Hindi ko wari maisip kung anong meron ka
Sa tuwing ika'y nakikita, titikom ang bibig ko't di makapagsasalita
Kahit na daanan mo lang ang isang ako
Pakiramdam ko abot ko na ang dulo ng mundo
Hindi naman kagwapuhan, di rin naman biniyayaan ng katalinuhan
Pero mahal kita, at yan ang aking nararamdman
Binihag mo ang aking puso dahil sa iyong bukal na kalooban
ang sarap sigurong isiping tayong dalawa ang nagmamahalan
Sa di inaasahang pagkakataon, napagtanto kong ika'y kaharap ko.
Nawala sa sarili dahil sa mapupungay na mata mo.
Mistula isang anghel na bumaba sa langit.
Na tila isang gantimpala na sa wakas ay aking nakamit.
Siguro ito na nga ang araw na aking pinakahihintay
Ang masabing, ikaw. ikaw at ako habangbuhay
Ang dating sa malayuan ko lang pinagmamasdan
Ngayon, ang aking mga kamay ay kanyang hagkan hagkan
Tunay ngang napakasarap magmahal
Lalo na kung sa isang tulad mo ako'y nahulog
Di bale nang matawag na hangal
Basta tayong dalawa, di mapaghihiwalay, tulad ng kidlat at kulog
Sabihin na nating ang sabaw na ng utak ko
Pero ang laman nito ay walang iba kundi ikaw lang mahal ko
At kahit punong puno na ng kakornihan ang mga pinagsasabi ko
Tandaan mo lahat ng ito'y para sa iyo, sinta ko
Pero sabi ko na nga ba, panaginip lang pala ito
Hanggang ngayon, ika'y aking pinapantasyahan pa rin
Sana'y mabigyang pansin ang nadarama ng puso kong ito para sayo
Kelan ba darating ang panahong magkrukrus ang landas natin?
BINABASA MO ANG
POETIC SIDE OF ME. :3
PoetryHoho. So naisipan ko na ding i-compile dito yung mga kakornihan ko sa tula. :3 sana makahakot ng reads, comments, votes, suggestions. :3 kahit ano. :D gusto ko lang din namang i-document yung mga personaly writings ko. :3 Sana magustuhan niyo! :3 R...