🕈Kabanata 4🕈

129 20 27
                                    

Berserk Hospital

TOUF

     "Touf! Kakagising lang ng anak ko. Syempre hindi pa niya tayo makikilala. Ano bang pinagsasabi mong hindi na siya si Jelica? Nagpapagaling pa yung anak ko," naiinis na sabi ni tita Clara sa akin. Bubuksan na sana niya yung kwarto ni Jelica sa hospital pero pinigilan ko.

     Nilayo ko muna siya sa pinto.

     "I'm serious. Kilala ko sino yung sinasabi niyang Elle," pangungulit ko sa kanya. Yung mukha ko halatang hindi mapakali.


     "Touf--" Tinignan ko siya. "Galing sa siya sa coma. Naiintindihan mo? They can remember things that never happened. Nagkataon lang yun, okay? Stop freaking out." Pagpapakalma niya sa akin. She's like a mother to me. 

     Tinapik niya ang balikat ko at tuluyan nang pumasok sa kwarto.

     Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni mama. Sadly, my mom already died. Namatay siya na hindi man lang sinabi sa akin ang kahit na ano tungkol sa ama ko. I never knew him.


     Magkalapit lang ang mga bahay namin. Nung umalis ang kapatid ko para magtrabaho, sa kanila ako laging tumutuloy. Kaya naging close kami masyado ni Jelica. 

      And yes, I have an older sister. Nasa malayo na siya ngayon. I think I'll never see her again. 

     Tanging yung puno ng malabulak ang nagpapaalala sa akin sa kanya. Nakapagtataka lang at hindi pa yun namumulaklak hanggang ngayon. Parang patay na din itong tignan dahil sa wala itong mga dahon.


      Nagmadali akong lumabas ng hospital para puntahan si Grey. Pero, nung dumating ako sa bahay nila, wala naman siya doon. Nagtanong tanong din ako sa kompanya ng La Roa. Wala din silang ideya. Binigyan lang nila ako nung address nung bahay ng ina ni Elle na si madam La Roa.


     Dumeretcho ako doon pero walang tao. Sabi ng guard, umalis daw.

     "Siguro ay nasa Yuan na ulit ang mga yun," bulong ko sa sarili sabay balik dun sa sasakyan ko.

     Bumalik ako sa bahay.

     "Hinanap ka ni Grey kanina," bungad sa akin ni manang Laura. Siya yung laging naiiwan sa bahay. Katulong ko siya sa bahay. 

     "Po? Nagsabi ba siya saan siya pupunta?" tanong ko naman agad.


     "Hindi e. Nga pala, nakasuot pa ng hospital gown nung napunta dito."

     What? Nahospital si Grey?

     Masyado din akong abala sa kakapunta sa hospital para bisitahin si Jelica. Ayaw ko na sanang ma-involve sa pinaggagawa ni Grey, pero kailangan ko malaman kung may bestfriend ba yung si Elle. Kung meron, sino?


     Is it possible na siya ngayon ang nasa loob ni Jelica?

     What am I even thinking? Nasisira na din ata ang ulo ko katulad ni Grey.

     Napahinga na muna ako. Hindi na muna ako pupunta sa hospital. Magtatrabaho na muna ako.


     Dahil sa sobrang busy ay hindi ko na namalayan ang dami na palang miscalls ni Grey. Tatawagan ko na din sana kaso siya naman ang hindi makontak. 

🕈Tame Series Part2🕈 TAMING GERALDINE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon