Pusang ligaw

438 11 4
                                    

Daddy ko ang nakita ko may kasama syang babae. Nagulat ako sa nakita ko. Parang hindi ako makagalaw. Sobrang idol ko ang dad ko sa pagmamahal nya sa mom ko kung paano nya niligawan, napasagot at sa pagtrato nya sa mom ko kahit ang tagal na nilang mag-asawa parang newly wed pa din sila.  Parang gumuho yung mundo ko ang taas ng respeto ko sa daddy ko parang lahat yun nawala. Tumingin lang ako sa kanya ng masama. Tumalikod na ako at lalabas na ng bar ng hinabol ako ng daddy ko " Darling wait, client ko lang yun.,don't be mad. It's pure business. " sabi nya.  Humarap ako sa kanya " Client? Baka naman ikaw ang client nya?  Business ? Ikaw ang business nya kasi sayo sya kumikita. Mukang nalaos na prosti yung kasama mo. " sabi ko.  " Watch your mouth " si dad.  Tuluyan na akong umalis habang yung kaibigan kong si Nic todo kendeng pa sa dancefloor at walang kaalam alam sa nangyari. 

Napansin ko na lang habang pumapatak na pala luha ko. Bakit nya nagawa yun kay mom. Mahal na mahal ko ang mom ko ganun din naman ako kay dad. Pero hindi ko kayang tanggapin na lolokohin nya yung babae na nag bigay sa kanya ng 5 anak at pinagsilbihan sya ng sobra. Alam ko kung ano ang mom ko sa dad ko napaka vocal ng mom ko when it comes sa pagmamahal nya kay dad lagi nya yung kinukwento sakin. Ako pa lang ngayon parang dinudurog na ang puso ko paano pa kaya pag ang mom ko nakaalam neto. Tuloy tuloy lang ang pag lalakad ko hanggang sa mapagod ako umupo lang ako sa isang tabi nag -ssnow. Pero parang hindi ako nakakaramdam ng lamig. Kahit ang daming tao na dumadaan sa harapan ko para akong niligaw na pusa na umiiyak sa tabi ng kalsada.

 Seryoso ako habang tulala at napagod na ata ako sa pagiyak ng bigla akong nagulat " Mata! ang laking mata " si Nic ito na sya. " Anong Mata nananaginip ka ba? Ako to si Nic" sabi nya. " Obvious naman eh kaya ko nga sinabing mata ikaw lang naman ang kilala kong may ganyan kalaking mata, sayo ba lahat yan? " . Sumagot sya " Grabe ka naman pinag alala mo na nga ako aasarin mo pa ako" . " Mas grabe yang mata mo grabe sa laki" sa totoo lang ang laki talaga kasi ng mata nya katakot. Ayoko mag pahalata sa kanya dahil hindi ko gusto na pag usapan namin yung nangyari. Kahit ganyan si Nic sya lang din ang lagi kong karamay. " Nic pwede ba ako sa inyo matulog? " sabi ko.  " Oo naman pero sa inyo sana ako matutulog kasi baka namimiss  na ako ng mga kapatid mo" lalong lumalaki ang mata nya pag kalandian ang lumalabas sa bibig nya.  " Seryoso ako dun na lang muna ako sa inyo" . " Sige na nga " sagot nya.  Dumeretso na kami sa bahay nya at dun na ako nag palipas gabi. Hindi ako makatulog. Nakita kong umiilaw ang phone ko chineck ko may tumatawag pala. Ang kuya Gelo ko. Nakita ko na kanina pa pala sila tumatawag ang dami ng miscalls. Kahit sanay silang gumagala ako panay pa din ang tawag at kamusta nila sakin, chinicheck pa din nila kung ok ako at kung nasan ako. Hindi ko pinansin.  Wala akong magawa kaya naisip kong hiramin ang laptop ni Nic. Naisip kong i-download ang Messenger na ginamit ko nung kelan. At yun na nga ang ginawa ko. Nag online ako gamit ang id na ginawa ko. Pumasok ako kung sang chat room ako nag online noon.

Pagpasok ko ng chatroom ang tahimik dahil walang tao sa room ay meron pala.. Yung Mongol ! Hindi naman nya ako pinapansin. Pero naisip ko lang na para maiba naman subukan ko syang kausapin.  " Hi " sabi ko. " Wala sila ngayon meron silang EB "  sagot nya. Nagulat ako sa sagot nya, oo nag tataka ako bakit wala yung mga ibang chatter sa room na yun pero hindi ko naman sya tinanong tungkol dun. Binati ko sya ng " Hi"  ang weird talaga netong taong to. Tao nga ba talaga sya. Isa pa sa pinag iisip ko eh ano ba yung EB? nahiya naman akong tanungin sya di naman kami close. Naisip ko baka naman yun yung noon time show sa Pinas Eat Bulaga? Pero malabo.  Ang tanga ko lang noh? Haha sorry naman. 6 hours ahead sa Pilipinas so iniisip ko bakit gising pa sya madaling na araw na doon for sure. Ayoko rin sana syang kausapin, kaso gusto ko din talagang maglibang wala akong magawa ang gulo ng isip ko. Nag private msg ako sa kanya. " 

Hi"....

.... ? "( Ano ba to? hindi ba nya naiintindihan yung word na "hi" At sasagutin nya ako ng " ?" )

Left TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon