Pagod

1 0 0
                                    

Pagod.

Ayan ang salitang maikukumpara sa'kin.

Pagod na ako sa mga pasakit.
Sa mga sakit.
Sa damdaming pinipilit.
Pinipilit isagip.

Sa mga luhang gabi-gabing tumutulo.
Sa pag-asang sana lahat totoo.
Sa relasyong sana walang preno.
Hindi titigil hanggang dulo.

Pagod na kong umasa.
Pagod na kong magpakatanga.
Pagod na kong pakinggan ang mga sinsabi nila.

Pagod na ako.

Pagod na rin akong ngumiti.
Dati-rati ako'y laging nakangiti.
Subalit ngayon ay hindi na.
Dahil sa kadahilanang napagod na.

Hindi porket lagi akong nakangiti at masaya, wala ng problemang dala-dala?
Kung gayon, ika'y nagkakamali.

Minsan naiisip ko rin magpahinga.
Yung pangmatagalan.
Yung tipong hindi na ulit ako magigising.
Yung tipong wala na kong iisipin pa.

Ang saya siguro n'on?

Makakapagpahinga na rin.

Makakapagpahinga ang pusong pagod na pagod na.
Ang utak na sawa na umintindi pa.
Katawan na hirap ng dalhin.
At ang ngiting mahirap gawing totoo.

Sa wakas, makakapagpahinga na rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon