Dear Keith,
Time flies so fast when you're with someone you love so bad.
🌷
_____________________________________
First destination: beach
Nang makaapak na 'ko sa buhangin, gusto ko na magpagulong-gulong dun amp. Ever since I was a kid, pumupunta lang ako sa beach malapit sa bahay. Pag nandun ako, feeling ko ang saya-saya ko. Sana ganun din sayo.
"Tapos?" Tanong mo habang nakalagay ang mga kamay mo sa bulsa.
I showed a sheepish smile.
"Tapos? Tapos. Dito yung first destination natin." Sabi ko sayo.
"Anong gagawin natin dito?" -ikaw
"Magpapahangin lang malamang. Naglakbay tayo ng dalawang kilometro para lang magpahangin Keith." Sarkastikong sabi ko. Nadama mo naman ata kaya magtatanong ka na sana kaso inunahan na kita. "Maglalaro tayo ng buhangin."
Natawa ka naman sa sinabi ko. Eh ganito ba naman katangkad na mga tao maglalaro? Well, di naman sa isip bata pero di lang talaga kasi basta laro yun. Laro with comfort ganun hahaha. Di ka pa nagpatinag kaya kinumbinsi kita. So in the end, pumayag ka rin lang naman.
"Ready, set, go!" Sigaw ko at nagsimula na tayo--- ay wala palang ganun.
Naglalaro tayo ng sand castle fight. Patangkaran ng sand castle in 5 minutes. Ang matatalo, mags-story telling mamaya habang nagtatravel papunta sa 2nd destination tsaka siya rin yung bibili ng snacks.
"Hoy madaya! Wag mong kunin yung akin hangal!" Sigaw ko pagkakita kong dun ka kumukuha sa lagayan ko. Bastos!
"HAHAHAHA oops" painosente mong sabi.
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paggawa.
*fast forward*
"Pffft. Krrrk krk krk."
Kung may ngumunguya man ngayon ng libreng chichirya, IKAW YUN!
"Sarap na sarap ka ano? Pasalamat ka lang at may nadaang walangyang aso kanina kaya natumba yung akin. Ako naman talaga ang mananalo dun eh. Paepal eh." Pagdadaldal ko.
Halatang pinipilit mo lang yung sarili mong di tumawa hays. Naiinis ako pero mas nangingibabaw talaga yung saya. Seeing you happy like this because of me is what I wanted to watch everyday. O sabihin nalang nating dahil sa aso.
Nagkwento ako tungkol sa buhay ko. Wala namang problema yung pamilya ko pero malaki talaga yung problema ko sa sarili ko. Nasabi ko rin yung tungkol sa lalaking isang taon ko lang tinatanaw sa malayo. Isang taon ko nang pinangarap makausap pero di ko nga magawa dahil nadala ako sa takot at kawalan ng tiwala sa sarili. Syempre, di ko sinabing ikaw yun.
BINABASA MO ANG
Dear Keith
Short StoryDear Keith, A day with you is like a year with them. Cover by: @LoveEatJin92 Hehe thank you bby! ♡ tempo lang daw hahahaha