Chapter 2: The One With the Second First Time

1.1K 24 28
                                    

CHAPTER 2

"THIS is a vacant lot," sabi niya pagkahinto ng sasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"THIS is a vacant lot," sabi niya pagkahinto ng sasakyan. "I never thought of doing it in public. But hell, why not?"

Binuksan ko ang pinto ko at bumaba. Iyon din ang ginawa niya sa bahagi niya ng sasakyan, tapos ay lumapit sa akin kung saan nakaharap ang masukal na bakanteng lote. Tiningnan ko ang kadilimang tinatakpan ng ilang puno ng mangga. Inaakayat naming magkapatid ang mga punong ito dati, bago maglambitin sa mga sanga patungo sa susunod puno.

Bumalik ang mga ala-ala ko kalaro si Patrick. Pero hindi ko na matandaan kung kailan tumigil ang paggawa namin ng ala-ala bilang masayang magkapatid. Siguro nung tumuntong ako ng High School. Nagkaroon ako ng kaibigan. Nagkaroon siya ng mga kaibigan.

Hindi ko na naman kailangan ang mga ala-alang iyon. Ang totoo, napaisip ako kung gusto ko nang burahin ang mga iyon at palitan ng isang mapusok at mapangahas na gabi.

Hinawakan niya ang aking mga kamay. Hinayaan ko siya kahit puro panghalip lang ang ginagamit kong pantukoy sa kanya. Gusto kong itanong munang muli ang mga pangalan niya pero bago pa bumuka ang aking mga labi ay lumapat na ang mga kanya sa akin.

Isinandal niya ako sa kotse niya at ipinaramdam sa akin ang malalambot niyang halik. Malalambot ngunit may dahas na humahagod.

Nakahawak pa rin ang kaliwang kamay niya sa aking kanan, ngunit ang isa ay gumagala na sa aking likuran, inipapapit pa lalo ang magkadikit na naming mga katawan. Dama ko ang paglipat ng kanyang init sa akin. Tinanggap ko iyon ng mga halik may diin din sa kanyang mga labi.

Bahagya akong dumilat upang tingnan ang mukhang nagbibigay sa akin ng bagong pakiramdam. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman, ngunit ang hawak ng kamay niya sa akin, ay iba. Iba sa mga naunang parang tawag lang talaga ng laman ang tinutugunan. At ang kanyang mga halik. Ugh.

Nagulat ako na walang kurap ang titig niya sa akin habang patuloy ang paggalaw ng kanyang labi. Sa pagtama ng aming mga titig, naramdaman ko ang kanyang ngiti. Ang amo ng kanyang mga mata. Tinitiyak na nararamdaman ko ang gusto niyang ibigay na saya.

Oo. Masarap. Gusto ko. Huwag nating tigilan ang gabing ito. Gusto kong sabihin, na sa tingin ko, kahit walang salita ay nabasa niya sa aking mga mata. Lalo niyang ginalingan ang bawat dampi ng labi niya sa akin, ang tulak ng kanyang dila, ang maiiksing singhal na nagsasabing tama rin ang ginagawa ko sa kanya.

Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking shorts at pinisil ang matambok kong likuran. Nangiti ako at umiling. Natawa siya at tumango. May pagpayag. Tapos ay bumalik siya sa pagkakahalik sa akin.

Hindi iyon nagtagal dahil may tunog ng tricycle na paparating.

Bumilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi pa ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Mayroon yata noon, pero nalimutan ko na ang kaba. Heto ngayon at nagbabalik.

Michael's Song (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon