♕Chapter 1: Ketsueki♕

23 3 0
                                    

Name: Ketsueki Koizumi (血液 小泉)
Section: C-3
Mana: 37%
Level: Wolf
Rank: B class
Country: Japan

♕♕♕

Anim na taon na ang nakalipas pero hindi ko parin naibabalik si Shiro. Hindi ko parin alam kung saan siya tinago at ang mas masakit sa ulo, hindi ko alam kung sinasaktan siya ng mga hayop na yun.

Nasa roof top ako ng building ng College habang nagmemeditate para makaisip ng mga paraan. Pero hindi ko magawang mag concentrate kasi iniisip ko parin si Shiro. Siya nalang ang nagiisang pamilya ko na buhay. Pero hanggang sa kaniya, hindi ko parin nagawang iligtas siya. Namatay ang mga magulang at ibang kapatid ko dahil din sa akin. Nasa malayo ako nung nawala sila. Sinisisi ko ang sarili noon pa man kahit sobrang bata palang ako, lalo na't pati si Shiro.

Masyado akong mahina, lampa at walang kuwenta. Naging pulubi ako simula nang mawasak ang buong lugar na tinitirahan ko. Naglakad ako ng ilang araw marating lang ang kabilang bayan. Sa kabutihang palad, tinulungan ako ng isang matandang nagmamay ari ng tatlong baka. Pero isang taon lang ako nagtagal sa kaniya, naisip kong magaral at magpalakas para maging kapalit ng lahat ng tulong sa akin ng matanda, at para narin maibalik si Shiro.

"Ketsueki.."

(Name: Kankuro Tsunekazu (間苦労 常数)
Section: C-3
Mana: 58%
Level: Demon
Rank: A class
Country: Japan)


Nawala sa isipan ko ang mga nakaraan nung tawagin ako ni Kankuro. Isa siya sa mga magagaling sa paggamit ng espada, malalakas din ang mga skills niya at ang level niya ay mas higit pa sakin.

"Hmm.." Sabi ko pero nakapikit padin. Napakalaking istorbo talaga neto.

"Klase na. Mamaya na yan." Kinalabit niya ako kaya napadilat ako. Tinignan ko siya ng masama habang siya naman ay normal lang na nakatingin sa akin.

"Susunod na ako." Bumuntong hininga siya saka iniwan ako sa roof top. Tahimik kasi dito sa rooftop kaya dito ako madalas na nagme-meditate. Tsaka ang peaceful tignan ng mga building, bahay at higit sa lahat, yung napakaklarong kulay asul na langit.

Nang makaalis siya, yung mga daliri kong nakaayos pang-meditate ay naikuyom ko sa galit.

Sinigaw ko sa isipan ko ang mga bagay na makapagmo-motiba sa akin.

Kailangan kong lumakas. Kailangan kong iligtas si Shiro, magbabayad sila sa lahat ng ginawa nila. Pinatay nila lahat pati ang mga kababayan ko. Papatayin ko rin sila gaya ng ginawa nila sa magulang ko.

Magbabayad sila.

♕♕♕

"Lakas pa!"

"Argh!"

Halos magkapalitan kami ng sigaw ng guro ko na si Juuzo-sensei kasi kanina niya pa ako sinusuway at pinagagalitan habang nakikipaglaban.

(Name: Juuzo Yoshiaki (従属 義明)
Section: ---
Mana: 75%
Level: Dragon
Rank: S class
Country: Japan)

Halos kalahating oras na akong nakikipaglaban sa kaibigan kong si Hiro.

(Name: Hiro Hisatsugu (博久次ぐ)
Section: A-1 President
Mana: 65%
Level: Demon
Rank: A class
Country: Japan)

Siya palagi ang tinatapat sa akin ni Juuzo-sensei dahil may halos magkaparehas kaming kapangyarihan. Pero gaya rin siya ni Kankuro na mas mataas ang skills at level. Malaking blade na parang hugis nine-tail fox ang kaniya habang nagiitim ang isang mata. Ako naman ay pulang dragon na nagaapoy. Minsan ay nilalabas ko ang dragon sa kamay para lumakas ang panuntok at kadalasan ay ginagamit bilang espada.

THE POWER OF REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon