Hindi ko alam kung gano karaming luha pa ang kayang ilabas ng mga matang ‘to.
Ang alam ko lang, mugtong mugto na ito, at malapit nang maglabas ng dugo.
Hindi ko alam kung paano at bakit mo ginagawa sa akin ito,
Tratong parang di babae, tratong parang di mahal mo.
Kung maaaring ipunin mga luhang iniluha,
Marahil daig pa nito ang dagat timog tsina.
Lahat ng ito’y ibubuhos sa’yo
Para maramdaman mo ang lamig na nararanasan ko sa mga away na to.
Naalala ko dati, ika’y nangako.
“Hindi kita sasaktan, aking mahal ko.”
Ngunit ano itong ginagawa mo.
Halos araw araw ako’y pinaluluha mo.
Siguro nga ako rin ang mali dito,
Dahil sa sobrang martir ko, kinalimutan pati sarili ko.
Hinayaang ganituhin nang isang tulad mo.
Dahil sa tinatawag na pagmamahal, nagpakatanga ako.
BINABASA MO ANG
POETIC SIDE OF ME. :3
PoetryHoho. So naisipan ko na ding i-compile dito yung mga kakornihan ko sa tula. :3 sana makahakot ng reads, comments, votes, suggestions. :3 kahit ano. :D gusto ko lang din namang i-document yung mga personaly writings ko. :3 Sana magustuhan niyo! :3 R...