Chapter 15 - Jungkook's Drunk

4K 78 3
                                    

Abby's POV

Bigla akong natigilan ng biglang mag bukas ang pinto

Tinago ko sa likod ko ang gamot sa likod ko

"A- ang aga mo ata?" sabi ko at tumayo

"Jagi" lumapit sya sakin "May problema ba tayo?"

Kumunot ang noo ko at inilagay ang gamot sa ilalim ng unan

"Lasing ka ba?" hinarap ko sya "Bakit ka nag lasing?"

"A- Abby sabihin mo nalang kasi kung may problema tayo" bigla syang umiyak "May mali ba akong nagawa?"

Mag wa-walk out sana ako pero hinawakan nya ang kaliwang braso ko

"Abby" sambit nya ngunit di nya ako nililingon. Ganon din ako dahil ayokong makita syang umiiyak

Eto nga ang kinatatakutan ko eh

Hindi ko kaya. Baka maiyak din ako kung papakinggan ko pa sya

"Abby please" niyakap nya ako "Pag usapan naman natin hindi yung magiging cold ka sakin"

"Jungkook ano ba!" sigaw ko pero mas niyakap nya ako ng mahigpit "Lasing kana! Matulog kana!"

"Abby--"

"Jungkook" yumuko ako "Bitawan mo ako"

"Hindi"

"Jungkook alam mo marami pa akong gagawin. Bitawan mo ako"

"Abby. Wag mo akong iiwan. Diba alam mo naman kung gaano kita kamahal?" naramdaman ko ang luha nya. Actually basa na ang balikat k osa mga luha nya

"Bitawan mo sabi ako!" tinulak ko sya

Padabog kong kinuha ang gamot ko sa ilalim ng kama at lumabas ng kwarto



Pag dating ng 12AM

Pinuntahan ko si Jungkook at nakitang naka Polo at slacks pa pero tulog na

Nilapitan ko sya at tinanggal ang polo nya. Pinunasan ko ang noo nya pero halos mapatalon ako ng hawakan nya ang pulso ko

"Abby. Wag mo akong iiwan ha?" nakapikit nyang sabi "Hindi ko talaga kakayanin pag nawala ka"

Agad nya rin namang binitawan at nakatulog uli

"Sorry Jungkook." tumulo ang luha ko "Pero kaylangan kasi. Ayokong mas mahirapan ka pag nalaman mo. Para sayo din naman 'to"

Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa ng luha at tumayo

Bago ko isara ang pinto ay sandali kong tinitigan si Jungkook at ngumiti

"Mahal kita Jungkook. Habang buhay kitang mamahalin"




~~~~~~~~~~~~~~~~~


BOOK1: Moments Into Memories | JJK (Completed✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon