♕Chapter 3: Meeting Her♕

14 4 0
                                    

"A-ano kamo, pre?" Tanong ko ulit kay Kankuro para masiguradong pangalan nga ng kapatid ko ang binaggit niya.

"Shiro pre. Yun yung pinaguusapan nila."

Nalukot yung mukha ko at nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka kung bakit nila pinaguusapan ang kapatid ko. Siya nga ba talaga ang pinag uusapan o kapangalan niya lang? Nakalabas na ako ng building ng college pero yun at yun parin ang iniisip ko. Ano naman kung si Shiro nga ang pinag-uusapan nila? Paano nila nakilala si Shiro? Anong kinalaman ni Shiro sa pinaguusapan nila? At anong balak nila sa kapatid ko? Sa sobrang kakaisip ko hindi ko na namalayan na may nabunggo na pala akong babae na nakatalikod sa akin.

"S-sorry.." Humarap yung babae sa akin tapos saka ko lang napagtanto na yung nakabunggo ko ay yung babaeng kamukha ni Snow White doon sa may lower quad. Pero mukhang hindi na niya kasama yung mga taga ibang school.

"Okay lang.." Sagot niya pero seryoso pa din yung ekspresyon niya. Sa hitsura niya, para bang ang lungkot lungkot niya tapos ewan ko, para bang may pinagdadaanan siyang mas malala pa kesa sa akin. May problema kaya? Tsaka ang confident ng pagsasalita niya ng lengguwaheng Hapon. Japanese din ba siya? Pero mukhang galing ibang bansa eh.

"Ketsueki.." Sabi niya bigla.

"H-ha?"

"Ketsueki ang pangalan mo." Tinuro niya yung pin I.D. ko na nakasabit sa kaliwang dibdib ng uniform ko. Humawak ako sa batok ko kasi saka ko lang nalaman na may I.D. pala ako eh nagtataka pa ako.

"Ah.. Oo. Eh, i-ikaw?" Medyo utal ako magsalita kasi parang kinabahan ako? Hindi ko din alam eh, pero simula nung tinuro niya yung dibdib ko bigla akong kinabahan na parang magrereport ako sa harap ni Juuzo.

"Geom Eun."

Kumunot yung noo ko kasi nanibago ako sa pangalan niya. Geom Eun ang pangalan niya. Parang ngayon ko lang narinig yung ganiyang pangalan? Tsaka anong ibig sabihin nun? Japanese ba yun?

"Korean."

Halos malanghap ko lahat ng amoy sa gulat nung sinagot niya yung tanong ko sa isip. Mga pre! Sinagot niya yung tanong ko mula isip! Hanep!

"P-pano-"

"Ibig sabihin nun ay Black."

Wtf?!

"Ah.. Pero paano mo nalaman na.."

"Prophecy." Sagot niya sa akin kahit hindi pa ako tapos magsalita. Ang galing naman nito. Pero ano yung..

"Nakikita ko ang future. Yun ang ibig sabihin nun."

Grabe! Natu-turn on ako ah! Ang talino at gifted naman pala itong si... Si Geom Eun! Ang ganda ganda pa tapos sobrang kinis na parang kamatis. Hindi na talaga makakailang malo-love at first sight ka! Parang prinsesa na yung kausap ko tsaka manghuhulang diyosa. Hindi ko tuloy napigilang ngumiti ng malapad na parang bata na binigyan ng pasalubong.

"Talaga? Sa teleserye lang ako nakakakita ng ganun! Totoo pala ang prophecy? Tsaka mukhang matalino ka talaga. Anong grade mo na?"

Halos sampung segundo siyang nakatitig sa akin. Sa mata pababa sa labi at sa labi pataas ulit sa mata. May problema ba sa sinabi ko? Baka naman hindi siya sanay na may kumausap sa kaniya na tulad ko? Medyo nahiya naman ako sa mga naisip ko. Napaka ingay ko nga yata para sa tahimik na aura ng babaeng ito.

"F-first year c-college.." Sabi niya ng utal tapos nahihiya. Pero teka.. namumula ba yung pisngi niya? Hindi ko masyadong nakita yung ekspresyon na mukha ngang namula kasi yumuko siya tapos humarang yung itim niyang buhok na full bangs. Pero ano daw? First Year College?!

"Talaga? Ang bata mo naman tignan! Akala ko Junior High ka palang, mga bandang.. grade 8th?" Di makapaniwalang sabi ko.

Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Ganun parin yung ekspresyon niya, parang mas lalo pa nga siyang gulat kesa sa akin eh. Maya-maya ay ngumiti siya ng pilyo pero mukhang ayaw niyang ipakita. Ipinagtaka ko naman kung bakit nahihiya siyang ipakita yung ngiti niya. Mas lalo kayang gumaganda at gumagwapo kapag nakangiti. Pramis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE POWER OF REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon