Chapter 49 - A Duet With Naomi (Part 2)

148 3 0
                                    

Eto na po yung katuloy.

---------------------

Naglakad na lang ako papuntang plaza. Pagdating ko dun, wala pa mga kabanda ko. Pero nandun na sila Yuri at Naomi.

"Naomi. Tara! Punta na tayo ng office." sabi ko

"Uhmm, pwede ba sumama?" tanong ni Yuri

"Oo naman. Tara!" sabi ko

Pagkarating namin ng office, nakaupo si Mr. Dela Cruz. May kausap sa phone. After niyang makipag-usap,

"Uhmm, Mr. Dela Cruz, eto po si Naomi. Siya po napili kong makakaduet ko. Maganda po boses niya." sabi ko

"Hello po." bati ni Naomi

"Oh sige. Maghanda na kayo. Buo na ba kayong ZeeFive?" 

"Hindi pa po. Tawagan ko po sila."

"Sige. Yung duet niyo.....hmmmm.....First and last performance. Okay?"

"Okay po." at lumabas na kami 

"Sabi sayo eh. Okay kay Mr. Dela Cruz eh." sabi ko kay Naomi paglabas namin

"Oh diba Bezzie! Kaw pa!" tuwang sabi ni Yuri

"Hehe. Thank you." --Naomi

Bumili kami ng makakain muna at umupo sa may gilid ng stage.

"Ahm Zach, wala pa ba si Zaki?" biglang tanong ni Yuri. 

"Hoy, Bezzie. Kaw ah. May hindi ka sinasabi sakin?" -Naomi

"Huh? Tinatanong ko lang kung wala pa ba si Zaki eh. Kung ano ano na iniisip mo?" --Yuri

"Haha. Kulit niyong dalawa. Wala pa eh. Parating na daw sila." sabi ko

"Tagal naman." rinig kong bulong ni Yuri

Napatingin ako sa may paradahan ng kotse at nakita ko mga kabanda ko.

"Oh ayan na pala sila eh." sabi ko habang tinuturo ko sila

"Hala! Maayos ba ko tignan? Tsk. Wait lang." Natatarantang tanong ni Yuri

"Hahaha. Kaw ah." asar ko kay Yuri 

"Hi guys!" bati samin ni Zuriel

"Uy!" - Zebb

"Hello!" - Ziggy

"Hi guys.....Hi Yuri!" bati naman ni Zaki..at may special mention pa huh. Smell something eh? Napatingin naman ako kay Yuri, at kita mong namumula siya. Hahaha.

"Hoy! Anong meron sa inyo ha?!" biglang tanong ni Naomi

"Huh? Bezzie......ano ka ba? Wala noh!" sabi ni Yuri. Tch. Denial....

"Oh, kumpleto na pala kayo. Maghanda na kayo. Madami-dami na din yung tao oh." Biglang singit naman ni Mr. Dela Cruz. Sabay turo sa may gitna ng plaza kung saan andun din ang stage. Tapos tumingin samin ni Naomi. "Remember, first anng duet performance niyo, Zach and Naomi, ah." Lagi na lang nasulpot toh. Tsk.

"Opo Mr. Dela Cruz." sabay-sabay naming sabi. 

At yun, pumunta na kami sa stage. Dahil sa duet muna kami Naomi, umupo muna sa gilid sila Zaki, Yuri, Ziggy at Zuriel. Si Zebb ang maggigitara para samin.

Ang kakantahin namin ay ang Lucky ni Jason Mraz at Colbie Callait.

Nagstart na kami kumanta. Nakikikanta naman samin yung mga audince. Buti naman at nagustuhan nila. May mga naghihiyawan pa nga eh. Haha.

Napapansin kong dumadami na yung tao. Galing. Lakas makahakot ni Naomi ah. Pero may humagip sa mata ko...........

And it broke my heart.............

Meaning of Love: Destiny (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon