Chapter 3

4 1 0
                                    

Dinala niya ang babaeng nadisgrasya niya sa isang kainan na bukas ng 24oras.

Alas très na ng madaling araw ng sipatin niya ang relos na nasa bisig.

Agad na dumating ang mga inorder niyang pagkain para sa kanila ng dalaga. Siya ang umorder para sakanila dahil ayaw pumili ng huli.

Nais niyang matawa ng makita niya ang panlalaki ng mata ng kaharap sa mala fiestang pagkain na nakahain sa lamesa.

"Mauubos ba natin lahat ng ito? Sayang ang pagakaing matitira!"

She said in amusement.

"Ang hindi natin maubos ay maari mong ipabalot at iuwi."

Sagot niya sa kausap ng bigla naman itong yumuko.
Saka lamang niya naalala ang sinabi nito kanina na wala na siyang uuwian. Parang nakonsensya naman siya sa pagiging insensitive niya.

"Ako nga pala si Hebrix, Hebrix Heinz Cascianco. You can call me brix. How about you?"

Pag iiba niya ng usapan.
Tumingin lang sakanya ang babae at tumingin sa nakalahad niyang kamay.

"Kanina pa kasi tayo mag kasama pero hindi pa natin kilala ang isa't isa."

Dagdag niya.

"Sebbirina.. Sebbirina Nobles."

Hindi niya inaasahan na papaunlakan nito ang pakikipagkamay niya. May kung ano siyang naramdaman sa mga palad nito na hindi niya maintindihan.

--

"Ngayong patay na ang inay at itay mo wala ka ng karapatan pang manatili sa pamamahay na ito Sebbirina! At wala kang dadalhin ni isang gamit galing sa pamamahay na ito maliban sa suot mong damit!"

Matagal ng patay ang Ama dahil sa sakit nito na bato sa apdo.
Ngayon naman ay kalilibing lang ng kaniyang ina.
Nasa pangangalaga siya ng tiyahing si Conchita ang kapatid ng ina nito. Sa ina niya ang bahay at lupa na kaniyang tinitirhan ngunit inangkin na ito ng mapagmalupit niyang tiyahin dahil ito daw ang kabayaram ng pag papahospital at pagpapalibig sa ina nito. Wala siyang magawa.
Walang wala sya ng panahong kasakit ang ina. Natanggal din siya sa trabaho dahil sa madalas na absent at late dahil na din sa pag aalaga sa kaniyang ina. Inabandona na din siya ng kaniyang nakakatandang kapatid na may galit sakanya dahil hindi niya sinabi dito na nasa hospital ang kanilang Ama noong mga panahong nasa duty ito. Isa kasi itong sekyu at namatay ang Ama nila na hindi niya ito nabisita kaya ganoon nalang ang sama ng loob nito sakanya.
Hindi niya ito masisisi ngunit iyon ang huling kahilingan ng Ama sakanya na siya ring nag bantay sa hospital dito.
Lumaki siya sa broken family at ngaykn ay wala ni isa sa pamilya nya ang natira sakanya. Wala siya bahay at trabaho.

Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Lupaypay siya sa ilang linggong kulang sa tulog dahil na din sa pag aasikaso sa lamay ng ina at libing nito.
Hindi man lang siya naka pag palit ng damit dahil ito pa ang suot niya sumula ng ilibing ang ina kaninang madaling araw.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Patuloy lamang siya sa pag lalakad ng huminto siya sa tapat ng pedestrian line. Hindi niya alam kung may galit ba sakaniya ang tadhana dahil kasabay ng mga kamalasang nangyayari sakaniya nariyan pa at nakipag kalas ang kaniyang nobyo sakanya bago ilibing ang kaniyang ina. Nabuntis daw nito ang kaniyang ex-girlfriend kung kaya't kailangan niya raw itong panagutan. Nais niya sana itong sampalin ng hilingin sakanya nito na manatili ang relasyon nila habang pinapanagutan niya nag nabuntis nito. Ngunit ayaw lamang niya ng eskandalo dahil nasa burol sila ng mahal niyang ina. Sinabihan niya itong umalis na at huwag na huwag nang magpapakita sakanya kahit kailan dahil baka siya na ang sunod na paglamayan doon. Sa takot naman nito ay ngali-ngaling kumaripas ito papalayo sakanya. Doon lamang niya napagtanto kung anong klase ng lalake ang pinatulan niya.

Nang mag palit ng kulay berde ang kulay pulang stoplight na nakaharap sakanya ay humakbang siya patawid.
Wala pa ding siya alam na pupuntahan.
Ang ibang mga kaibigan niya ay nasa probinsya samantalang ang best friend naman niyang si Chasie ay nagboboarding house malapit sa trabaho nito. Wala siyang matutuluyan. At wala siya ni singkong duling sa bulsa niya. Naiwam niya lahat ng gamit niya sa bahay nila noong ipinagtabuyan siya ng kaniyang tiyahin. Naibenta niya rin ang kaniyang cellphone pangdagdag sa gastusin sa hospital noong nabubuhay pa ang kaniyang ina.
Naisip nya na wala din naman syang pera sa wallet niya kahit nadala pa niya iyon.

Malalim ang isipin niya ng hindi niya namalayan ang paparating palang sasakyan hindi man mabilis ang takbo non ay hindi niya nagawang umilag dahil lutang ang isip niya sa mga isipin kung saan sya pupunta at magpapalipas ng gabi.
Huli na para umiwas pa siya.
Ang pag tilapon ang huli niyang naalala at nawalan na siya ng malay.

--

"Sebbirina, you can stay here in my guest room. As long as you want to. You don't need to move out. Everything here is free. The electricy and water bill is on me. The food is free you just have to cook for the two of us. No sleep overs allowed! Your friends can visit you but only in the living room. You can also use this clothes for the mean time, we'll go shopping tomorrow for your clothes and needs. You also have your own comfort room inside the guest room. Feel free to call me through telephone of you still need something. Just dial the asterisk."

Sabi ko sakaniya pag pasok namin ng condo ko.
Ito yung condo ko noong college, pero bihira ko nalang madalaw simula noong mag pakasal kami ni Angeline. Umasim ang mukha nito ng maalala ang taksil na asawa.

"Why are you doing this mister? Sinabi ko na kanina na hindi mo na kailangan gawin to, aksidente yun.."

Pinutol niya ang sinasabi ni Seb
Alam niya ang nais sabihin nito.
Ayaw man niyang aminin ngunit ang totoo ay hindi nya din alam kung bakit niya ginagawa ito para sa dalaga. Naikwento sakanya ng dalaga ang naging buhay nito at awang awa sya para sa dalaga. Ngunit alam niya sa sarili na hindi lang awa ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

"Let's just say that I am your fairy godfather!"

Nais niya sanang bawiin ang naisip na palusot ngunit huli na dahil naisatinig na niya iyon.
Hindi nakaligtas sakanya ang nasilayang ngiti ng dalaga. Alam niya hindi ito ang lubos na pag ngiti ng dalaga ngunit masaya siya na kahit papaano ay nagawa niyang pangitiin iyon. Dahil simula ng makita miya ito ay wala itong ipinapakitang emosyon maliban sa lungkot.

"You can move out if you want, only if you are financially stable and can support your daily needs. But as of now, let you fairy godfather take good care of you!"

Isang sinserong ngiti naman ang iginawad niya bago niya isinara ang pinto ng guest room na tutuluyan ng dalaga.
Masaya siya at kahit papaano ay natulungan niya ito.
Sa totoo lang ay walang wala ang problemang dinaranas niya sa problemang kinakaharap ng dalaga. Napaka tapang nito at nakaya nya ang lahat ng iyon.
Kaya naisip niya na maswerte pa din pala siya dahil nakilala niya ang dalaga. Naisip niya na kung etong ganitong tao nga nakayang dalhin ang ganoong kabigat na problema sya pa kaya na niloko lang mg asawa at matalik na kaibigan.
Napatiim bagang sya sa isipin. Hindi siya makakapayag na maging masaya ang dalawa. Naisip niya na kaya may mga taong malakas ang loob mangloko dahil hinahayaan lang natin sila gawin yun.
Pwes humada sila dahil lintik lang ang walang ganti.

Kinapa ni Hebrix ang bulsa at idinial ang telepono nito. Makalipas ang tatlong ring ay sinagot na ito sa kabilang linya.
"Yeah brix? So early! What do you want!?" inis na sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Atty Jedrian! I need your help, we have to teach someone a lesson!" sagot niya sa kausap. Ito ay ang kaniyang kaklase noong college sa isang subject dahil sa pareho silang pasaway kaya naging irregular student sila. Mula ng maging magkaibigan sila noon ay hindi na naputol ang pag kakaibigan ng dalawa kahit pa magkaiba ang naging linya ng trabaho ng mga ito. Fiance ng abogado ang Doktorang tumingin kay Sebbirina na si Vanerrie. Bahagyang tumahimik sa kabilang linya. Ito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Kung si Benedict at siya (dati) ay Chickboy, si Jedrian naman ay serious type pag dating sa pag ibig kaya hindi sila magkasundo ni Benedict.

"I am listening bro!" sagot ng nasa kabilang linya.
Lumabi muna si Hebrix bago muling nagsalita.

"That f*cking Benedict steal my wife! My ex wife! Help me destroy them!" nagtatagis ang bagang na tugon niya sa kausap.

"Count me in bro!" walang patumpik tumpik na tugon ng kausap sa kabilang linya pagkatapos ay ibinaba na niya ang telepono.

"You'll gonna pay for this!" na-ikuyom niya ang kamao sa galit.

FIX YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon