Maling Tao

6 0 0
                                    

Yun lang pala, bakit pa ba ako umasa? di naman ako importante sa kanya.

Masama bang umasa? umasa na baka sakali na mahalin nya din ako tulad ng magmamahal nya sa kanya.

Sabi nila, matalino ka! dapat alam mong dapat hindi ka magpakatanga.

first of all, hindi naman talaga ako matalino, yung nag eexcel sa mga subjects. Matalino ako sa pakikisama. Pakikisama sa damdamin, kilos at gawa.

Damdamin na dapat hindi pairalin para walang sakit ang makimkim, kilos na obserbahan sa sarili para magmukhang presentado ang itsura sa iba.

At gawa. Bakit nga ba gawa? ahh, alam ko na, gawa dahil isipin mo ang katangahan na pinapakita mo para lang mapansin ka nya, nakakaiyak din isipin na kahit anong gawin mo, yung atensyon nya ay nasa minamahal nya, kay Ela.

Nadulas ako sa pagkasabi ko ng kanyang pangalan, hindi kasi ako nag-alinlangan. Gusto kong ibunyag ang pag-ibig kong hindi nya makita.

Si Kian na lagi kong tinitignan, sinusulyapan, tapos masaktan naman pag nakitang masaya sya sa piling ng iba o sa kausap nya.

Nakakaselos lang kasi gusto ko ako yun. Ako yung kausap nya, katawanan nya, kasama nya, kapiling nya at higit sa lahat mahal nya.

Pero wala eh, may mahal syang iba. At... teka... ano nga ba ang karapatan ko? ano nya nga ba ako? first of all, hindi nya ko kaano-ano, parang wala pa nga sa kaibigan eh.

Wala rin akong karapatan, pero may karapatan ako,,, karapatang magimahina. Imahinasyon ba.

Iisipin ko, masaya syang kasama ako, kapiling ako, pero sya naman, nag iimahina rin, hindi sakin, hindi sa amin kundi sa kanya, kay Ela. Ang pinakamamahal nya.

Inisip ko rin na tumigil, nakakapagod na rin kasi.

Kaya ipinapangako ko sa sarili kong titigil na ako at mangangakong hindi na ulit ako mahuhulog sa maling tao na hindi ako kayang saluhin o ibigin.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon