Sa pag-apak ko sa aking buhay,
hindi ko alam ang aking gagawin.
Sa pag-apak sa lugar na walang kulay,
ako lang ang tanging kapansin-pansin.
Sa aking paglakbay dito,
nilalabas ko ang aking iniisip.
Masasayang ala-alang nasa aking puso,
inilalabas sa kwartong napakasikip.
Sa tuwing sumapit ang umaga,
walang araw na makikita;
walang ilaw na masisilayan.
Ngunit alam ko kung ano ang paraan.
Matagal pa ang umaga,
at kailangan ko ng mag-umpisa.
Mga masasayang ala-ala,
muling ilalabas at madadama.
Makukulay na ngiti,
pagkislap ng matang hindi pilit.
Magagandang tanawin,
ito'y dahil sa akin.
