Ngayon ay FREE HUGS DAY.
Sinimulan ko sa..
“Free hugs day ngayon. E, mahug kaya kita.”
Pumunta sa eskwela. Nag antay ng makakasama.
Dumating pa isa isa, aking mga kasama.
Yinakap ko siya. Niyakap ko ung isa. Pati ung isa pa.
Naranasan ko ngayon, iba’t ibang uri ng hug.
May group hug. Comfy hug. Taken hug. At simpleng hug.
Babae. Lalaki. Guro at mga Estudyante.
Pati si Kuya guard. At mga passers by, nayakap ko.
Buong araw akong ganito. Yinayakap kahit sino.
Patapos na ang araw. nakuntento kaya ako?
Sa daan daang taong niyakap ko.
Isa ka ba dun?
Sa dinami dami ng taong nahagkan ko,
Asan ka ng panahong iyon.
Pilit nga ba tayong inilalayo ng tadhana.
O sadyang ayaw mong magpakita.
Anong silbi ng FREE HUGS DAY.
Kung sino pa ang gustong yakapin, siya pa ang wala.
Okay lang siguro.
May next year pa naman.
Sana sa susunod na taon,
Ika’y aking mahagkan.
Pero ano nga bang silbi ng FREE HUGS DAY.
Kahit araw arawin pa ito.
Kung sino ang kaylangan mo.
Siya pa ang wala sa piling mo.
BINABASA MO ANG
POETIC SIDE OF ME. :3
PoetryHoho. So naisipan ko na ding i-compile dito yung mga kakornihan ko sa tula. :3 sana makahakot ng reads, comments, votes, suggestions. :3 kahit ano. :D gusto ko lang din namang i-document yung mga personaly writings ko. :3 Sana magustuhan niyo! :3 R...