Chapter10

5 1 0
                                    

SEBBIRINA'S POV

"Sebbi sumabay ka na sa amin balak kasi naming kumain sa may overlooking nila Vince. Nag paplano na din kaming uminom pag katapos para sa post celebration ng promotion niya." Pag aaya ng katrabahong si Virma. Kasalukuyan siyang nag tatrabaho sa isa sa malalaking contruction firm na hawak ng pamilya ni Hebrix. Tutol man ang nobyo nya ay pinilit niya itong payagan siyang magtrabaho, ngunit ang naging kundisyon nito ay sa mga hawak nyang kompanya lamang ito mamamasukan.

"Gustuhin ko man virms, pero may dinner date kasi kami ng boyfriend ko.."
Kahit tatlong buwan na ay nahihiya pa din ito pag tinatawag niya ang binata na 'boyfriend' kahit na wala naman ito sa paligid. Hindi naman ganoon katagal siyang naging single ngunit batid nya na malaki ang kaibahan ng ex niyang si 'jess' sa kasintahang si 'hebrix'. Nais niyang kastiguhin ang sarili sa pagkukumpara sa dating nobyo sa kanyang iniirog.

Batid naman ng lahat ang relasyon niya sa may ari ng kompanya, gayunpaman ay nakuha ng dalaga ang respeto ng mga ito dahil sa kabila ng estado nya ay nanatiling mababa ang kanyang loob sa mga ito at nagtatrabaho ito ng patas.

Pag tunog ng cellphone niya ang nag pabalik sakanya sa kasalukuyan. Malayo na naman kasi ang nilakbay ng kaniyang isipan.

From: My Hebrix

Bi, I'm sorry I cannot make it tonight. I have an urgent meeting with our clients. Sorry for the short notice I'll make it up to you soon, I promise. Love you.

"Oh sino naman yang nag text at nakabusangot na yang mukha mo? Akala ko ba eh may date kayo ni bossing bat parang binagsakan ka ng langit at lupa d'yan?" Pang aalaska ng bagong kaibigan.

Isa ito sa maloko at totoong taong nakilala niya sa bagong trabahong pinapasukan. Mag dadalawang buwan na rin magmula ng makilala niya ito at mula noon ay ito na ang palagi niyang kasama sa pag kain at pag uwi pag hindi siya nasusundo ng binata na napapadalas na din.

"Si brix kasi may urgent meeting with the clients." nakangusong sagot nito sa kaibigan na agad namang napangiti ng mapang asar. Nais man niyang tanungin kung ano ang kahulugan niyon ay hindi na niya isinatinig, dahil alam naman niyang aalaskahin lamang siya ng huli.

"Ayun naman pala, so wala ka ng dahilan para tumanggi!" Masiglang sabi ng kausap. Maya-maya pa ay binusinahan na sila ng kotse na kararating lamang sa tapat ng building ng kompanyang kanilang pinapasukan.

--

Kasalukuyang kumakain ang lahat, iilan lamang silang dumalo sa salo-salo. Si Vince na napromote bilang Supervisor, si Virma at leslyn sa accounting, si erwyn, danny at justein na kanilang civil engineer at siya sa purchasing.

Iilan lamang kasi sila sa mga ka-close ng kanilang 'supervisor' dahil ang iba ay may mga sariling mundo na.
Hindi rin niya alam kung paano niya nakasundo ang mga ito ngunit masaya siya at nakahanap siya ng mga kaibigan sa katauhan ng mga taong ito.

Masaya siya habang nag iinuman ngunit batid niya sakanyang puso na parang may kulang. Hindi na kasi nag text muli ang kaniyang nobyo. Pasado alas diyes na at hindi pa din nag rereply ang buhong nobyo sa kanyang chat at text. Nahihiya naman syang tawagan ito dahil ayaw niyang isipin ng mga kasama na naiinip na sya habang kasama sila. Kaya palihim na lamang niya itong tinetext.
Naka rami na sila ngunit parang hindi pa din ito tinatamaan. Marahil na din siguro ay wala siya sa mood kaya hindi sya tinatamaan.

Ilang sandali pa ay nag bill out na sila at niyakag naman siya ni virma  na mauna sa parking lot.
Inaalalayan nila ang katrabahong si leslyn na pasuray suray na sa pag lalakad.

Madilim sa parking lot at  nagulat siya ng bumukas ang mga sparkling light sa paligid na kulay puti.
Maya maya pa ay tumugtog na ang piano at violin. At may spotlight na bumukas at tumama sa mga tumutugtog.

Can't take my eyes of you by Frankie Valli

Kumalas naman sakanya ang dalawang kaibigang si virma at leslyn at maya maya pa ay nakapaligid na ang ibang katrabaho nya at kumakanta.

I love you baby
And if its quite alright
I need you baby to warm my lonely night
I love you baby
Trust in me when I say..

Bumukas pa ang isa pang spot light at tumama ito sa isang guwapong guwapong lalaki na kanina pa niya hinihintay.
Halos sumabog ang kaniyang puso sa lakas ng pagkabog nito. Nagugulumihanan siya sa mga nangyayari.

"Anong pakulo ito bi?" Nahihiyang tanong niya. Dahan dahan namang lumapit ito at ibinigay sakanya ang bouquet ng blue roses.

"Akala ko ba may urgent meeting ka? Ano to?" sunod sunod na tanong niya.

"You are the most important thing to me now Sebbirina." malambing na tugon nito
May kung anong kumudlit sa puso nya.

'thing' iyon ba ang tingin sakanya ng nobyo?

Agad niyang iwinaksi ang isipin ayaw niya ang nabuong isiping iyon. Mahal niya si Hebrix at masaya siya. Iyon ang importante sakanya ngayon.

"I know this is too bit fast, but I don't want to let this opporrunity pass.
I never want something like this so much before.
Sebbirina, you mend my wounded heart.
You are also hurt and broken but you gave your pieces to me, you fixed me with you own broken heart.
I want to keep you forever by my side.
Would you spend the rest of your life with me?
Please Marry me Bi!"
Matapos ito ay may dinukot syang maliit na box sa kanyang bulsa at binuksan ito habang dahan-dahang lumuhod sa harapan niya.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon