Chapter 7: The One Who Crossed the Road

898 35 26
                                    

CHAPTER 7

NAWALA ang sakit ng ulo ko. pero kasabay nun ang pagtunog ng cellphone ko. Nawala na rin kasi ang natitirang pula sa icon ng battery sa sulok ng screen.

"Dahan-dahan!" sabi ni Enchong na nakahawak pa sa ulo niyang mukhang sumasakit din.

Hindi ko siya pinansin. Bumaba ako ng tree house. Nagmamadali.

At nagsisi akong hindi ko siya sinunod. Mula sa isang baitang ng hagdan, dumulas ang paa ko at tuluyan akong nahulog. Malakas ang pagkakabagsak ko na napalingon ang mga nagsu-swimming sa binagsakan ko. Nagtawanan sila.

NAgtawanan din ang mgaTita kong napatingin din. Kasama nila si Mama. Iba si Mama sa dalawa. Walang ngiti si Mama. Natakot ako. Hindi lang kasi tumatawa ang mga kamag-anak ko sa akin dahil nalaglag ako. Brief lang kasi ang suot ko.

Tumingin sa itaas si Mama. Napatingin din ako. Nakasilip sa itaas, sa tree house si Enchong. Hubad din.

"Naiwan mo ang shorts mo," sabi ni Enchong na tumatawa. "Sinabi na kasing dahan-dahan!"

Tumawa na lang ako. Nakitawa sa pagtawa ng lahat. Kunwari wala akong iniisip na dapat ikatakot. Pinaniwala ko ang sarili ko na iniisip ko na lang ang iniisip nila. Hindi ang iniisip ni Mama. Pero bakit nga ba brief lang ang suot ko?

Isinuot ko agad ang shorts na binigay ni Enchong pagkatayo ko. tapos ay marahan akong naglakad na nakangiti pa rin.

Malapit na ako sa pool nang dukwangin ni Enchong ang braso ko at bumulong.

"Leave your phone," sabi niya.

Binitawan ko ang phone ko na nalaglag sa damuhang nakapaligid sa pool. Tapos ay hinila ako ni Enchong papunta sa pool. Lakas ng tawa niya.

"Gago ka, Chong!" sabi kong tumatawa bago ko kunin ang ulo niya at ilublob pailalim sa pool. Lalong lumakas ang tawa ng iba naming mga pinsan.

"Bobo mo, eh," sabi ni Enchong.

"Oo nga," sabi ng isa ko pang pinsan. "Hubad ka tuloy."

"Michael Joe," sigaw ni Mama. "Fix yourself. Magla-lunch na tayo in a while."

Ayan na naman ang pangmayamang impit na boses ni Mama. Kahit natatawa ako, umahon na ako at naglakad papasok sa mansion.

"Phone mo, Kel," sabi ni Enchong. "May re-reply-an ka pa."

Tumaas ang kilay ni Mama. Hindi ko alam kung dahil sa may re-reply-an ako. O dahil tinawag akong Kel.

Pagkabanlaw sa loob ng banyo sa kwarto ni Papa, lumabas ako ng kwarto. Binalikan ko ang telepono ko. wala pang fifteen percent, kaya't hindi ko muna binuksan. Nagpunas ako ng katawan at nagbrief at shorts.

Pumasok si Mama sa gitna ng pagbibihis ko. Nagtatanong ang mga mata niya, naghihintay ng paliwanag. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Mabuti na lang at si Mama na ang nauna.

"Sino si Kel?" tanong ni Mama.

Madali lang ito.

"Ma," sabi ko na nakangiti. "Kel ang nickname ko sa school. Tatlo na kasi kaming Michael sa org. May Michael na at Mike. Kel na lang ang natira."

"Yang kanta-kantang org na naman ba yan?" follow up question.

"Ma..."

"Wag mo na sagutin," untag ni Mama na huminga muna bago ituloy ang susunod na tanong.

Mukhang pop quiz ang pambungad sa akin ngayon. Surprise pop quiz.

"Ano yung suot mo kanina?"

"Ma kasi," nakangiti pa rin ako. Nagpapanggap na alam ko ang sagot. Pero sobrang lasing ako kagabi. Hindi ko talaga alam ang isasagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Michael's Song (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon