Sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo,
Ang mga ito’y pinapataba ang aking puso.
Ano mang liit o laki nang mga ito,
Bawat isa’y may puwang sa aking puso.
Siguro oras naman na para ako’y bumawi sa’yo,
Ibalik naman ang mabubuting gawin mo.
Ako naman na ang gagawa ng isang pabor para sa iyo,
At inaasahan kong matuwa kang tulad ng naramdaman ko.
At dumating na nga ang araw at ako’y tuwang tuwa,
Ngunit bakit ang reaksyon mo’y taliwas sa aking nadama.
Wala man lang pagpapahalagang nanggaling sa’yo,
Tanging lungkot at galit ang naging kapalit nito.
Pinagsisisihan kong magbigay utang na loob sa’yo,
Sana’y di na lang ipinadama ang nadarama ko.
Taliwas pala ito sa mga nararamdaman mo,
Nais ko lang namang maramdaman mo ang sayang naramdaman ko.
Hayaan na lang natin ito dahil sanay naman na ako,
Palipasin ito tulad ng bagyong nanggugulo.
Mahirap palang gumawa ng mabuti sa kapwa mo,
Ngayong alam ko na, ititigil ko na ang kahibangang ito.
asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm.
BINABASA MO ANG
POETIC SIDE OF ME. :3
PoetryHoho. So naisipan ko na ding i-compile dito yung mga kakornihan ko sa tula. :3 sana makahakot ng reads, comments, votes, suggestions. :3 kahit ano. :D gusto ko lang din namang i-document yung mga personaly writings ko. :3 Sana magustuhan niyo! :3 R...