon siya sa labas kanina pa siya naroon."dagdag pa nito saka tumalikod at umalis.Suplado!Makulong ka sana sa Elevator qaqu!

"Oh!Ano oang hinihintay mo diyan?!Multo!"sigaw pa nito.Walang ano-ano ay tumakbo ako pasakay ng elevator.Malay ko kung totoo nga ang sinasabe niya.Yes!magkasama na naman kaming dalawa.Akward!

Biglang bumukas ang pinto ng elevator ng makarating na kami sa 3rd floor.May isang babae ang nakita namin nakakulay puti itong damit saka may mahabang buhok.Hindi namin naaninag ang mukha nito dahil sa dilim nitong palapag.Mukhang totoo nga ang sinabe niyang may multo dito.Kinilabutan ako at para akong naistatwa sa kinakatayuan ko.

"Aaaaaaahhhhhh!!!!"sabay kaming napasigaw sa takot.

Nagmamadaling sinara ni Sir Rafael ang elevator.Takte mukhang magiging horror ang first day ko sa trabaho!

Kahit anong pindot ni Sir Rafael sa elevator hindi pa rin ito sumara hanggang sa ang babae ay papalapit na ng papalapit sa amin.Tumakbo ako sa sulok ng elevator.Nagtago naman sa likod ko si Sir Rafael.Lakas niyang manakot tapos siya din pala ang takot.

Pagpasok ng babae ay naaninag namin ang mukha nito.Simpleng batang babae lang pala.Umalis si Rafael sa likod ko at inayos nito ang kanyang suit at ang necktie na parang walang nangyari.Ang Cute nung bata ang sarap pisiling ng magkabila nitong pisngi.

"Oh!Bakit kayo nagsisigaw at balak niyo pa akong hindi pasakayin dito!Ang sama niyo ha!Kadilim-dilim dito tapos gusto niyo pa akong mag-hagdan eh...Kung mahulog ako at mamatay doon kayo ang unang-unang mumultuhin ko kayo!"
Mataray na pangaral nito sa amin.Bata pa siya pero kung dumak-dak eh!Parang 75 years old na.

"Teka?Eh...Sino ka ba?At gabing-gabi na nandito ka pa."tanong ni Sir Rafael sa bata.

"Ako si Chimieyah Fernandez!Nandito kase ako dahil doon sa pinsan kong lukarit!Umakyat daw ako sa 3rd floor saka hintayin ko daw siya dito!Bakit ba kase tanong ka ng tanong kainis!"iritang sagot ng bata.Nako!Kung sino man ang pinsan nitong bata na ito ay maihuhulog ko siya sa 3rd Floor hanggang sa basement kainis.

"Baby Girl sino ba ang pinsan mo?"malambing tanong ko sa bata kahit na gustong-gusto ko na itong sakalin.

"Si Glare Druix po ate.Mabuti pa itong si Ate Maganda mabait hindi tulad mo napaka-bwiset mo!"sumbat ng bata habang dinuduro si Sir Rafael marahan akong tumawa.Hindi siya pinansin ni Rafael sa pagkat busy ito sa pag-galaw ng telepono nito.

"Wag kang mag-alala bibi humanda sa akin yang pinsan mo!"ika ko habang tumatawa.

Pag-dating namin sa Ground floor.Masayang bumaba si Chimieyah at lumakad patungo kay Glare na nakatayo malapit sa pintuan ng building.Hinila ng bata ang buhok ni Glare.

"Kainis ka ate!Hindi mo man lang sinabe sa akin na madilim pala doon sa office mo!Napaka-gaga mo!Hmp!"nagcrossed arm ang bata sa nagpauna sa pag-sakay ng kotse ni Glare.

Lumapit ako kay Glare saka tinawanan siya.

"Ayan kase!Bakit ba hinayaan mo ang bata na umakyat doon sa ikatlong palapag!Paano kung nalaglag siya tapos pag namatay siya ikaw ang mumultuhin niya"seryosong sabi ko dito.

"Yung totoo!Nahawa ka na ba sa pinsan ko ng ka negahan Janica"tumatawang sabi nito.

Hindi ko nalang ito pinansin saka naglakad papalabas kabay ko si Glare sa papunta doon sa parking lot na nasa tapat lamang ng building.Sa hindi kalayuan natanaw ko si Drake na nakatayo sa labas ng kotse ko.

"Hoy!Drake kanina ka pa diyan?"

"Hindi Janica kararating ko lang dito ngayon-ngayon lang.Oo kaninang umaga pa ako nandito."sarkastikong sagot niya.Sumakay ito sa kotse at isinara ang pinto ng padabog.Ito na nga ang sinasabe ko eh!

"Sus!Panget mo!"asar ko sa kanya.Sumakay ako sa kotse.

Umuwi na kami sa bahay at parang tanga akong naglakad paakyat sa hagdan.Gumapang ako habang inaabot ang bawat baitang.

"Sa wakas!"sigaw ko saka humiga sa kama ko at napapikit ako.Oras na ng pahinga ko kkkyyyaaahhh!

"Janica!Samahan mo daw si Drake pupunta daw siya sa super market!"sigaw ni Mama.Napasabunot naman ako sa ulo ko.Hays!Buhay nga naman Oo!Nagpapahinga na yung tao eh!

"Heto na po!"sagot ko.Pabugnot akong tumayo at kumamot sa ulo.Pagod na pagod na nga ako sa pag-akyat pababalikin pa akong bumaba.

Pagbaba ko sa sala nakita ko sila mama at papa na nakaupo sa tabi ni Drake.Ano ito pinagpalit na nila ako!

"Anak!Samahan mo daw itong pinsan mo"ika ni Papa.Tumango nalang ako at nagpauna akong pumunta sa garahe.

Ramdam ko ang pag-sunod sa akin ni Drake.Napairap ako ng sumakay ito sa kotse ko.Padabog akong sumakay.

"Saan ba ang punta mo?"iritang tanong ko habang nagmamaneho.

"Sa Market ilang beses ng sinabe nila tita sayo ha...Lutang ka ba?"sarkastikong tanong nito.Ibangga ko kaya itong kotse ko noh...Para makapagpahinga na ako ng habang buhay at pati rin ang isang ito!

"Oo alam ko!Ano ba kaseng gagawin mo doon?Anong oras na jusme!10:29 pm na!Drake may pasok pa ako bukas!"inis na sabe ko.Hindi ako nito pinansin at naka-focus ang buong intensyon nito sa ipad niya.Basagin ko sa ulo niya yung ipad niya eh!Makita niya!

Napairap nalang ako at tinuon lang ang pansin sa daan.

SHE STOLE THE PLAYBOY'S HEART 2 (ON GOING)Where stories live. Discover now