Mga Alaala

1 0 0
                                    

Naalala mo ba yung panahong hawak natin ang kamay ng isa't isa na para bang tayo lang dalawa.

Napapangiti ako tuwing naaalala ko iyon.

Naaalala mo rin ba yung panahong nasa bahay ka at nanonood tayo ng nakakatakot?

Nag-away pa nga tayo kung itutuloy pa ba ang panonood dahil alam mong matatakutin ako.

Natatawa na lang ako tuwing naalala iyon.

Kasi ngayon, alam nating dalawang hindi na ulit mababalit iyon.

Sa kadahilanang may iba ka na. Sya na. Kayo na. Wala na. Apat na salitang nagpapadurog ng puso ko ng sobra.

Isang araw noong nagkita tayo, sinabi mong ayaw mo na. Nakakapagtaka. Nakakairita.

Bigla-bigla mo lang iyon sinabi at nung tatanungin ko pa lang kung bakit at paano ka nagsawa, umalis ka na lang bigla.

Nasa eskwelahan ako ng nakita kita sa may court, naglalaro ka ng basketball. Lalapitan sana kita ng may lumapit na iba. Nginitian at hinalikan mo sya.

Nagulat ako, parang kahapon lang ako yung nandoon at hindi sya. Ako yung nginingitian nya at hindi sya. Ako yung hinahalikan nya at hindi sya.

Ang bilis nga naman ng panahon. Nangako pa tayo sa isa't isa na magiging tayo sa huli pero tayong dalawa ay nagkamali.

Ngayon ako'y nakangiti habang iniisip ang masasayang alaala hindi na maibabalik pa.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon