🕈Kabanata 5🕈

99 14 21
                                    

Montenegro Residence

TOUF

     "Sino ka ba talaga?" bigla ko nalang natanong. Ayaw ko nang guluhin pa lalo ang utak ko. Gusto ko ng clarifications. 

     Hindi niya ako binigyan ng sagot. Hinintay ko nalang na kumalma siya.


     "Sabi mo tutulungan mo ako diba?" Umimik na siya ulit. She's still sad, halata sa boses niya. Sobrang tamlay din niya tignan na para bang may kung anong sakit na tumama sa kanya. Ang mga mata niya naninilim.

     "Wala na yung taong gusto mong hanapin. Ano pa ba ang gusto mong gawin?" tanong ko dito. Nakakunot yung noo ko habang nakaupong nakaharap sa kanya. Nakatingin lang din ako sa mukha niya. There goes her empty eyes again looking at me.


     "Kahit ba gusto kong dalawin yung puntod niya? Hindi pwede?" she lazily asked. 

     "Hindi pa pwede, kakalibing lang nila."

     I don't believe those things. Sadyang nirerespeto ko ang kagustuhan ng mga magulang nina Elle at Grey. Hindi ko din alam anong connect nun.


GIGI

     Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking nakaharap sa kama ko.

     Mukhang hindi na ako matutulungan nitong si Touf. Hindi ko na rin alam ano pa bang gagawin ko. Yung nag-iisa kong rason na maging tao ulit ay wala nang kahulugan. Gusto ko nalang maging kaluluwa ulit at kalimutan ang lahat.


     Dahil sa sobrang kalungkutan ay halos hindi ako makatulog sa gabi. Iba't ibang posisyon na ang sinubukan ko pero hindi parin ako makatulog. 

     Hindi to pwede. Kailangan ng lakas nitong katawang to. 


     Madilim.

     Ilang segundo pa't may narinig akong pamilyar na boses. Lumiwanag ang paligid. I know that woman.

     "Lola?" tawag ko dito.

     "Patawarin mo ako, apo. Pero masyado na akong mahina. Ayaw kong ikaw ang mahirapang mag-alaga sa akin. Patawad," mahinang sabi nito. Nakatayo lang ako sa labas ng van na iyon. May kamay na nakahawak sa akin.

     Naaalala ko ang pangyayaring ito. Ito yung araw na iniwan ako ni lola sa isang orphanage. 

     Nagsara na ang van at ako ay naiwang malungkot at umiiyak.


     "Lola!" tawag ko dito.

     "Shh. Magiging okay din ang lahat, Geraldine." Niyakap ako nung babaeng nakahawak sa akin kanina. Marahan ang bawat haplos niya na nagpakalma sa akin ng kunti. Sinara sa harap ng mukha ko ang pinto ng van kung saan nakasakay si lola. Patuloy paring bumubuhos ang mga luha ko habang papasok sa orphanage. 

     Sa bawat paghikbi na yun ay ang paghakbang ko papasok doon.


     Biglang dumapo ako sa ibang lugar. May ibang babaeng nakahawak sa akin. Nag-iisa lang siya sa buhay. Kilala ko siya. Siya ang tinuring kong ina, ang kumupkop sa akin. Papasok kami sa bahay niya.

🕈Tame Series Part2🕈 TAMING GERALDINE (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon