IPT ~ 9

173 9 1
                                    

Ininom ko ang tubig na inabot sa akin ni Matt, Humihikbi parin ako kahit hindi na ako naiyak. I dreamt of it again. Kinukuha na ng anak ko ang lolo nya. Hindi ko talaga matanggap na patay na ang Daddy ko at naiinis ako dahil hanggang sa pagkamatay nya ay wala padin ako. Nakaka-galit at sakit sa puso. He died na nagtatago padin sa akin. Naisip nya kaya ako noong mga huling hininga nya. Arggh!

I brushed Matt's hair na nakatulog na sa pagpapa tahan sa akin. Magkatabi kami sa higaan nya at bahagya akong umupo para makita ko ang mukha nya. Im so lucky having him. Nandyan sya palagi para sa akin, mula nuong umalis si daddy sya ang unang nandyan para sa akin. Kapag nag-aaway kami ni Allen nandyan sya para sa akin. Nuong nag-propose si Allen sa akin nandoon sya para suportahan ang kahit na anong desisyon ko. Nuong araw ng kasal naroon sya para saluhin ako sa pagbagsak ko. Nuong aksidente naroon sya para bantayan ako. Nuong muntik ko nang bawiin ang sarili kong buhay naroon sya para sampalin ako mula sa aking pagka hibang.

I dont deserve him but I need him. I can't imagine my life without him anymore. I love him, I love my bestfriend. And I know how selfish I am.

Marahan akong tumayo at lumabas ng kwarto niya. Pumunta ako sa kwarto ko at napa-iling nalang sa sirang pinto. Kahit kailan ay padalos-dalos si Allen. Kinuha ko ang aking Jacket at lumabas ng hotel para magpa-hangin. Alam kong dis-oras na ngayon kaya mas maganda dahil gusto kong mapag-isa. Pumunta ako sa may swimming pool area at umupo sa may pool side para ibabad ang mga paa ko.

"Ashleyy..." I gasped ng biglang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"A-allen..." I didn't expect na gising pa sya. Pero ng maamoy kong amoy alak sya ay napangiwi ako. He is drunk and Im sitting here in front of him wearing only my pajama shorts and flimsy sando na salamat sa diyos ay natatakpan ng suot kong jacket.

"I love you so much, please ako nalang ulit." Hinarap nya ako sa kanya at marahas na hinalikan. Dahilan para itulak ko sya ng malakas at dali-dali akong tumayo.

"You're drunk Allen, get a sleep and rest." Mahinahon kong sabi habang pinupunasan ang labi ko. Naisip ko bigla si Matt, kung narito sya ay baka nasapak nya si Allen ngayon... Get a Grip Ash! Wala si Matt ngayon at matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa! My payback. My revenge.

"No Ash, oo naka-inom ako but I'm sober alam ko an ginagawa ko." He smirked.

"Bakit Ash? Ano ba talagang nangyayari? Sobrang naguguluhan na ako." Napahilamos sya sa kanyang mukha habang ako ay blankong nakatingin sa kanya. Bakit naawa ako sa kanya? Dapat hindi diba?

"It was like I dont know you anymore where infact I am once." dagdag nya.

"I just hate you so much Allen. Hate you so freaking much!" Madiin kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Napatingala sya sa akin at nakita ko ang lungkot at hinanakit sa mga mata nya.

"Im sorry Ash! If this is still all about our wedding Im so sorry. I got cold feet, kkinabahan ako. I thought I am ready pero hindi pa pala but now Ash I promise you I am ready. Im now ready to love you forever. Please Ash forgive me." Parang tinusok ang puso ko. Eto ba ang gusto kong marinig? Nasasaktan ako para kay Allen pero mas nangingibabaw ang galit ko para sa kanya.

"It's Payback Time" by Star_Loves_MangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon