Pagsuko

325 11 3
                                    

Mongol

Nagmamadali na ako mag Online, pumayag si Miki na mag usap kami. Hindi ko pa din alam kung anong sasabhin ko sa kanya. Basta bahala na, papakiusapan ko na lang sya na bumalik na kami sa dati. Nahihirapan ako na ganito kami.

Hindi pa ako nakakapagbihis, dumeretso agad ako sa laptop ko at nag Online. 

" Ayun naka Online na ang Baby ko"

Hindi gaya ng dati ngayon ramdam na ramdam ko na sabik na sabik ako makita at marinig ang boses ni Miki kung noon nag pipigil the way na makipag usap ako sa kanya, ngayon iba.

" Hi baby ko, i miss you so much"  sabi ko

Kung dati sya ang nag start ng video call namin, ngayon hindi. At napansin kong ang tagal nya bago mag reply sa msg ko. Ako na lang ang nag call... " Shit hindi maka connect , ibig sabihin may ka videocall na sya!"  Naninikip ang dibdib ko habang inaantay ko ang reply nya. 

Napatulala na lang ako sa monitor ng laptop ko, nakatitig lang ako PM window namin. 

" Hi, ano yung sasabihin mo? " ... nag reply na sya. 

" Namimiss kita, hindi ako sanay na ganito tayo" .. sagot ko.

Ang tagal na naman ng inantay ko bago sya nag reply. Sigurado talaga ako na may kausap syang iba. 

" Yun lang ba? " sabi nya.   Parang may matigas na masakit na hindi ko maintindihan ang gustong mag explode sa dibdib ko. 

" Baby, wag naman ganito, nahihirapan ako" ... Sagot ko sa kanya, kahit anong pigil ko naramdaman ko na lang pumatak ang luha ko. 

" Wag ganito, anong ganito? " sabi nya... 

" Baby hindi ko kaya na hindi kita nakakausap, hindi ko kaya na iniignore mo ako ng ganito"...  sabi ko.

" Hindi kita iniignore busy lang din ako" sagot nya, alam kong nag sisinungaling sya nahawa na ata sya sakin.   ....   

" Baby pwede ba mag usap na tayo ulit, wag ka na magalit sakin please" ... pag mamakaawa ko. 

" Sige usap tayo ulit pag pwede, hindi na ako galit sayo" Sabi nya.. 

Parang nakahinga na ako ng maluwag at mag rereply na sana ako ng bigla kong nabasa ang bago nyang msg.

" Kilala mo ba si Jake? " ... ( Sino bang hindi nakakakilala kay Jake, halos lahat ng babae dito sa chat gusto sya... pwera lang ako. .. Kumakabog ang dibdib ko hindi ko maintindihan parang alam ko na sunod nyang sasabihin )

" Yup, what's with him? " sabi ko...   " Niligawan nya ako and magkikita na kami soon.."  sabi nya

"At sasagutin ko na din sya"   , pahabol nya. 

Nagulat ako, pati pag iyak ko kanina napatigil. Hindi imposible na may mga manliligaw si Miki pero hindi ko expected na ganito ang mga sasabihin nya sakin ilang araw pa lang kaming hindi nakakapag usap.  Hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa kanya. Kahit gabi gabi sya sa gimik, wala nga syang boyfriend. 

Natulala ako nag iisip ako. Pwede na ang lakas talaga ng dating nung Jake na yun.

" Mik, bakit ka makikipagkita sa kanya. Hindi mo pa kilala yung tao" sabi ko

" Oh? Kaya nga kami magkikita kasi gusto namin makilala ang isat isa." sabi nya

.........   " Mas ok na yun, kesa naman matagal mo na nga nakakausap, nag ubos ka na rin ng oras sa tao pero .. "  hindi na nya tinuloy ang sinasabi nya.

Para akong sinampal sa sinabi nya, nag umpisa na namang mangilid nag luha ko. 

" Baby please, tama na wag ka ng ganyan sakin" sabi ko 

Para na akong baliw na umiiyak dito mag isa. Kasalanan ko to lahat, pero wala akong magawa. 

" Alam mo kung gusto mo lang maging friends pa rin tayo, walang problema sakin yun. Sige kalimutan natin lahat.... Kakalimutan ko lahat kasama yung nararamdaman ko sayo.  "  sabi nya.

" No baby, gusto ko ganun pa rin tayo katulad ng dati. Gusto kita alam mo yan hindi pa lang talaga ako handa, bigyan mo ako ng chance at konting time yun lang gusto ko"  ... sagot ko .

Nanghihingi ako sa kanya ng time at ng chance pero hindi ko rin sigurado kung talagang magiging ready ba ako na aminin sa kanya. Basta ang gusto ko lang ngayon wag syang mawala sasabihin ko lahat wag lang syang mawala sakin. 

" Hindi ko alam, bahala na" . sagot nya..   " Magusap na lang tayo sa susunod may gagawin pa ako" dagdag nya. Si Miki ba talaga tong kausap ko. Bakit ganito sya sakin( syempre alam ko ang dahilan) pero hindi ko matanggap na darating sa point na ganito na ang trato nya sakin. Sobrang sakit.

" Baby mag-out ka na ba? Pwede ba kitang itx ibig ko sabihin pwede ka ba mag reply sa tx ko? Antayin din kita bumalik, dito lang ako ah " ...  sabi ko. Para na akong gago.

" Ikaw bahala".  Simpleng sagot nya. at nag out na sya. 

Sobrang lungkot ng nararamdaman ko ngayon daig ko pa ang nawalan ng wallet.  Pero tumigil na ako sa pag-iyak. Hindi rin naman makakatulong. 

Naisipan kong pumasok sa chat room at libangin ang sarili ko. Parang nag explode na ang kanina pang masikip sa dibdib ko nung makita ko si Miki sa room. Akala ko nag out na sya pero nag invisible lang pala sya. " Ganun na ba talaga? Iniiwasan na nya talaga ako? Ayaw na ba nya talaga akong makausap? . Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit sa kanya.   

Ang saya nya mukang ok na ok sya. Kakulitan nya ang ibang chatter sa room at yung si Jake. Nag msg sakin ang kaibigan kong si Shee sa PM.  

" Huy diba may something sa inyo nyan ni Miki, bakit si Jake na lagi nyang kasama sa room"  sabi nya.   " Oh ok" sagot ko. Tumayo na ako agad sa harap ng computer at pumunta na lang sa kama ko. Humiga ako Tumagilid ako at kinuha ang fone ko. Tinignan ko ang picture ni Miki at nakinig na lang ako ng music.  Tahimik akong umiyak, tuloy tuloy lang ang pag patak ng luha ko....

Maaari ba muna natin itong pag-usapan..

Sa dami rami na ng ating pinagdaanan

Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat? 

Ng ating pinagsamahan

Masikip sa damdamin , Hinigop ng hangin ang lakas

Pinag hihinaan ng wagas

Pwede bang pag-isipan

Wag ka munang lumiban 

Baka sakali na ito ay masalba pa..

Lumalamig ang gabi

Hindi na tulad ng dati..

May pag-asa pa ba ?

Kung susuko ka na? 

Larawan mo ba'y lulukutin ko na

Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama

Damdamin mo'y tila nagbago na

Ikaw at ako ay ala-ala na lang kung susuko ka na...

Bawat pangarap na ating pinag-usapan

Pupunta na lang ba ito sa wala

Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali

Sa mga oras na to alam ko ikay lito

Lumalamig ang gabi

Hindi na tulad ng dati...

May pag-asa pa ba kung susuko ka na?

Left TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon