Larawan

6 0 0
                                    

Nakatayo sa harap ng isang malaking larawan. Larawan ng dati nating pag-iibigan.

Sa pag tingin ko dito sa lumang larawan na 'to, ako pa rin ay nalilito kung pano at bakit humantong sa ganito.

Siguro'y hindi talaga tayo ang itinadhana. Hindi tayo ang dapat na magkasama.

Siguro'y ganon nga. Kung ganon nga, babatiin kita dahil sa may bago ka ng kasama at hindi ako.

Masayang magkasama, masayang nag-uusap, masayang nagyayakap.

Masaklap, ako ang nariyan dapat. Pero dahil nga hindi tayo sa isa't isa, kailangan kong tanggapin kahit ako'y nasasaktan pa rin.

Sa huling pagkakataon, tinignan ko ulit ang larawan na nasa harap ko. Ngumiti ako sabay tumalikod. Baka hindi ko na ulit ito makita, ano pa nga ba ang silbi nito kung wala na kami?

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon