Chasing Pavements

339 12 16
                                    

Mongol

Dumating ako ng bahay at pagod ang dami kong inasikaso sa school. Nag open ako agad ng laptop ko ang tagal mag log in nag open muna ako ng Mail. Ugali ko naman na everytime na naka OL ako nag check na ako agad ng Email. Nakita ko agad ang mail ni Miki sakin.

Naalala ko bigla na 20 pala ngayon! Shit nakalimutan ko Monthsary pala namin, Sinimulan kong basahin ang Email. Na touch ako na natuwa na may kahalong pag aalala. Napaka swerte ko naman talaga sa babaeng to. Tuwing ganitong araw kung ano ano ginagawa nya para sakin minsan pinag babake nya pa ako ng cake na may pangalan ko kahit sya rin naman ang umuubos ng lahat ng yon masaya pa din ako kasi alam kong ginagawa nya yun para sakin talaga. Pareho din naman kami ng nararamdaman ang pinag kaiba lang namin takot ako. Hindi pa talaga ako handa takot ako na mawala sya pag nalaman nya lahat. Baka anong isipin nya sakin mas nangingibabaw sa isip ko na hindi nya ako kayang tanggapin at ayoko mangyari yun. 

Naka log-in na ako at nag msg sya agad sakin. Nakakatuwa sya sobrang excited sya lagi na makausap ako napaka lambing nya. At ayokong mag bago sya kaya takot akong mag take ng risk. Oo dapat maging masaya ako pero kung kayo ang nasa lagay ko mahirap maging masaya. Nanamlay talaga ako.

At gaya ng dati nag video call kami ng sya lang ang naka cam at nag sasalita sa mic.

Hi baby" sabi nya. Sumagot ako Hello " . 

Happy Monthsary " nakangiti sya sa webcam. Ang hirap naman neto tuwing makikita ko si Miki sya na talaga ang bumubuo ng araw ko, mas lalo tuloy akong natatakot. 

Happy Monthsary din baby" sagot ko. 

Nabasa mo ba yung email ko? medyo napapangiti sya habang nagtatanong.

Yes baby salamat sa email mo" sabi ko. ... Parang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.

Salamat lang? wala ka na ba ibang gustong sabihin?  si Miki. 

Baby sorry hindi ko kasi alam ang isasagot ko" .. nagulat na lang din ako sa nasabi ko. 

Nag-iba bigla ang aura ng muka nya. Nalungkot sya...

Nag type ako agad " Miki mahalaga ka sakin, sobra pero hindi pa ako ready sa isang commitment pakiramdam ko I'm not capable to handle a relationship. Pwede naman ganito lang muna tayo then pag dumating yung time na kaya ko na. Ako mismo ang mag tatanong sayo kung pwede ba na maging tayo..."    ... 

Sa totoo lang hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Parang walang tamang words para ma express ko yung nararamdaman ko. Gusto ko talaga sya, gusto ko maging kami. Pero alam ko na pag naging kami obligasyon ko na mas maging open ako sa kanya tungkol sa mga bagay na personal sakin. Anong mangyayari pag nagka ganun. Bubuhayin ko yung relasyon namin sa mga kasinungalingan?  Ayoko na dagdagan pa lahat ng pag sisinungaling  na nagawa ko sa kanya.

Naiiyak ako sa nasabi ko pero kita ko rin na mas nalungkot sya sa sagot ko.  Tumahimik na lang sya.

" Hindi naman natin kailangan madaliin lahat diba. Kilalanin pa natin isat isa. "  dagdag ko.

Kilalanin? Paano kita kikilalanin kung ikaw mismo ang ayaw mag pakilala? " sagot nya. 

" Darating din naman tayo dun, hindi pa lang talaga ako ready sana maintindihan mo yun" ... dahilan ko sa kanya. 

What? Hindi ka ready? Nirespeto ko ang privacy mo kung anong gusto mong pagkakakilala ko sayo, Napakahirap bang sabihin kung anong tunay na pangalan mo? Anong bang meron dyan sa pangalan mo! at simpleng bagay na natural lang naman i-share ng dalawang taong nag uusap at magkakailala hindi mo maibigay sakin. May narinig ka ba ? Wala diba? Pinaniniwalaan ko lahat lahat ng sinasabi mo kahit alam ko sa sarili ko noon na pwedeng niloloko mo lang ako. Nag tiwala ako sayo, alam mo yan."  ...

sabi nya ramdam ko na parang maiiyak na ang boses nya. hindi pa ako nakakapag type ng sasabihin ko sa kanya ng tuluyan na syang umiyak... 

"Alam mo hindi ko maintindihan yung sarili ko bakit ako nag kakaganito sayo. Pero kung ano mang dahilan yun hindi na importante sakin basta alam kong sayo ako masaya at nahulog na talaga ang loob ko. Pero hindi ko rin inexpect na ganyan kang klase, never kitang jinudge never ako nag isip ng masama sayo kaya you don't have the right para iparamdam sakin na hindi mo ako kayang pagkatiwalaan. Hindi mo ba yun nakita? Matagal na din tayong nag uusap kaya please wag mo sasabihin sakin na bigyan pa kita ng time. Kung ayaw mo sakin fine! "

Umiiyak na si Miki at nadudurog ang puso ko sa nakikita at naririnig ko. Bakit ang duwag ko nangingilid na rin ang luha ko.

Susubukan ko na sanang sumagot pero narinig ko na naman syang ang salita.

" Sana kung wala kang balak panindigan kung ano man yung namumuo sating dalawa, sana hindi mo na ako pinabayaang ma-fall. Alam mo sa sarili mo na pinaramdam mo rin sakin lahat, na importante ako sayo, na masaya ka sakin, na gusto mo rin ako! Napakaselfish mo. Wala akong ginawang masama sayo para ganito ang iparamdam mo sakin."  .... dagdag pa nya. 

Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Miki at tuluyan na rin akong napaiyak. 

" I'm sorry" yan lang ang nasabi ko. 

" Don't be sorry , kasalanan ko naman lahat, nag tiwala ako hindi ko ginamit ang utak ko"  sagot nya.

At bigla na lang syang nag out.... Nanikip ng sobra ang dibdib ko nahihirapan akong huminga dahil pinipigilan ko ang iyak ko pag alis nya. Humiga ako sa kama at hindi ko na namalayan ang sarili kong umiyak ng todo habang yakap ang unan ko. Bata pa ako first time kong makaramdam ng ganitong sakit. First time kong umiyak dahil sa isang babae. Naaawa ako sa sarili ko na wala akong lakas ng loob para aminin kung ano at sino talaga ako..  

Pero mas naaawa ako sa babaeng nag mamahal sakin ng sobra, sinaktan ko sya. Nasaktan ko sya dahil lang takot ako.... Wala akong kwenta. 

========================================

Sorry po sa mga errors.  

Left TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon