I recommend you to listen to ILYSB - LANY while reading this chapter. Hehe suggest ko lang naman.
🌷
______________________________________
KEITH'S POV
"Ayoko na." sabi niya.
Aalis na naman siya. Iiwan niya na naman ako.
"Wag."
I'm running out of words. Palagi niya nalang akong ginaganito.
"Ayoko na. Tapos na 'ko sayo, Keith." Kumalas na siya sa kapit ko at nagsimula nang maglakad palayo.
Pucha. Di naman halatang gusto ko talaga siyang pigilan. Beg for her love for the 7th time. Tatayo na sana ako para sundan siya kaso--- may narinig akong nahulog sa kabila.
Dumiretso naman ako para tingnan kung sino yun. Kung sino yung nakakita sa nangyari kanina.
And there, I saw someone. Grabbing the mop and facing me now.
"Uhmm." Gusto ko lang naman sana siyang tanungin kung nakita niya ba kami kanina.
"Bakit?" -siya
"Nevermind." Sabi ko at naglakad na palayo.
Madaming tumatakbo sa utak ko. Paano nga kung nakita at narinig niya yung kanina? Hindi pwede.
.
.
.
Di ko talaga alam kung ba't di pa ako umuuwi--- and actually, waiting for the girl to come out wtf?Sa paghihintay ko, lumabas na nga siya. Nagtama yung mga mata namin at ngumiti siya pero di ako kumibo. Hindi ko rin alam. Pero nung nagsimula nalang siyang maglakad, bigla nalang akong tinamaan ng katapangan amp.
"Hey." tawag ko sa kanya.
"Hello Keith hehe," she said.
"Kilala ba kita?" I was shocked when she called me. Well, baka nakita niya yung name tag.
"Hindi? Baka? Siguro? Pwede? Depende sayo? Baka kasi nastalk mo na ko dati charot." -siya
Hahaha cute.
"Hangin."
"So bakit ka nga pala nag-hey? Pagod ka na ba sa kase-seen at napagdesisyunan mo nang magreply ngayon?" -siya
Di ko siya maintindihan? Ano pinagsasasabi niyang seen? Ano daw?
"May itatanong sana ako kaso wag nalang. I don't talk to strangers." -ako
Aalis na sana ako kaso sumigaw siya.
"I'm No One!" -siya
Kaya ulit, nakuha niya na naman ang atensyon ko. "No one. Your number 1 fan--- mali number 1 pala pamilya mo. I'm your number 2 fa--- teka pa'no yung babae kanina? I'm your... electric fan? 😀"
BINABASA MO ANG
Dear Keith
NouvellesDear Keith, A day with you is like a year with them. Cover by: @LoveEatJin92 Hehe thank you bby! ♡ tempo lang daw hahahaha