Chapter 9

3 1 0
                                    

Three months na ang nakalipas mula ng party. At tatlong buwan narin kami ni Hebrix.
Tuluyan ng na annulled ang kasal nila ni Angeline at nawalan na ng kredibilidad si Benedict dahil sa insidenteng nangyari.
Mantakin mong hindi rin pala sila nagkatuluyan ng babaeng sinulot niya sa matalik na kaibigan, marahil na rin sa pera lamang ang pakay ng huli sakanya.
At dahil naghirap na ang binata ay wala na din itong pakinabang sa babae.

Lumipat na sila sa bahay ni Hebrix at ng dati nitong asawa.
Ipina-renovate ng lalaki ang masters bedroom dahil nais nitong burahin ang mga alaala niya noong mga panahong kapiling pa niya ang dating asawa.
Masayang masaya si Sebbirina sa mga nangyayari sakanila ng lalaki na kaniyang kasintahan na ngayon.
Batid niyang naging napaka bilis ng mga pangyayari, ngunit ayaw na niyang sirain ang kaniyang mood sa mga isiping iyon.
Ngunit sa loob niya ay natatakot siya, natatakot siya na kung gaano siya kasaya ngayon ay baka mawala lahat sa isang iglap.

HEBRIX POV'

"Thank you for helping me a lot pare! This wouldn't be all possible if it wasn't for you." sabay dampot sa babasaging baso na may lamang mamahaling alak.

"Don't mention it pare! Maliit n bagay lamang 'yon, kumpara sa naitulong mo sa akin at sa buong pamilya ko. You were more than a bestfriend to me. You know that!"  naiiling pa ang kaibigan, pagkatapos ay nilagok ang kaniyang inumin at bahagyang dumekuatro pa.

"Maiba ako Brix, alam kong okay kana ngayon dahil nabunutan ka ng dalawang malaking tinik. Pero gusto ko lang malaman pare kung seryoso ka bang talaga diyan kay Seb?"  Walang paligoy ligoy na tanong ng kaibigan.

Kilala niya ito simula pagkabata, sa lahat ng kaibigan niya ay si Jedrian ang isa sa pinaka pranka niyang kaibigan. At isa ito sa mga katangiang nagustuhan nya dito. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila may inis na dumapo sakanya.

"Jed, pare you know me very well. I don't play anymore. I know I am known before as a casanova but that was long ages ago." batid nya na mukha syang nag dadahilan sa kausap, ngunit alam niya sa kaniyang puso na gusto niya ang dalaga na kailan lamang niya nakilala.

Naging sobrang bilis ng mga pangyayari at maging siya ay hindi makapaniwala. Ngunit batid nya na gusto niya ang dalaga, dahil isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mabilis na naghilom ang mga sugat niya dulot ng mga taong naging malapit sa kanyang puso na sila rin palang magtataksil sakanya.

"I know that Brix, natatakot lang ako na baka masaktan ka ulit o baka ikaw naman ang makasakit. Ayoko na gawin mong escape goat si Sebbi or rebound sa sakit na pinagdaanan mo. We all know where she came from, and you are both wounded for God's sake!"
Bakas sa mukha ng kaibigan ang pag aalala. Naging malapit na din kasi sa mag asawang Jedrian at Vannerie ang kasintahang si Sebbirina kaya ganoon nalamang ang pag aalala ng kaibigan nito sa dalaga.
Magiliw, malambing at pala kaibigan kasi ang dalaga at batid nya na imposibleng hindi nila makakasundo ang huli.

"Don't worry Jed, I am not using her for my own benefit. I like her and I want to be with her from this day forward. That's why I am planning on marrying her as soon as possible."
Hindi niya alam kung anong meron sakaniya at nasabi niya iyon sa kababata. Huli na nang marealized nya ang nasambit. Nabigla man ay may parte sa puso niya ang naging masaya at excited.
Ngunit lamang dito ang takot at pangamba.

'Paano kung lokohin lang ako ulit? Kaya ko pa bang magtiwala?'

Mga tanong na umokopa ng kaniyang isipan hanggang sa makaalis ang kababata.
Puno man ng takot ay desidido na syang pangatawanan ang desisyong nauna na nyang nasambit sa kababata.

-------
A

UTHOR'S NOTE

Hi guys! It's been a long time since I made an update.
Actually I wasn't planning on finishing this short story, cause I think its too lame plus I am not good enough to do this.
But still I'll try my best to put this story to a nice and smooth ending.
I am thanking to that "one and only supporter that voted for my story" that I have, ever since I created this story. Lol!
I know hot it feels to read an unfinished story and it feels unsatisfying.
Although its not a nice story to begin with.
I am being annoying and talkative again.
Anyway please bear with my awful grammar and typo errors. Just keep on reading!
Ciao! :*

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon