Eto ang unang hakbang:
1. Be a gentleman. (Maging maginoo)
Most of these days masasabi kong wala nang gentleman sa mundo o sadyang paubos na sila. Siguro dahil sa gender equality na ipinaglalaban ng iba or sadyang bulag na ang mga lalaki kapag nakakakita ng babaeng nahihirapan. Pero hindi naman kailangan babae lang ang tutulungan. Kaya kapag may nakitang nahihirapan na lalaki/babae/bata/matanda/may ngipin o wala na nahihirapan sa ginagawa o kung anuman dapat ay huwag magdalawang isip na alalayan at tumulong. Maging maginoo na walang pinipiling tao, lugar at oras.
Sana lahat ng lalaki ay maging natural na maginoo para wala nang aasa sa mga mapanlinlang na nilalang.
Paalala: Kung hindi naman kayang gawin ito ng bukal sa loob ay mas mabuting huwag na lamang sundin. Huwag ding gagawin kung ang iyong pakay ay para mas maraming babae ang mahumaling sa iyo. Very wrong.