Chapter 4

5 1 0
                                    

Maagang gumising si Sebbirina para mag handa ng almusal. Ang totoo ay wala siyang tulog, nagawa niyang umidlip ngunit tila namamahay siya kaya mas pinili niya nalang na bumangon para mag handa ng almusal.
Napaka bilis ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay pinoproblema niya ang tutuluyan hanggang sa nadisgrasya sya at ngayon ay nakatira siya sa condo ng nakabundol sakanya.
Hindi rin niya alam kung bakit siya sumama sa lalaki. Sa hitsura nito ay hindi malayong may asawa na ito dahil sa nakita niyang singsing sa daliri ng lalaki.
Sa palagay niya ay nasa early 30's ang guwapong lalaki na nag alok sakaniya ng matutuluyan.
Naisip na lamang niya na wala na siyang ibang pag pipilian kung di ang tanggapin ang alok nito.
Batid niya na walang masamang balak sakanya ang binata dahil kung masamang tao ito ay baka tinakbuhan na lamang siya nito ng madisgrasya siya kagabi.
Ilang beses din niya itong sinabihan na hindi na niya kailangan ang tulong niya ngunit naging mapilit ito hanggang sa napapayag siya sa tulong na inaalok ng lalaki. Marahil ay awang awa sakaniya ito ng marinig ang kuwento ng kaniyang masalimuot na buhay.

Isinalin niya ang sinangag niyang kanin sa isang malaking mangkok at inihain ito sa lamesa na katabi ng kitchen counter. Nauna na niyang iniluto ang itlog, hotdog at pancake. At kinuha niya ang brinew niyang black coffee sa coffee maker.
Nag salin siya sa dalawang white coffeemug. Nagtataka nga siya kung bakit iilan lamang ang mga kagamitan nito. Ang mga plato baso at kubyertos ay nasa tatlong na piraso lamang. Nais man niya usisain ang lalaking tumulong sakaniya ay pinangungunahan siya ng hiya.
Nais niya sanang itanong kung may asawa na ba talaga ito at kung bakit mag isa lamang ang lalaki sa kaniyang condo kung may asawa na nga ito.

Matapos niyang salinan ang babasaging baso ng kape at napapitlag siya ng maramdaman ang dalawang bisig na humapit sakaniyang bewang at ang mainit na hiningang tumatama sa kaniyang leeg na nagdulot ng kakaibang pakiramdam sakaniya. Pakiramdam niya ay nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Ginawaran pa siya ng marahang pag halik sa leeg at punong tainga. Hindi agad siya nakakilos dahil sa sborang gulat. Hinigpitan naman ng lalaking nasa likuran niya ang pag yakap habang ang isang kamay ay dumausdos papunta sa kaniyang dibdib at ang isa ay dumako sa kaniyang puson. Ramdam niya ang matigas na bagay sakaniyang pang upo.

"The heck angeline you smell good! I like seeing you preparing our breakfast, it's been quite awhile when you last did that." patuloy ito sa pag lamas sa kaniyang dibdib habang ang isang kamay nito ay tuluyang ng bumaba sa kaniyang kaselanan.

Nadadala na siya sa sensasyong dulot ng lalaking nasa likuran niya na alam niyang si hebrix iyon dahil sa amoy ng pabango nito. Matapang iyon na panlalaking amoy na naamoy niya kagabi ng makasama niya ito.
Natauhan lamang siya ng marinig ang pangalang binanggit nito. Parang naging awtomatiko ang pag galaw niya, swabe siyang umikot para itulak ang lalaking unti-unting nagpapainit sa kaniyang damdamin.

"Hindi ako si angeline!"

Mahinang sabi nito sa lalaki na ang tanging saplot lamang ay ang suot nitong itim na boxer shorts. Matipuno ang katawan nito at parang inukit ang bawang muscle sa katawan nito lalo na ang mauumbok na abs nito. Dumako ang paningin niya sa babang bahagi ng katawan ng lalaki na agad nag painit sa mukha niya. Bakat ang naghuhumindig na pagkalalaki nito. Parang galit na galit iyon na nagkukumawag makawala sa loob ng boxer shorts nito.
Ngayon lamang niya naalala na ang tanging suot lamang niya ay cycling na itim at ang pinahiram nitong oversize na white V-neck T-shirt sakanya. Nasanay kasi siya na pag natutulog ay nagtatanggal siya ng bra. Hirap kasi siya makatulog pag masuot itong ganoon.
Nalimutan ata niya isuot iyon ng magising.

"..s-sorry ! Hindi ko sinasadya.. Naamoy ko yung niluluto mo at yung amoy ng kape. Naalimpungatan ako at nalimutan kong ikaw pala ang kasama ko at hindi ang manloloko kong.. asawa."

Namilog ang mata ng binata ng mapagtantong hindi ang taksil na asawa ang nasa kaniyang harapan na muntikan na niyang angkinin kanina lang. Nilukob siya ng hiya sa kaniyang nagawa.
Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat.
Napayuko naman siya ng hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Agad naman siya nagtungo sa kaniyang silid upang kumuha ng pang itaas.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari sakaniya.
Nalimutan ata niya na ipinagpalit nga pala siya ng asawa sa traydor niyong kaibigan. Naisabunot niya ang kaniyang kamay sa ulo. Naalala nanaman niya ang mainit na tagpo sa kusina. Kakaiba ang naramdaman niya para sa dalaga. Alam niyang malayo ang hitsura ng dalaga sa kaniyang asawa. Ngunit sa tagal na walang sekswal na interaksyon sa kanila ng asawa ay tila nanabik siya ng makita ang dalaga na nakasuot lamang ng malaking white shirt. Alam niya ring maraming magagandang babae ang nagpapapansin sakaniya sa opisina ngunit ngayon lamang siya naging ganoon kasabik na angkinin ang babae. Napailing siya sa isiping iyon. Ayaw naman niyang isiping babae na manyak siya. Agad niyang sinuot ang damit at kumuha ng board short.

--
Napaupo si seb ng makitang pumasok ang lalaki sa kaniyang silid.
Hindi niya alam kung ano ang nang yari. Para siyang tatakasan ng bait sa sarap ng sensasyong hatid ng lalaki sakaniya. Hindi naman siya inosente sa ganoong mga gawain dahil may nangyari na din naman sakanila ng kaniyang dating nobyo na nangloko sakaniya. Naalala niya tuloy ang sinabi ng matipunong lalaki.

"..s-sorry ! Hindi ko sinasadya.. Naamoy ko yung niluluto mo at yung amoy ng kape. Naalimpungatan ako at nalimutan kong ikaw pala ang kasama ko at hindi ang manloloko kong.. asawa."

Ito na ang sagot sa mga palaisipan niya kanina kung bakit wala itong kasama sa condo.
Hindi pala sila nag kakalayo ng sitwasyon. Ang kaibahan nga lamang ay kasal ito at siya ay hindi.
Napawi ang mga isipin niya ng makitang umupo ang binata sa harapan niya. Nakabihis na ito ng puting round neck shirt at naka boardshorts na kulay itim.
Dinampot nito ang kubyertos na nakapatong sa puting babasaging plato na nakahain sa lamesa at tumusok sa pancake na niluto niya, kumuha din ito ng itlog sakan nilag yan ng mantikilya at pancake syrup saka pinatungan ng isa pang pancake. Hiniwa niya ito sa apat at nag umpisang sumubo.
Mataman lamang niya itong tinig na. Para bang walang nangyari kung titignan niya ang lalaki na muntik na siyang angkinin kanina lang.

Natigilan naman ang lalaki ng mapansing nakamasid lamang sakaniya ang dalaga.

"Aren't you hungry?"

Tanong  ng binata matapos humigop ng kape.
Nanatili naman siyang walang imik at nakatingin pa rin dito.
Nais niyang mainis sa inaasta nito. Alam niyang humingi na ito ng paumanhin kanina. Ngunit tama ba namang umakto ng parang wala lang sa harapan niya. Samantalang siya ay hirap na hirap iabsorb ang nangyari sakanila. Ayaw man niyang aminin ngunit nasiyahan siya sa dulot na sensasyong iyon sakaniya ng binata.

"..look I know I offended you, but it was not my intention to do that. I was outraged. It was only last night when I found out that my wife cheated on me with my best friend. I saw you in my shirt and you look very sexy and inviting. I'm really sorry sebbi.. It won't happen again, I promise."

Marahan pa siyan lumabi ng sinabi iyon sa dalaga, puno ng sinseridad ang pag hingi ng tawad nito. Paramg may kumudlit naman sa kaniyang puso ng marinig ang huling sinabi nito. Nais niya sanang magprotesta. Ngunit nahihiya siya.. Gusto niyang maulit ang nangyari, hindi naman siya yung tipo ng babae na mahilig sa sekswal na pag tatalik. Sa katunayan ay lagi lamang siya pinipilit ng dating nobyo pag nais nitong sumiping sakaniya at wala man lamang siyang naramdaman na tulad ng ganito. Nais niyang itaboy ang isipin sa kaniyang isipan.
Kailan pa siya naging mahalay mag isip? Ito ba ang epekto ng lalaki sakaniya ?

"Don't mention it Sir! Sorry for what happened to you and to your wife. Hindi ko po alam na mayroon din kayong ganiyang pinagdadaanan.."

Nais niyang kastiguhin ang sarili. Hindi ito ang nais niyang sabihin sa lalaki. Ngunit ayaw niyang isipin ng kaharap na pinagpapantasyahan niya ang katawan nito.

Nagsimula na din siyang kumain ng hindi sumagot ang binata..

"Pina-dry clean ko ang suot mo kahapon at nagpadeliver din ng under garments mo. Bibigyan kita ng credit card at ihahatid kita sa mall mamaya. Mamili ka ng damit at lahat ng kakailangin mo sa pang araw araw.
Don't mind the expenses isipin mo nalang na malaki ang kasalanan ko sayo at kulang pa ang lahat ng ito bilang kabayaran. Muntik na kitang mapatay dahil sa kapabayaan ko. Kaya wag kang mangingimi na mamili. Lahat ng magustuhan mo ay bilhin mo. Susunduin kita sa mall mamayang 5pm. May meeting lang ako with my lawyer."

Tuloy tuloy na sabi ng lalaki. Bago pa man siya makasagot ay tumayo na ito at pumasok sa silid nito.
Sakto naman ang pag tunog ng doorbell.

"..pag buksan mo ng pinto, iyan na ata ang mga gamit mo!"

Sigaw ng lalaki buhat sa kaniyang silid.

Dinaluhan naman niya iyon at ng buksan ang pinto ay bumungad sakanya ang delivery man na dala isang box at saka siya pinapirma sa dala nitong receipt. Matapos iyon ay kinuha nya ang box at isinara ang pinto. Inilapag niya ito sa kitchen counter at agad na iniligpit ang pinagkainan. Hinugasan naman rin niya yon bago niya dinampot ang box at dumiretso sa guest room na tinutuluyan niya.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon