AUTHOR: hadelic
"Bakit ba? May sarili ka namang buhay ah?! Why would you care for me! Ikaw na rin ang nagsabing pasakit ako ng ulo sa'yo!" Naiirita kong sabi sa kanya.Nakatitig lang siyang tahimik sa akin."Ano?! Tapos nakatunganga ka lang dyan?! Sige isumbong mo ako kay Papa! Samahan pa kita e!" Irita kong tugon.Nilingon ko ulit siya at nakita ko na naman ang nakakalunod niyang titig."Ayy tangina naman, Xeus! Tititigan mo lang ba ako! Anak ng! Bahala ka nga sa bu--Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin at siilin ng halik sa labi.Mapungay ang mata ng humiwalay siya sa akin."Because you are mine. Kaya may pakialam ako sa'yo. And now, you're marked by Xeus Caled Del Valle. Meaning, wala ng ibang lalaki sa buhay mo kundi ako lang. Naiintindihan mo ba?"