Look After You

450 20 6
                                    

Miki

Napasarap ako ng tulog ang gaan na ng pakiramdam ko. Naalala ko si Baby, ewan ko ba bakit sa tuwing naiisip ko sya ang saya ko. Nakukumpleto na rin yung araw ko. Lalo na siguro ngayon dahil official na kaming dalawa. 

Pero ang weird parin talaga para sakin ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Hindi ko alam paano napaikot ng Chat/ Internet/ Mongol ang buhay ko. Hindi naman ako yung ganitong tipo ng tao, na nakukuntento lang sa bahay na isat isa lang ang laging ginagawa...  " Ang humarap sa computer at makipag chat. "

Pero kahit ano pang awkwardness ang sumagi sa isip ko sa mga ginagawa ko. Isa lang ang sigurado ako.. Sobrang masaya ako at ayoko to' matapos. 

Bumangon muna ako para mag shower medyo mabigat din kasi ang pakiramdam ko. Nagmadali na ako, excited na rin kasi ako makausap ang Baby ko. 

Pumasok ako sa shower room. Inumpisahan ko alisin ang mga damit ko habang naka harap ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang katawan ko " Mmm ang sexy ko pala talaga" mas nag kalaman ako sa pag stay madalas dito sa bahay, pero mas bumagay sakin na mas magkalaman. Kain , tulog , chat lang kasi ang ginagawa ko. Umalis na ako sa harap ng salamin at tumapat na sa shower ang lamig ng tubig pero parang ang init ng pakiramdam ko... Hindi ko maintindihan pero naiintindihan ko ang hinahanap na ng katawan ko Haha ang gulo gosh. Tama na nga bilisan ko na baka ano pang magawa ko. 

Mongol

Kinabahan talaga ako sa gagawin ko pero buo na yung desisyon ko andito na din ang kuya ko para tulungan ako. Ang hirap kasi hindi ko rin naman masabi kay Kuya Ivan ang buong storya. Kung pwede lang sana mas magiging madali lahat para sakin. Nakakatakot at hindi talaga ako handa kung sakaling mabubuko ni Miki o' mabubuko ako ng Kuya ko sa pag sisinungaling ko. Pero pu-push ko na to! 

" Kuya wait lang ah, Umupo ka muna dyan sa kama" .....  Umupo naman ang kuya ko sa bed ko at hinawakan ang gitara ko. Humarap naman ako sa computer ko at chineck kung gising na si Miki. Gising na sya! Wala na sya sa harap ng cam. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. 

.... " Tey ano andyan na ba? " si kuya

" Wala pa pero gising na sya, siguro nag shower lang o kumain" ... sagot ko

...." Paano pala yan Tey, basta guide mo ako kung ano isasagot ko ah. Baka kung ano ano itanong nun sakin. " sabi ni kuya

" Oo ako bahala basta wag ka rin masyado madaldal tsaka sandali mo lang sya kakausapin"  sabi ko

...." Ok, tsaka gusto ko rin sya makita ng mas matagal sa cam ngayon ah. Hindi ko masyado natitigan kanina nung tulog sya. " si Kuya ... Ano ba tong kapatid ko gusto kong saktan eh parang intersado na rin talaga sya sa Baby ko. 

" Oo na " 

Parang biglang may nag appear na anghel sa monitor ng laptop ko. Ito na sya! 

....." Hi Baby andyan kanaba? Sorry ah nagshower ako nakalimutan ko mag msg"   si Miki

Naka sando lang sya at maikling short. Basa pa ang buhok nya at hindi pa nakakapag suklay lalo talaga sya gumaganda sa paningin ko. Ang pula ng labi nya. Hindi ako nakareply agad sa msg nya kasi tinititigan ko muna syang mabuti. 

" Yup, andito ako kanina pa kita inaantay magising. May gusto kasi akong gawin " ... sabi ko

..." Ano yun? " ... Halata sa muka nyang napaisip sya sa sinabi ko

Left TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon