>Their comeback or her fightback
Dumating na yung gown ko at hindi ko alam ng ganito pala ang kalalabasan nito. Maganda siya.
At pulang pula.
"We are so excited to see you tonight" text ni Lee sakin
"I am excited to see you as well Lee :*" reply ko sa kanya"Hey kinakabahan kami kasi feeling namin sobrang ganda mo mamaya" Text ni Casey sakin
"Guys pinapakaba niyo ako" reply ko sa kanya
"Ate I hope everything will be fine for you tonight. So happy that you and kuya made up already. I love you that's the greatest gift I received today." Text ni anchi sakin
"Wag mo ako isipin anchi. This is your night. Steal it. Yeah I am so happy too. I love you as much. Enjoy your day gorgeous" reply ko sa kanya.
Naligo na ako pagkatapos ko ihanda ang mga gamit ko. Oo ako lang mag aayos sa sarili ko. May mga accessories na binigay samin si Anchi, iba iba siya para daw may sarili kaming gamit.
Pagkatapos ko maligo ay tinuyo ko na ang buhok ko at umupo sa harap ng vanity mirror ko. Nag ayos na ako ng mukha at tsaka inayos ang buhok ko. Nilagay ko na yung mga accessories at tsaka sinuot ang sapatos ko. 7:30 na pala. Sinuot ko na ang gown ko alam kong mahihirapan akong isarado ito kaya nilagyan ko ng yarn ang zipper. Hays mahirap din pala ang mag isa. Kinuha ko na ang bag na niregalo sakin nila Casey at nilagay dun ang wallet at phone ko. Tapos kinuha ko na ang regalo ko kay Anchi ng biglang may nagdoorbell. Ang aga naman ni Allen.
"Wow, I knew it you will look so gorgeous and stunning on it" bungad sakin ni Allen pagbukas ko ng pinto
"So ikaw pala yung anonymous fairy godmother ko? Thank you, Allen" sabi ko sa kanya
"Oo nagpasama pa ako kay Anchi nung pinagawa namin yan and magaling si Anchi dahil alam niya lahat ng vital stats mo. Shall we go?" Tanong sakin ni Allen habang inarko niya ang siko niya para kapitan ko.
"Yes, we shall!" Sabi ko sa kanya ng pumasok kami sa elevator, nasa 5th floor kasi ang aking condo unit.
Nakita ko na dala niya yung sasakyan niya. Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya.
"You look great tonight Allen" sabi ko sa kanya
"Don't I always?" Sabi niya ng may pag taas pa ng kilay niya
"Oo na. Palagi ka ng gwapo." Sabi ko sa kanya at sabay paandarniya ng sasakyan.
May entrance na magaganap. Lahat ng family ay sa may hagdan dadaan habang ang ibang bisita ay sa main entrance sa red carpet. So ayun pinaka last tatawagin si Anchi at ako muna bago siya.
Nagsisimula na. Hays bakit kaya nagpalate to si Allen
"I decided to be late so that everyone will appreciate your outer and inner beauty tonight" Allen said
Ang daming pakulo nito si Allen. Pumasok na kami at oo nakapasok na lahat ng bisita
"And tonight, let's witness the beautiful genes and family lines of our dear celebrant. Let's start with the parents. Please have Mrs. Andrea and Mr. Tirso Santos" tapos naglakad sila tito Tirso sa hagdan. Nung malapit na sila sa baba
"Mrs. Ariela and Mr. Alexcel Green"
tapos naglakad na sila sa hagdan"Mr. Carlito and Mrs. Cailey Lucas" wow ang ganda pa din ni tita Cailey. Nakakabata ba talaga sa Mexico? Hahaha
"And the parents of our dear debutant, please welcome Mrs. Nathalia and Mr. Francisco Paige" ang ganda talaga ni Tita Thalia mas maganda siya lalo sa long gown niyang divine blue and as always ang pinagmanahan ni Allen ng kakisigan si tito Francisco. Oo may lahi yung mga pinsan ko hahah. Kaya gwapo at magaganda sila. Sayang lang na hindi makakapunta si papa. He always miss this type of events just because my mother*cking mom is enslaving him. How I wish he is here. He deserves to spend time with true people not with some kind of a witch.