USELESS PIECE OF SHEET

19 0 0
                                    

Simula nung bumagyo, ikaw lang iniisip ko,

Sa paggising o pagtulog, ikaw lang laman nitong puso.

Hindi ko na alam ang gagawin, sa buhay kong ito,

Kelan ba titila ulang sagabal sa magandang pagkakataon ko?

Aanhin ang long vacation ko,

Kung nakakulang sa apat na sulok ng kwartong ito?

Aanhin ang long vacation na ito, 

Kung ang panahon nama’y kumokontra sayo?

Siguro nga mapaglaro ang tadhana,

Pilit tayong di pinagsasama.

Katulong pa nito ang panahon,

Upang mawalan tayo ng pagkakataon.

Kahit ganito ang sitwasyon,

Isiping lagi akong magbibigay proteksyon.

Wala man ako sa iyong tabi,

Nariyan lang ako sa puso mo lagi.

Tandaang hindi kita kinalimutan,

Ikaw lang magpakailanman.

Sa puso ko, ikaw lang ang laman,

At ang pag - ibig ko, sa’yo lang nakalaan.

POETIC SIDE OF ME. :3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon