Left Turn

2K 13 0
                                    

This is my very first ever story na ginawa. 

Kung hindi kayo matutuwa Ok lang basta ako natuwa!

Kung magugustuhan nyo THANK YOU you're very welcome to read.

Kung hindi naman eh you're free to leave! :)

Enjoy!

Ang kwento na to' ay tungkol sa mga mumunting nilalang

sa mundong ito na nagmahal. Katulad ng madaming kwento

ng pag-ibig marami silang pagdadaanan at kung paano at 

kung man ang gusto nyo pang malaman yun ang dahilan kung

bakit nyo ito babasahin. :)

Mikaela

Hi! It's me Mikaela Cruz lahat ng nakakakilala sa akin used to call me Miki. I'm a 23 year old bratt. Based ang family namin dito sa Europe. Nag migrate kami when i was 12 dito na ako nagdalaga nung una iyak ako ng iyak kasi hindi ko gusto yung pag lipat namin ng lugar namimiss ko lahat sa Pinas hanggang sa makasanayan ko na din at magustuhan. Dahil dun ang ugali ko ay pareho na din ng mga taong nakapaligid sakin. Naging napaka open kong tao open as in open minded, liberated ( but hindi naman ako pumapatol na lang basta ) and straight forward. Ginagawa at sinasabi ko kung anong gusto ko. Very sweet and thoughtful ko sa lahat ng taong malapit sakin. Maarte din ako at suplada yun ang sinasabi at  laging first and last! impression sakin. Hindi ako sanay na hindi ko nakukuha ang gusto ko lahat ginagawa ko para ma achieve ko kung ano man yung pinagnanasaan ko at hindi lang po tao ang pinag nanasaan ko, OK? May utak naman ako pero tamad akong mag aral puro barkada ang inaatupag ko, gimik at mag bakasyon kung saan saan. Masyado akong na spoiled sa mga kuya ko at sa parents namin. May 4 akong siblings lahat sila lalake and i'm the youngest. Sila Iver ang aking napaka bait na kapatid na panganay, Bryce ang kuya kong kasundo ko sa lahat ng aking kalokohan, Gelo ang pangatlo at pinaka mahigpit sa kanilang lahat in short KJ sya! pero malapit naman sya sakin nagkataon lang na minsan sya ang dahilan ng pagkapurnada ng mga lakad ko! Grr. At ang sinundan ko si Robi ang pinaka makulit at sumpungin kong kapatid. Lumaki kami na magkakasama. Ang mga magulang namin ay mga negosyante Debbie ang name ng mom ko sya ang pinaka magandang babae nag eexist sa mundo para sa akin at ang dad ko na si Rom pinaka sweet na tao sa buhay ko. Sanay kami sa buhay na marangyang dahil napakaraming negosyo ng parents ko at lahat yun ay successful. Lahat ng gusto namin naibibigay nila at masaya ako dahil kumpara sa ibang mga magulang na busy sa negosyo wala na silang oras para sa pamilya nila ang parents ko hindi ganun lagi silang may time lalo na sa napaka ganda nilang anak at walang iba yun kundi ako!

Huminto na ako sa pag aaral kahit hindi pa ako nakaka graduate. Hindi dahil sa hindi ko naipapasa kundi dahil lagi akong busy at puyat sa kaka gimik at pag babakasyon. Pinabayaan na lang ako ng parents ko kasi wala na silang magawa at mahaba na daw ang sungay ko.  Masama ang pakiramdam ko kaya nasa bahay lang ako one day. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko ang kapatid kong si Robi " Oh bakit mukang namumutlang zombie yang muka mo?" Di ko sya pinansin kasi wala ako sa mood at dumeresto ako sa kitchen at nag bukas ng fridge kumuha ako ng beer. Pabalik na sana ako sa kwarto ko ng biglang narinig ko na naman ang boses nya. " Mik could you pls wear something before roaming baka makita ka ng friends ko na ganyan dadating sila later. Lagi na lang kasi sila naka abang pag lalabas ka ng kwarto mo pag andito sila. " . Sanay akong laging naka undies lang kahit puro lalake ang kapatid ko nakasanayan ko na. Sumagot ako " Bakit nakahubad ba ako? sabay irap " Pumasok ako sa kwarto natatamad na tuloy akong lumabas.  In-open ko na lang ang laptop ko at nag su-surf ng biglang may mag pop out sa window ko. Naisipan kong i-download ang sina-suggest nilang Chat Messenger. First time kong gagawin ito kaya curious din talaga ako. Hanggang sa ayun ok na sya. Gumawa ako ng account " Mikalicious "at nag log in hindi ako tatanga tanga at nahanap ko naman agad paano ako mkakapunta sa mga chatrooms. Pumasok ako sa isang chat room kung saan mga Pinoy ang tao. Nagulat ako nung mabasa ko sa chat window ang pangalan ko at lahat pare pareho lang ng sinasabi 

" Welcome here Mikalicious.. You're so pretty " 

Sanay na akong masabihan ng maganda pero sa una nag tataka ako paano nila nalaman? LOL

Lahat halos ganun ang nakikita ko nagulat ako ng mapatingin ako sa led ng laptop ko. Naka auto open pala ang webcam ko once i enter a chat room. Bigla kong in-off. At medyo nahiya ako kasi ang damit ko kasi ast gulo gulo pa ang buhok ko. Nanatili pa rin ako sa chat room kasi mababait sila sakin lahat halos sila ina-approach ako ewan  ko lang kung dahil ba nakita nila na maganda ako at sexy? Ang assuming ko? haha ( Bakit ba totoo naman eh! ) Na-entertain ako ng sobra sa ginawa ko. Nagtataka ako ng may pagka ignorante, May naririnig akong nag-play ng music sa chat room at naririnig to lahat ng tao na andon. Music lover ako kadalasan pag gusto ko makalimot sa problema gusto ko mapag isa at makinig lang ng music pag masaya ako ganun din ang gusto ko. Gusto ko yung song na pinapatugtog nya kaya napatingin ako sa name nya at tinandaan ko yun lalake naman ang icon. Sya si m0ng0l. Napangiti ako pero bigla 

"Mongol may sira siguro sa ulo yun kaya yang ang id mongoloid lang" at bigla na lang sya nawala. Sa totoo lang lahat halos nakilala ko sa loob ng chat room na yun pansin ko din na lahat sila mukang matagal ng magkakakilala at pati na rin ata sa personal eh nag kakasama na sila. Lahat halos sila mapababae o lalake eh pinapansin ako sya lang ang hindi. Well wala naman akong pakealam medyo nagtataka lang ako.  Nagpa-add sila lahat sa account ko halos lahat talaga sila na andun. Pwera lang dun sa m0ng0l na yun kasi nga nawala na sya. Nag log out na ako at natulog. Kinabukasan gumising pa din ako ng masama ang pakiramdam ko ng biglang nag ring ang phone ko. Si Nicole bestfriend ko, " Miki lumabas ka na sa lungga mo daig mo pa broken hearted kung mag kulong ka "  WTH? isang gabi pa lang halos nila akong hindi nakikita ganito na agad?     " Are you insane? kagabi mo pa lang ako hindi nakakasama Noh,may pa broken hearted ka pang nalalaman dyan " sabi ko.  " Ay ganun ba basta sunduin kita mamaya kasi pakiramdam ko hindi normal pag andyan ka sa loob ng bahay nyo" si Nic  " Ahh so abnormal na pala ngayon ang isang tao na nasa loob lang ng bahay nya? " sabi ko ."Susunduin kita sa ayaw at sa ayaw mo". Bago pa ako makasagot na-cut na nya ang line. Napatingin na lang ako sa phone ko habang  napairap ako sa inis na nawala na lang sya bigla sa linya kinakausap ko pa sya. Humilata ako sa kama ko nakataas ang  dalawang kamay ko at nag iisip kung mag aayos na ba ako dahil susunduin nila ako. Ng bigla akong mapakanta ng mahina naalala ko na lang na yun yung kanta na narinig ko kahapon sa chat room.

Bigla kong naalala yung tao na hindi namamansin sakin sa chatroom.  Napaisip lang ako bakit hindi nya ako pinapansin hindi ba sya nagandahan sakin LOL. " hmmp yaan mo na nga chat lang naman yun baka hindi lang sya sanay makakita ng tao" dumeretso na ako ng banyo at nag shower nag ayos na din ako at nagbihis maya maya dumating na ang walangya kong kaibigan. " Miki tara na lumabas ka na dyan kung ayaw mong itxmate ko ang kuya mo at yayain kong makipag s*x sakin"Sabay tawa ng malakas, type ni Nicole ang mga kuya ko, maganda naman si Nic, maputi sexy pero maliit lang.  " Hoy babaeng malaki lang ng konti sa gasul tantanan mo mga kapatid ko kung ayaw mong itx ko din ang daddy mo at isend ko sa kanya lahat ng video at pictures mo kasama ang ibat ibang lalake mo" Sabay ngiti ng parang demonya. Ganun lang kami ni Nic sa isat isa pero kami pa rin ang laging magkasama rain or shine.    Dumating na kami sa isang bar kung saan madalas kaming andito at umiinom. Lumapit agad si Nic sa barterder at nag order ng Tequila,  " Juice lang ako " sabi ko sa kanya " Hoy Mikaela parang maniniwala na talaga akong may sakit ka pero hindi ordinaryon sakit kasi sa pagkakaalam ko kahit nilalagnat ka ginagawa mong ospital lahat ng Bar dito sa City. Ano bang nangyayari sayo? "  si Nic. Hindi ako sumagot at ako na lang ang umorder ng sarili kong Juice. Nakatingin lang ako sa kanyang sumasayaw ng bigla kong mapansin ang isang lalake sa bandang dulo ng bar medyo madilim pero parang pamilyar sya sakin. Tumayo ako lumapit. Tama nga ako! 

Left TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon