Chapter 5

6 1 0
                                    

Hinatid siya ng binata gaya ng sabi nito. Nasa loob siya ng department store habang nag titingin tingin ng mga damit.
Naiinis siya dahil ang mamahal ng mga damit na natitipuhan niya. Kung bakit ba kasi credit card ang ibinigay ng binata at hindi cash. Mas komportable siya mamili kung alam niya na mura lang ang ipapamili nya. Naisin man niyang mag tiangge ay hindi niya magawa dahil hindi naman niya maipang babayad ang credit card sa tiangge.

Nagtanong tanong sya sa sales lady kung saan may mga naka sale na damit at agad siyang inassist nito.
Namili siya ng mga blouse na pwede niyang gawing pang bahay at pang alis. Bumili rin siya ng formal attire dahil nag paplano na siyang mag apply ng trabaho. Karamihan sa pinamili niya ay naka sale. Bumili din siya ng bag sapatos at sandals. Ilang pirasong formal dress, pantalon at short. Muntik pa nga nitong malimutang bumili ng undergarments. Matapos niya bayaran ang lahat ng pinamili gamit ang credit card ng binata ay naisipan naman niyang kumain dahil noong almusal pa ang huli niyang kain. Iniwan niya ang lahat ng pinamili sa bagage counter ng naturang department store at dumiretso sa isang kainan.

Mag aalas singko na ng sipatin niya ang relos sa bisig. Bumili lamang sya ng chao fan rice bowl at softdrinks. Umupo sya malapit sa glass window ng restaurant. Nang makita niya ang isang pamilyar na lalaki kasama ang pinsan niya.
Naningkit ang mga mata niya at humigpit ang hawak sa kubyertos. Nais niyang sugurin ang dalawa ng makilala niya kung sino ang kasama ng pinsan. Sweet na sweet pa itong nag susubuan habang nag tatawanan. Ang pinsan pala niya ang tinutukoy ng dating nobyo na nabuntis niya. Hindi niya matanggap na sa malandi pa niyang pinsan siya nito ipinagpalit. Ito ang anak ng tiya conchita niya.

Hindi na niya napigilan ang sarili ng makita niya ang pag pi-PDA ng dalawa. Mga walang hiya!

Tiim bagang niyang sinugod ang dalawang nagtaksil sakanya.
Ganoon na lamang ang pagkagulat ng dalawa ng makita siya.

"Seb?" nasambit ng kaniyang dating nobyo. Nang tignan niya ito ay nakitaan niya ito ng takot sa mga mata nito. Alam kasi ng nobyo niya kung ano ang kaya niyang gawin kapag galit dahil hindi ito ang unang beses na niloko sya nito. Lagi niya itong pinapatawad sa tuwing nahuhuli niya itong nangbababae matapos niyang bugbugin ang babaeng kinakalantari nito. Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Nabuntis niya ang pinsan nito kaya hindi na niya ito mapapatawad pa. Alam niyang matagal siyang nagpakatanga para sa dating nobyo dahil ito ang first love niya. Kahit paulit ulit siyang niloloko nito ay hindi niya ito magawang iwan dahil sa ito ang naka una sakaniya. Maswerte na nga lang at hindi siya nabuntis ng huli. Hindi siya makapinawala na nag pabulag siya sa pag ibig niya lara sa binata.

"Ano bang problema mo Sebbirina?"
Sita ng pinsang kanina pa nakikipag sukatan ng tingin sakanya.

"Malandi ka! Mang aawgaw!"
Hindi nakapagpigil na sambit nito sa kausap. Bata pa lamang ay malaki na ang inggit sakaniya ng pinsan. Hindi niya alam kung bakit galit na galit sakaniya ito ngunit nagtitimpi lamang siya na wag patulan ang pinsan dahil sa pakiusap ng inang may sakit noong buhay pa ito.

Ngunit ngayon ay nais ng sumabog ng pag titimping kinimkim niya simula pagkabata. Kung gaano kasama ang tiyahin nito ay ganoon din ang pinsan niya.

"Haliparot ka Lydia! Hindi ko akalaing aahasin mo si Jess sakin? Anong klaseng pinsan ka?"
Sinadya niyang lakasan ang boses upang makakuha ng atensyon. Wala siyang pakialam kahit alam niyang kinukuhaan na sila ng video ng mga nakapaligid sakanila. Iyon talaga ang plano niya ang ipahiya ang dalawang taksil na ito. Hindi niya kayang saktang ang pinsan dahil nag dadalang tao ito. Kahit na kating kati na ang kamay niya para ingudngod ito sa lamesa. Nais niyang ipa viral ang pamamahiya niya sa dalawa upang makaganti sa panglolokong ginawa sakaniya ng mga ito.

"Alam ko namang insecure ka sakin simula noong mga bata pa tayo pero hindi kita pinapatulan dahil yun ang kahilingan ni inay. Pero ano pa din ang ginawa mo? Nag pabuntis ka dito sa tarantadong boyfriend ko? Ganyan kana ba kadesperada? Para lang masabing mas magaling ka sakin? Pagkatapos niyo akong palayasin pagkamatay ng magulang ko at wala kayong ipinadala sakin kahit isa sa mga gamit ko kundi itong damit lang na suot ko."
Tagumpay ang plano niya. Halos lahat ng nasa loob ng restaurant ay nasa kanila na ang atensyon. Lalo pa niyang ginalingan ang pag acting. Totoo lahat ang sinabi niya ngunit gusto niyang mag panggap na talagang kaawa awa kahit wala ito sa personalidad niya. Sanay kasi siya na daanin sa kamao niya ang lahat ng bagay lalo na pag tungkol ito sa pang bababae ng taksil na nobyo.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon