🕈Kabanata 7🕈

87 14 13
                                    

Montenegro Residence

TOUF

     "Tita, may kilala ka bang Basil?" tanong ko kay tita Ann, ang mama ni Jelica. 

     Bigla niyang naibuga ang kapeng iniinom. Yes, nasa bahay pa nila ako. Umaga na't nagkakape kami pareho sa sala. Kaharap namin ang tv na hinahayaan lang naming nakabukas.

     Judging by her reaction, it was evident that she knew Basil. Nakatitig lang ako sa kanya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin. Mabilis na lumapit ang katulong nila sa bahay para kunin ang baso sa kanya at bigyan siya ng tissue. 

     I heard her sigh.


     Nang matapos sa ginagawa ay binaling niya sa akin ang mga tingin. "How did you know him?" Napakunot ang noo ko. So, she know him. Sino ba yung lalaking yun?

     "Si Jelica--" Hindi man lang ako nakatapos nagreact na siya. Napatayo pa siya sa kinauupuan. I saw how she clinched her fists.

     "What? How did she knew him?" Napakibit balikat ako sa tanong ni tita. She looked confused. Ako din naman. I genuinely don't have an idea who that person is.

     Siguro ay nabasa niya ang naguguluhan kong mukha kaya iniwan na niya ako. She went up the stairs.

     I sipped my coffee with my furrowed brows refusing to relax. Bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.


     "Tutulong ka? Pwes, tulungan ko among hanapin si Basil Del Rosario." Hindi ako makaimik sa sunod na sinabi ni Jelica. Pilit kong ibuka ang mga bibig pero hindi ko mahanap ang tamang mga salita na dapat ibuga nito.

     "Hindi ko maalala ang mukha niya pero naaalala ko pa ang ginawa niya," dagdag niya. Nangdidilim ang paningin niya na para bang ako itong si Basil na gusto niyang patayin.

     "Ano bang ginawa ng taong yan sayo?" Sa wakas ay naka-imik na ako ulit.

     Nakita ko paano nanginig ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin ngunit parang mas lalong dumidilim ang paningin niya. Mas lalo ding bumigat ang aura sa paligid. 


     Biglang namatay ang ilaw.


     Napalagok ako ulit nung kape ko. Ininom ko na lahat. Sino ba kasi ang lalaking yun?Bakit parang ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya?

     "Touf!" Mabilis akong napatingala sa may hagdanan. It was Tita Ann; she had changed clothes, and a sense of panic consumed her. Napatakbo na ako papunta sa hagdan at mabilis na umakyat doon. Tumigil ako sa harap niya mga isang hakbang ang pagitan.

     "May nangyari po ba?"

     "Si Jelica!"


     Bumukas ang pinto ng kwarto ni Jelica. Bumungad sa amin ang higaan niyang walang laman. Wala na naman siya doon. The window is wide open. Nililipad lang ng hangin ang mga puting kurtina ng kwarto. 

     "I think I know where she is." Sinara ko na ang pinto ng kwarto.


     Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Si tita Ann ay sumama sa akin. Sinara na namin pareho ang mga pinto at pinaharurot ang sasakyan. 


Barangay Samoa

     Tama ako. Nandoon parin siya sa parehong lugar na pinuntahan niya kahapon. Nandoon siya sa parehong posisyon, nakatingala sa lumang bahay na yun. Napahinto ako sa parehong lugar kung saan ako huminto kahapon, it felt like a deja vu.

     "Paano niya nalaman ang lugar na ito?" Napalingon ako kay tita. Nanlalaki ang mga mata niya at nagpapadyang lumuha. Nanginginig din siya.


     "Bakit tita? Hindi mo ba siya dinala dito?" tanong ko dito. Umiling siya, nakatitig parin sa anak.

     "I never brought her here," she answered. Nasapo niya ang mga bibig. "What if you were right? What if hindi na siya si Jelica?" A tear fell from her eye.

     "No, her memory is just messing with her." I should have told myself this. Ang galing kong mag-advice sa iba hindi ko naman ina-aaply sa sarili ko. Pareho lang kami ng nararamdaman ni tita. Hindi na namin kilala si Jelica.

     Lumingon si tita sa akin sabay baba ng mga kamay. Umiling siya. "Hindi ko kailan man binanggit sa kanya ang pangalan ng taong yun, Touf," she said. Inabot niya ang balikat ko.


     Lub dub. Lub dub. Kinabahan na ako lalo. Ayaw kong maramdaman ni tita ang naramdaman kong gulo sa isip ko. 

     "Baka narinig niya ang mga bagay na yun sa ibang tao." Umiling siya ulit sa sinabi ko. "Baka nga ang mga tao dito sa lugar ang nagsabi sa kanya. O di kaya news o lumang dyaryo." Kung anu-ano na ang sinasabi ko.

     "Baka nga. Sana ganun Touf," sabi nito. Napalunok pa siya sabay tango ng mahina. Doon na ako bumaba para muling lapitan si Jelica. Habang lumalapit mas naaaninag kong may binubulong siya. Gumagalaw ang mga labi niya. May paulit ulit siyang sinasabi.


     "Papatayin kita. Papatayin kita." 

     Paulit ulit iyon at walang nakakatinag sa kanya. Kahit ang paglapit ko ay hindi niya pansin. I reached out for her shoulder, my hand trembling. I swallowed hard.

     Lub dub. Lub dub. Lub dub.

     Nang dumapo sa balikat niya ang kamay ko. Muntik na akong mapatalon nang bigla bigla na lamang siyang lumingon. Nabitawan ko din ang balikat niya.

     Bumigat ang paghinga ko nang unti-unting lumalabas sa mga mata niya ang mga malalapot na pulang likido. 

     Dugo. Mga dugo iyon. Lumuluha siya ng dugo.


     Gusto kong tumakbo pero nanigas ang mga binti ko.

     "Hindi ka totoo. Hindi ka totoo," nanginging na bulong ko. Mas lalong dumami ang mga dugong umaagos sa mga mata niya.

     "Papatayin kita. Papatayin kita." Parang dumo-doble ang boses niya.


     Mariin akong napapikit. Dinamdam ko ang mga butil ng pawis na nagsilabasan na sa noo ko. Isa isa itong gumapang pababa sa mukha ko. "Hindi ka totoo." Nagpatuloy ako sa pagbulong.

     "Papatayin kita. Papatayin kita." Lumalakas ang boses niya. Naramdaman ko din ang paglakas ng hangin sa paligid. Mas lalo akong nanginig. Parang tatlo na ang boses na naririnig ko mula kay Jelica. Paulit ulit at parang lumalapit sa akin.

     "Hindi ka totoo!" sigaw ko. Umalingawngaw ito sa lugar.


     Katahimikan.

     Nawala ang hangin. Ang marahas ko nalang na paghinga ang naririnig ko. May bumagsak sa paanan ko. 

     I opened my eyes and saw Jelica lying on the ground. Wala na ang mga dugong luha niya. She was just that pale and thin girl, appearing so fragile.

     "Jelica?" I called for her name.


TakahashiKazumi2024

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

🕈Tame Series Part2🕈 TAMING GERALDINE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon