Chapter 4 - Brian

5.8K 109 3
                                    


Abby's POV

Bwisit talaga yung patrixia nayun hindi nanaman ako sinamahan na mag grocery

Tumingin ako sa wrist watch ko at huminto sa pag lalakad at pag tutulak ng grocery tray

10:00 AM

"Huy!" napabiglang lingon ako ng may kumiliti saakin "Abby!! Ssup?!!"

"Wah Brian!" sa gulat ko ay niyakap ko sya "Lah shocks! kaylan kapa dumating!!!?"

"Kahapon lang" binitawan ko sya

"Hindi mo manlang ako ininform!" marahan kong sinuntok ang dibdib nya

"Ay ano ba 'yan. Wala lang si jungkook lumalandi na"

Natigilan kami ni brian sa sinabi ng tatlong babaeng dumaan

"So Kamusta?" pag putol ni Brian sa katahimikan

"Ayun. Ganon parin" ngumiti ako "Hanggang kaylan ka dito?"

"Two months lang ako dito" yumuko sya at tinignan ang latang hawak nya

"ay 2 months lang?" sumimangot ako "Eh ikaw kamusta!? Ang laki ng pinagbago mo ah after 2 years!"

"And 8 months...." habol nya

"And 8 months oo nga" tumalikod ako at nag patuloy sa pag gogrocery

"Kamusta kayo ni Jungkook?" tanong nya

"o-okay naman... " ngumisi ako "eh ikaw? May pamangkin na ba ako sayo?"

"Hahaha wala pa wala pa. Hindi ko pa priority yung mga ganong bagay"

"Eh may girlfriend kana ba? Ang tanong"

"Wala din e naiwan sa New york, joke haha wala pa"

Sya si Brian Lee, bestfriend ko simula ng bata pa ako, Doctor sya sa New York oh diba antaray

Ahead lang sya sakin ng 3 years same as Jungkook

Nakapila na kami dahil mag babayad na ako ng mga binili ko malamang

Kinuha ko ang walet ko at kinuha ang black card ni Jungkook

Siguro naman alam nyo na kung ano ang black card diba?

"Omygod black card? Diba kay jungkook yun?"

"Malamang, ang imposible naman na mag karon ng black card yang babae na yan eh si jungkook lang naman ang may pinagkakakitaan sakanilang dalawa"

"sino yung kasama nya? Siguro kabit nya yun"

"kawawa naman si jungkook"

"ginagamit na nga yung pera nya, may kasama pang iba"

"Hindi na nahiya"

Sakin pinapahawak ni Jungkook ang black card nya dahil alam nyang kaya kong i- budget yun, at ako talaga ang nag gogrocery ng mga kaylangan sa bahay

"Thank you ma'am"

"Abby! Yung ilong mo dumudugo" agad kong hinawakan ang ilong ko at tinignan ang kamay ko. May dugo nga "oh eto"

Ipinunas ko agad sa ilong ko ang puting panyo na inabot ni brian

"Okay kalang?" tumango lang ako sa tanong ni brian

"sa init lang siguro to." kukunin ko na sana ang mga eco bag pero inagaw ni brian

"Ako na ako na"

~~~~~~


"kamusta ka naman sa new york?" sabi ko at sumubo ng ramen

"Okay naman" sabi nya "Dapat medical nalang din kinuha mo eh, malaki yung sahod tsaka di naman pala talaga ganon na nakaka stress"

"Eh. Alam mo namang wala akong hilig sa mga science science eh"

"Ikaw pala? Anong trabaho mo ngayon?" tanong nya

"Wala. Hindi ko muna kasi itutuloy yung tourism ko, gusto ko nga sana mag work sa coffee shops or restaurant para makapag ipon tapos gagawa ako ng sarili kong coffee shop"

"Ooh That's great!" ngumiti sya "Eh bakit sana?"

"Ayaw kasi ni Jungkook eh. Sabi nya hindi ko na daw kaylangan mag trabaho at mag ipon. Sya na daw ang bahala, pero kasi diba nakakahiya naman yun?"

"anong nakakahiya dun? Eh asawa mo naman sya diba?"

Ngumiti ako at huminto sa pag kain "Hindi pa kami kasal"

"H--- Ha?"

"Hindi pa kami kasal!"

"Bakit?"

"Hindi pa ako ready eh"

Nag karoon ng katahimikan sa aming dalawa

"...... Sige na kumain kana pag pahinto hinto ka pa naman kumain napapadami ang kinakain mo haha"

Ngumiti lang ako

Hinawakan ko ang ilong ko at dumudugo nanaman

~~~~~~~~

BOOK1: Moments Into Memories | JJK (Completed✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon