Chapter 6: The One With The Levels

555 25 8
                                    


CHAPTER 6

MABILIS kong binagtas ang tulay pabalik kung saan kami nagdaan. Wala akong pakialam kung hindi ko alam ang daan. Basta napipikon ako sa lalaking ito, at ayokong madikit dito. Bastos.

Ilang sandal rin bago nakabalik si Gabriel sa sasakyan. Umandar ang makina. Nag U-turn pa siguro, wala akong pakialam. Matagal bago siya bumagal at sumabay sa paglalakad ko. Binaba ang salamin.

"What the fuck is wrong with you?" tanong niya.

"The fuck is wrong with me?" balik ko sa kanya ng tanong. "Sa'yo kaya?"

"I just drove all the way to go here, to see you..."

"To fuck me," tuloy ko. "Fuck you. Oo, manyak din ako. At tigang. Tigang na manyak. Pero hindi ako parausan."

"Oh Bruh, you don't even get me," sabi ni Gabriel.

Hindi ako nagsalita.

Hindi rin siya nagsalita pero tinuloy niya ang mabagal na pagmamaneho.

"Kel, you know, I have to use an app to get back," sabi niya. "You might need to. Sakay ka na lang at ihahatid kita."

Tiningnan ko nang masama si Gabriel.

STRAIGHT face kamng dalawa habang nakasakay sa sasakyan niya. Nagmaneho lang siya at ako nanatiling wala ring kibo sa tabi niya. Isa sa mga pinakatama kong desisyon ang sumakay ulit kasabay niya dahil Diyos lang ang nakakaalam ng tamang daan pabalik. Wish ko na lang na huwag maubos ang baterya ni Gabriel o mawalan ng signal ang telepono niya dahil ayon sa mapa, nakakalahati palang kami.

Hindi ko naisip na ganito pala kalayo ang dinaanan namin. Masaya kasi kami kanina. Totoo ngang time flies when you're having fun. At ngayong hindi fun, ang parang nangangalay na an gmga kamay ng orasan sa pagtambay sa kung nasaan ang mga ito.

At hindi pa rin ako iniimik ni Gabriel. Okay na yun. Ayoko rin namang imikin niya ako.

Pero hindi ko mapigilan. At least siya, nagmamaneho. Busy. Ako, wala. Tumingin ako kay Gabriel. Malamang, hinihintay niya ito. Yung manalo siya. Yung ako ang sumuko. Ibinigay ko na. TIngingnan ko siya.

Pero hindi nawala ang ritmo ng mga mata niya sa kalsada, pabalik sa kanyang telepono, pabalik sa kalsada.

Naghintay ako. Pero wala. Hidni niya ako nilingon.

Gago to, isinakay na nga ako, hindi pa ako kinausap.

Ibinalik ko na lang ang mga mata ko sa kalsada. Palipat lipat sa harap tapos sa bintana. Hindi ko na binalikan ng tingin si Gabriel. Kaya kung lilinginon niya ako, wala, ibinigay ko na ang pagkakataon niya.

At hindi na kami nagkalingunan hanggang sa makarating kami sa subdivision nina Lola. Doon kami hinarang ng guard.

"But we were just here like a few moments ago," sabi ni Gabriel nang hanapan siya ng guard ng business sa loob ng subdivision.

"Bababa na lang ako," sabi ko. "Una ka na."

"Okay," sabi ni Gabriel.

Bumaba ako.

Nagmaneobra si Gabriel at bumalik sa kalsada. Iniwan nga ako.

"Kuya, sa Morales residence ako," sabi ko sa guard.

"Boss, pasensya na, pwede bang tumawag muna ako sa inyo?" sabi ng guard.

Patay. Hindi ako nagpaalam na lumabas ako.

"Boss, teka lang," sabi ko. Kailangan kong mag-isip.

Napahinga ako nang malalim at napatalikod. Doon ko napansin ang kotse ni Gabriel. Nasa kabilang kalsada. Naka-hazzard. Hindi ko alam ang ginagawa niya, dahil nakasarado ang bintana ng sasakyan.

Michael's Song (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon