Chapter 27 - Dinner Date

179 4 0
                                    

Guys..sorry now lang yung UD ko aa. May dinadamdam kasi si miSHAWTor eh. 

Ok..eto na po...on the spot...as usual.

Hope na magustuhan niyo. La pa ko sa katinuan ko eh T.T

TRY NIYO NGA TOH PAABUTIN NG 40-50 READS. MAGKAKARON NG POV NILA ZACH AT JL.

GAME?!

------------------------------

Sophia's POV

"Bheeeeeeeeeext!" sigaw ni Naomi habang patakbong lumalapit sakin

Andito ako sa kwarto ko ngayon. Nagbabasa ng libro.

"Oh bakit? May nangyari ba?" tanong ko

"Wala naman. Tara, may pupuntahan tayo."

"Huh? San naman?"

"Basta Bhext! Wag ka nang matanong."

Hinihila niya ko.

"Teka bhext! Di ako nakaayos."

"Okay na yan. It doesn't matter naman. Magjacket ka na lang."

Kinuha ko ang hoodie ko.

At ayun. Kinalakadkad na ko ni Bhext palabas ng kwarto ko, pababa at palabas ng bahay. 

It's 8pm. Naglalakad lang kami.

"San ba tayo pupunta? Anong oras na eh." tanong ko

"Basta. Talikod ka." andito na kami sa park.. at....pinapatalikod niya ko???

Ako naman, tumalikod nga. Hehe.

Bigla kong naramdaman ang pagblind fold sakin.

"Uy Bhext! Anong ginagawa mo?!" 

"Wag kang malikot. Basta! Wag na kasing matanong."

Nanahimik na ko. Tapos namalayan kong inaalalayan niya ko sa paglalakad.

Naramdaman kong tumigil na kami sa paglalakad. At parang wala na sa tabi ko si Naomi.

"Bhext?" sabi ko ng mahina

Walang nasagot

"Bhext!" yan nilakasan ko na. 

Wala pa rin

"Naku bhext aa! Wag mo kong bibiruin ng ganto! Lagot ka sakin!"

Bigla akong nakarinig ng tugtog. Hmmm....Violin?? 

Tapos may nararamdaman akong papalapit sa likuran ko.

Tinatanggal niya ang blind fold ko.

Pagkatanggal at pagkamulat ko...........

Nakakita ako ng candle-lit table for two sa may ilalim ng puno. Yung puno, may mga parang christmas light pero di siya colorful aa. 

Parang may pagka-dilaw ang ilaw.

Sa tabi nung table, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo at nagpapatugtog ng violin.

"So.....uhmm......surprise?" 

Napalingon ako sa nagsalita. 

I saw JL standing behind me.

"JL...." sabi ko at niyakap ko siya. I don't know, bigla na lang. Haha.

Nung kumalas ako sa pagkayakap, inaya niya akong umupo.

"Para san toh?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin.

"A date? A dinner date I made." sabi niya

Aww. how sweet :"> 

Lumapit yung parang waiter samin. Siya yung nagvviolin kanina.

Nilagyan ng wine yung mga baso namin tapos tinanggal yung takip ng pagkain namin.

Habang nakain, nagkkwentuhan lang kami. Parang getting to know each other ang peg. Haha.

After nun,

tumugtog na naman ang violin..

Tumayo si JL at pumunta sa gilid ko, "May I have this dance?"

"Of course you may" I answered with a smile.

Sumayaw kami. Magkayakap ang dating namin.

Sumasabay lang kami sa tugtog.

Gosh! Di ko alam pero I'm really in love with this guy.

Namalayan kong lumuhod siya sa harap ko. Na ikinagulat ko.

"Uhmm JL? Bakit ka nakaluhod diyan?"

"Sophia Francezca Lee...." sabi niya habang nakaluhod, hawak-hawak ang dalawang kamay ko at nakatingin lang diretso sa mata ko.

"Will you be my girlfriend?"

---------------------------

Ansaya lang diba?! Hehe.

Am I mean?! Sorry kung bitin!

Sleepy na si mishawtor eh. Bukas ulit. Amwuah!

Good Night!

(TRY NIYO NGA TOH PAABUTIN NG 40-50 READS. MAGKAKARON NG POV NILA ZACH AT JL.

GAME?!)

Meaning of Love: Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon