7'

30 4 1
                                    

"Bakit kaya tayo iniiwan ng taong mga mahal natin?" narinig kong tanong ng katabi ko.

Bahagya akong napalingon sa katabi ko. Kahit side view, maganda talaga tong nilalang na ito.

I remember the first time I saw her yesterday.

Her beauty is standing out in the camp. Singkit ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at natural na mapupula ang labi. Pero higit sa lahat, iyong awra niya talaga ang pupukaw sa atensyon niyo, may pagka snob kase ang dating niya. But yeah, looks can be really deceiving. Kase ang totoo, masyado siyang friendly para sa itsura niya.

Kahapon lang kami nagkakilala pero halos naikwento niya na ang buong buhay niya.

Nandito siya kasi pilit niyang kinakalimutan iyong tarantado niyang boyfriend na pinagpalit siya sa iba.

Samantalang ako, I only gave 'lil yet important details why I got here.

I still don't know her real name dahil sa rules ng 5-day na camp na 'to basta siya ang buddy ko dito. 

B1 and B2. That's us, here.

Siya si B1.
Ako si B2.
Siya si Brukin 1.
Ako si Brukin 2.

Nakasalampak kami sa damuhan, tinatanaw niya ang mabituin na kalangitan, samantalang ako, bahagyang tanaw siya.

Bakit nga ba? I turned my gaze on the night sky.

I remembered Jace.

"Baka dahil hindi nila tayo mahal.." I paused.

I love you. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw pa lang ang minahal ko, Cayle.

"O baka mahal nila tayo... pero hindi sapat iyong pagmamahal nila.... para manatili sila."

I smiled.

"Ang sakit nun a." she commented.

"Sa una lang, pero kapag nagtagal.. unti-unti ring mawawala yung sakit. Trust me." I gave her a reassuring smile.

Mahabang katahimikan. Then, we saw a shooting star.

"Uy shooting star, nagwish ka?" tanong niya sa akin, may excitement sa tono niya.

"Hindi." I answered, plainly.

"Ay grabe, bakit hindi?" nagtatakang tanong niya.

"I'm done believing that wishes on a shooting star do come true."

"Bitter lang 'te?"

"Better." I corrected her.

"Hm."

Ang ganda talaga ng langit.

"Hindi mo man lang ba hiniling na sana bumalik siya?" mamaya ay basag niyang muli sa katahimikan. Bahagya akong humarap sa kanya bago sumagot.

"Hindi nga ako nag wish diba. Ikaw ba? Siguro, humiling ka no? Siguro, sabi mo. 'Sana bumalik po siya. Pleaseee." sagot ko, habang ginagaya ang tono niya sa pagsadalita.

"Oy grabe ka sa please a. Hmp!" she pouted her lips. I just smiled at her with that gesture. "Pero honestly yes, mahal na mahal ko e."

Napailing ako.

"He's one lucky jerk to be loved by you." I commented.

"Ikaw ba?" tanong niya.

"Anong ako?"

"Mahal na mahal mo?"

Napaisip ako saglit sa tanong niya.

"Hm. Noon."

"Ngayon? Hindi na?"

"Mahal na ma- na lang."

She chuckled.

"Namimiss mo pa no?" tanong niya ulit. Hindi talaga natatapos magtanong ang isang to e no.

"Yep." tipid kong sagot.

"So kapag bumalik siya tapos humingi ng second chance na you know, fix things between the two of you, bibigyan mo pa ng chance?"

"Kung mahal ko pa siya, why not?"

"Ang martyr mo dyan a."

"Wow ha? Look who's talking." komento ko at tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa siya.

"Ganun naman 'di ba? Love will always be worth the martyrdom. So I'll accept her regardless of the reasons kung bakit niya ako iniwan sa ere. Tatanggapin ko siya at magsisimula ulit."

Tumango siya, agreeing.

"Pero sana bumalik siya habang mahal ko pa siya kase kung hindi ko na, I have no choice but to break a heart on her return."

"For sure."

"Na kung ganun lang rin, sana huwag nang mangyari pa. Tama na yung ako yung nagsuffer between the two of us."

Tumango ulit siya.

"So why are you really here?" tanong niya ulit.

"Ikaw ba?" balik tanong ko muna.

"To naman, ikaw tinatanong ko tapos sasagutin mo lang rin ako ng tanong." pinaningkitan niya ako ng mata.

"Sige na, ikaw muna ang sumagot."

"Sige na nga." napatingin siya sa kalangitan ulit. "Sabi ko naman sa intro ko, to forget him diba? Pero hindi ko alam e. I mean, I'm not sure. Mahal na mahal ko siya e, kahit na sobrang sakit nung ginawa niya, siya pa rin e. Parang siya lang yung kaya kong mahalin." Then she looked at me. "So siguro, I'm just really here to meet broken people like me, to remind me I'm not only the one suffering from a brokenheart, B2. Yun pa lang ang kaya kong iproseso ngayon."

I smiled at her, letting her know that I understand. Totoo.

"So ikaw?"

"I told you na mahal na ma- ko pa siya diba? But I'm actually here to restart my life. This is one of the steps I have to take para maging buo ako, not because it's something I have to do for anyone, but for myself. Sa ganoong paraan, alam kong magiging masaya ako."

"At isa pa, I'm gonna work on being the right one so that when that fated one for me finally comes in my storyline, I know I deserve true love and bravery, in return."

We smiled at each other and both gazed back at the starry night sky.

--

"We can be travel buddies. Excited na ako sa next na travel camp!" sabi ni B1 when finally natapos na rin ang camp namin. Grabe sobrang pagod ako.

"Yoko, baka kulelat na naman tayo." I pouted at her, but deep inside, I'm just teasing her. Kahit totoo naman, halos kulelat kami sa activities, I still enjoyed being with her.

"Grabe ka naman sa akin." may himig pagtatampo na sabi niya.

"Joke lang. To naman." sabay kurot ko sa pisngi niya. It's her turn naman to pout her lips. "Uy, smile na. Sure we can be travel bods, pero yung wala nang masyadong activities na alam nating madadapa ka lang a?" biro ko sa kanya.

Hinampas niya ang braso ko. Tinawanan ko lang siya. Lampa kase siya e.

"Yannah." and she offfered her hand na ilang beses ko nang nahawakan sa buong duration ng travel camp.

Without hesitation, I took a hold on it.

"Cayle."

"Friends." sabay naming sabi.

The Greatest Stand After The Deepest FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon