Dear Keith,
I hid so you can't see the worst of a person I can be.
🌷
______________________________________
Naglakad-lakad ako sa buong school. Isa na namang araw ang madadagdag sa mga araw na di mo 'ko kilala. Sa dami ba namang taong umaaligid sayo. Oo, tao. Generalized kasi pati ata lalaki, may gusto sayo. Pero ikaw sino nga bang gusto mo? Malamang, hindi ako.
ㅡ6:50 PM
MALAS. Caps lock para dama ko. Arte-arte kasi nung teacher namin sa math, buti nga't pumasok pa 'ko sa klase niya ih. -,- Di lang ako nag-assignment, 1 hour general cleaning na agad kabagot. Syempre, dahil mabait rin naman ako, naglakad ako papunta sa area kung sa'n ako inassign, sa library.
ㅡ7:50 PM
I hurriedly went to get the book I hid under the teenfic section bookshelf. A book I made for you. Written lang ang lahat at parang diary yung style. Walang nakakaalam nun bukod sa'kin.
"Ended the day without seeing you, again." Sulat ko at binalik ko ulit sa lalagyan.
8:00 PM magco-close yung library kaya medyo sanay na rin akong pumunta dito. Alam mo kung bakit? Syempre di dahil sayo. Di ka naman pumupunta dito eh. Mas pipiliin mo pa atang sumama sa mga kabarkada mo at magstrolling kesa magbasa ng libro. Pumupunta talaga ako dito para sulatan yung libro ko, na para lang din sayo. So teka, para na ring pumupunta talaga ako para sayo? Ewan, ang gulo hehe.
Isasauli ko na sana yung mop sa lagayan nang may marinig akong boses.
"Ayoko na." sambit ng isang babaeng di ko pa nakikilala.
Nasisilip ko lang siyang may kasamang lalaking nakahawak sa kamay niya ngayon. Nakaupo sila sa mesa at ang tanging nakikita ko lang ay 1/4 ng katawan nila. Mula leeg pababa hanggang siko. Di ko makita ang mga mukha nila dahil sa mga librong nakadisplay.
"Wag." Isang word, but the guy's voice sounded so familiar somehow.
"Ayoko na. Tapos na 'ko sayo, Keith." the last one echoed in my head before I heard footsteps walking away from the place near me.
Di nga ako nagkamali.
*sloop* (kunyare sound effects nang nabitawang mop)
Lumaki ang mga mata ko at habang kinukuha ko yung mop, naramdaman kong may nakatayo na sa harap ko. Napalunok ako nang makita ko ang name tag ng kaharap kong napakagwapong lalake.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Keith Alonte"
BINABASA MO ANG
Dear Keith
Short StoryDear Keith, A day with you is like a year with them. Cover by: @LoveEatJin92 Hehe thank you bby! ♡ tempo lang daw hahahaha