Chapter 11

192 5 0
                                    

Sorry natagaln po. Hehe. Sinusulit lang po ang bakasyon. Waaaaaaaaah! Mukhang lalong babagal ang pagu-UD ko. T.T Bahala na.

--------------

Sophie's POV

Grabe 'tong araw na toh. 

Kami ba tinadhana sa isa't isa? Pano na si JL?

Arrgh! Ano ba yang iniisip mo Sophie. Tinadhana? Nagkataon lang na naging magkatapat-nahay kayo. At si JL? Bakit kayo ba? 

Yan, nagtatalo na naman ang isipan ko. Haaaay.

Pero bakit parang kanina, may something akward akong naramdaman. Di ko ma-explain eh. Nung nakita ko siya, para bang ang init na kinakabahan ako? Ay ewan!

(Kinabukasan)

Maaga akong nagising ngayon. Heto ako, ready for school na.

Papasok na ko. Sana maging maganda 'tong araw na toh.

Nagpaalam na ko kay Stella na nakain pa. Di na ko nagpahatid kay Mang Lucas, trip ko maglakad. Hehe. Sama ka?

Paglabas ko, bumungad agad sakin ang gwapong nilalang, este, si Duling. Alam na.

Kalalabas lang din niya ng bahay nila. Nagkatinginan pa kami. Syempre umiwas agad ako at nagmadaling maglakad.

Ewan ko ba at ang init ng dugo ko sa kanya. Ang tagal na naman since nung nagkabanggaan kami. Hmm. 

"Hoy! Bangga girl!"

Aga-aga, makasigaw, at makapang-asar, WAGAS!

Hindi ko siya pinansin, instead, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Ui! Bangga Girl!"

This time, tumigil ako at nilingon ko siya. 

"May pangalan ako! Tsaka bakit mo ba ko tinatawag?!" inis kong sabi

"Sabay tayo pumasok. Sige na! Bago lang ako dito oh."

"Oh ano naman?! Ang laki laki mo na eh! Tss"

Tumalikod na ko sa kanya at naglakad na. Maya-maya, may umakbay sakin. 

"Tara na nga Babes! Pakipot ka pa eh!"

"Tigilan mo nga ako! Babes ka jan! Ewww!" sabi ko habang tinatanggal yung kamay niya

"Sungit natin Bhext ah!" may nagsalita sa likod namin.

Napatingin kami ni Zach sa likod namin at nakita namin sila Naomi at JL.

"Good Morning" bati ni JL

"Good Morning din." sabi ko :">

"Bakit ang sungit mo naman bhext? Aga-aga eh" Naomi

"Eh kasi siya. Ang kulit kulit!" sabi ko habang tinuturo si Zach

"Pano, ang sungit sakin niyan. Nakikipagbati na nga ako eh *pout*" sabi naman ni Zach

"Tama na nga yan." sabi samin ni JL. "Pre, di bagay sayo. Haha." sabi niya kay Zach tapos tingin samin. "Tara! Pasok na tayo!"

Habang naglalakad...

"Teka nga. Diba Zach taga-Las Piñas? Bakit ka nandito? Sinundo mo ba si Sophie? May hindi ba kami nalalaman?"

Grabe toh si Bhext. Sunod-sunod ang tanong. Hahaha.

Napatingin ako kay JL.. Parang nag-iba expression ng mukha niya dahil sa tanong ni Naomi. Hmm. Di kaya.........??

Assuming lang ako. Hihi.

Meaning of Love: Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon