Una

33 5 6
                                    

The Past

["Tara na nga kasi" aya sakin ni Ashville sa gym kung nasaan yung crush ko na volleyball player, si Xandre.

"Ano ba yan? Siyam na taon mo na siyang gusto, siyam na taon ka na ding ganyan". I can sense dismay in her voice.

Haahha since grade 1 kasi crush ko na si Xandre. Sino bang hindi? Bata pa lang si Xandre ay bakas na ang kagwapuhan sa kanyang matang lalong lumalalim dahil sa pagkalight brown nito. Matangos ang kanyang ilong. Mapupula naman ang kanyang labi na bumabagay sa kanyang morenong balat. Ngayon ay lalo pa siyang tumikas dahil sa laro niyang volleyball. Siya ata ang pinakabatang naging captain dito ng volleyball.

"Ash, may exam tayo o. Pag bumagsak tayo patay tayo kay mam chem" sabi ko sa kanya habang pinapakita yung notes ko sa chemistry. Mamaya pa namang hapon ang exam namin pero puro formulas kasi. Kanina ko pang hawak to pero di ko naman binabasa.

"KJ naman nito o. Ako na nga nagbo volunteer, ayaw pa mo?" Aniya. "Valentine's na Valentine's puro ka aral. Top 1 ka na nga sa buong school kahit di ka mag aral e. Wasn't it enough?" Dagdag niya sabay irap sakin.

"Si Xandre lang ba dahilan o may iba kang sisilayan?" Sabi ko sa kanya ng may ngisi sa aking labi. Namula ang kanyang mga pisngi. At naningkit lalo ang kanyang hugis almond na mata. Ngayon ko lang napansin na kahit 4'9 lang siya at 5'6 ako ay maganda din ang katawan niya. Tama lang para sa kanyang taas. Brown ang kanyang mga mata at kulot at itim na itim naman ang kanyang buhok. Half Filipino half Chinese si Ashville.

Natauhan ako sa aking kaisipan ng may tumamang bola sa ulo ko. Pag angat ko ng ulo ko ay pulang pula at parang estatwa si Ashville at nagsisisi akong sinundan ko ng tingin ang kanyang tingin. Nasa harap namin si Taylor at si Xandre na kahit basang basa ng pawis galing sa kanilang practice ay nangingibabaw pa din ang kanilang kakisigan at kagwapuhan.

"Ayos ka lang ba Meng?" Tanong sakin ng pinsan kong si Allendrie habang titig na titig ako sa nakaluhod na si Xandre sa harap ko. Napalunok ako. Bakit ang lapit niya masyado sakin? Naamoy ko na ang kanyang hininga. Mainit ito at mabango. Gumising ka nga Melissa.

"Messy, masakit ba? Saan ba kita natamaan?" Sa puso Xandre. Sa puso. "Ah okay lang ako. Ha. Ha. Ha." Sagot ko sa kanya sabay alis sa harap niya. Aalis na sana ako sa bench pero hinawakan niya ang aking kamay at kinulong niya ako sa kanyang yakap. Mahigpit ito. Nandilat ang mata ko at ng mga tao sa paligid ko. Si Ashville naman ay naiiyak na hindi maintindihan.

"Akin ka lang, pasensya na kung palagi kitang nasasaktan Messy" bulong niya sakin sabay kalas sa yakap sakin at panandalian akong hinalikan sa noo. Lumuhod siya at tinanong ako kung pwede ko ba siyang maging boyfriend. Umoo ako sa kadahilanang nadala ako ng bugso ng damdamin kong nakatago sa loob ng siyam na taon. Niyakap niya ako. Tama ba ang ginawa ko? Mali man o tama. Ang bagay na to ay haharapin ko]

Yan ang isa sa pinakamagandang bangungot na ayoko ng maalala. Hahaha. Natulo pa din ang luha ko kahit na tinatawanan ko na lang ito.

"Messy!!" Tawag sakin ng pinsan kong si Freancine. Kaya panandalian kong pinunasan ang aking luha.
Ako nga pala si Melissa Santos, 20 years old. Grade 9 ako nung nangyare yun.2nd year college na ako ngayon sa Andersaile University.At maniwala kayo sa hindi, mas matagal pa yung pagtatago ko ng feelings ko kesa sa naging relasyon namin. Ayoko na lang pag usapan. Hahaha.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya habang di inaalis ang mata ko sa aking librong binabasa.

"Patulong" sabi niya sakin habang ikinakaway sakin ang notebook niya sa Trigo.
"Ayoko" sabi ko sa kanya. Ngumuso siya at nag isip ng kapalit na sasabihin sakin

"Tea house tayo! My treat! Tapos boyhunt tayo. Para naman may boyfriend ka na!" Sabi niya sakin.

Sa amin kasing magpipinsan ako na lang daw yung walang kalandian. 4 years na nga naman yung nakalipas pero masakit pa din. Sobrang sakit pa din.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon