Chapter Three

29 8 0
                                    

Dear Keith,

Let's end this with a happily ever after and I'll be in a day reminiscing this for as far as I can remember.

Let's end this with a happily ever after and I'll be in a day reminiscing this for as far as I can remember

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


🌷

______________________________________

ㅡ7:50 AM

"Hello Keith! Oh my God dumating ka!" Sabi ko. "Ang fake pwe! ulit. Wow! So nandito ka?"

I heaved a sigh. Nagpapractice ako okay. Tengeneng 'to. Di ko naman kasi inexpect na papayag ka pala amp.

"Wait. Yung cool. Ehem..." Nilunok ko muna yung laway ko. "Oy Keith putangina? Buti naman at pumunt---- aaargggh! Cool ba yun? Gaga ba 'ko? Amp nagmura pa ih."
Ginulo ko yung buhok ko. Kagigil huhuhu.

"Nasa gilid ka ng library huy." Sabi ng lalaking di ko pa nakikilala galing sa likod ko.

"Ay sorry po." Sabi ko habang di pa rin nakatingin.

"Ba't ka nga pala nagsasalita mag-isa?" Yung lalaki pa rin. Sa inis ko, hinarap ko siya ng may mataray na mukha. Well, di naman sa mataray talaga ako pero di ko pa talaga alam yung sasabihin ko eh.

"Ano?" I said with my voice raised a bit.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya iniba ko yung aura ko.

"S-sorry." Sabi ko dun sa kanya.

"Walang problema haha ako dapat yung magso-sorry, nadistorbo ata kita. Pfft anyway, una na ko sayo ha? May klase pa kasi ako." Sabi nung lalaki at umalis na.

Tiningnan ko yung oras, 7:55 AM.

"Tapos ka na ba maghanda?"

Ewan ko kung sa'n galing yun. Kaya nilibot ko yung tingin ko sa lugar at sa di inaasahang pangyayari, may nahagilap ako.
.
.
.
"Keith?" Sabi ko.

Nakita kitang nakaupo sa stairs, sa gilid. Bale T-shaped kasi yung hallway.

Ngumiti ka at pagkatapos nun, tumayo ka habang yung mga kamay mo'y nakalagay sa loob ng mga bulsa mo. Simple lang yung suot mo, nakablack shorts, gray jacket na may plain white tee na naka-insert at white nike sneakers. Nahiya naman yung white jeans, flat see-through sandals at off-shoulders ko. Actually, di naman talaga ako mahilig sa off-shoulders pero ito na yung natira sa cabinet.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko.

Tumingin ka naman sa taas sabay sabing, "Hmm.. sabihin na nating naabutan ko yung pagtataray mo sa lalaking sumunod sayo tapos ano.. yung nagpa-practice ka? Narinig ko pangalan ko eh." Nagsmirk ka pa sa last.

Ibaon niyo na ko sa lupa please punyeye nakakahiya hnggg.

"Uhmm. He-he-he." Kung may kagaya man ng mukha ko, ganitong emoji yun.

😀

"Pfft. Aren't you supposed to say 'Hello Keith! Oh my God dumating ka!' hahaha" you said, mimicking my voice.

"Pwe. Tumigil ka." Sabi ko.

Tumawa ka naman. Di naman masyadong malakas pero yung nakakainsulto amp.

"Well anyway, isang araw lang yung meron ako kasama ka kaya ayoko nang mag-aksaya ng oras." Pagcha-change topic ko. Totoo naman pero ginawa ko lang talaga para di na ko mapahiya.

"Anong plano mo?"

Ngumiti naman ako.

"Plano ko? Isang napakalupet na sikreto." Nagwink pa ko, nahawa na kay Jihoon surinaman. "Lumabas muna tayo dito sa school, baka may makakita pang kakilala mo."

Damn, he still looks sad.
.
.
.
ㅡ8:10 AM

Nasa labas na tayo ng school, sa waiting shed.

"Narinig ko kayo kagabi. Nacurious kasi ako. Pero wag kang mag-alala, di ko nakita yung mukha nung babae. Diba nagpost ka pa na 'you want to keep it private'."

Sinamaan mo naman ako ng tingin.

"Stalker ba kita?" you asked.

"Sabihin na nating ganun na nga. Hmm tsaka kagabi ko na rin pinag-isipan yung mga pupuntahan natin. So... are you ready, Mr. Alonte?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"G."



***

A/N: comment kayo ng "havey ka" for followback please HAHA marami kasi akong di pa nafo-followback kasi mahirap kung iisa-isahin ko kayong lahat. : ( I just want to return the support that you've given to me. Thank you!

Dear KeithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon